Kim Chiu supports call to abolish PDAF: “Sana wala nang pork barrel.”

“Ibang klase naman ang ibinabayad naming tax at hindi namin alam kung saan napupunta,” says Kim Chiu explaining why she supports the abolition of pork barrel.


Katulad ng mga kapwa niya artista at karamihan ng mga mamamayang Filipino, umaasa rin si Kim Chiu na mawala na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Sa press conference para sa pagiging featured artist niya sa Wansapanataym, kahapon, August 27, tinanong si Kim kung ano ang kanyang three wishes.

Unang sagot ni Kim: “Sana wala nang pork barrel.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang sagot pagkatapos ng press conference, sinabi ni Kim na nakikibahagi siya sa mga taong humihiling na alisin na ang pork barrel ng mga pulitiko.

Aniya, “Ibang klase naman ang ibinabayad naming tax at hindi namin alam kung saan napupunta. ‘Yon nga, sana clean government.”

Hindi nakalahok si Kim sa ginanap na Million People March sa Luneta Park noong Lunes, August 26, pero aniya, “Kahit wala ako doon, ramdam ko yung galit ng mga Pinoy. Yung iba, naiiyak na sila sa galit.

“Siyempre, hindi biro ang pera, pinaghirapan mo ‘yon.

“Then, mapupunta lang sa mga taong hindi karapat-dapat.”

Sabi pa ng Kapamilya actress, “Yung Million People March, isa lang ‘yon sa mga dahilan na ipinapakita ng mga Pinoy na hustisya naman para sa amin.”

Sa inilabas na listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na Top 500 Individual Taxpayers For Tax Year 2011 noong April 2013, nasa ika-133 na puwesto si Kim dahil sa binayaran niyang P6,711,100.76 na income tax.

Ang ilan pang celebrities na napabilang sa listahan ay sina Kris Aquino, Vic Sotto, Joey de Leon, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Manny Pacquiao, Michael V., at Willie Revillame.

(Read: Kris Aquino leads list of top individual taxpayers for 2011)

GIVING BACK. Samantala, kamakailan ay isa si Kim sa mga artistang nagpaabot ng tulong sa ilang mga nasalanta ng bagyong Maring at hanging habagat.

Kung dati ay namimigay siya ng relief goods, nitong nakaraang bagyo naman ay naisipan ni Kim at ng kanyang mga kapamilya at kaibigan na maghanda ng pagkain para sa mga nasa evacuation center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Noong unang araw, hindi ako makaalis ng house kasi hindi ako makalabas ng bahay.

“So, the next day, sabi ko kapag magbibigay ako ng bigas, hindi nila maluluto, wala silang pagkain.

“So, nagbigay kami ng tubig at saka ready-to-eat foods sa mga nasalanta, yung mga nasa evacuation centers.”

Sabi pa niya, “Ang sarap ng pakiramdam na makatulong ka sa mga kababayan mo kaysa humiga ka lang sa bahay mo o magpahinga ka lang, manood ka ng TV, kumain ka.

“Siyempre, nakakakonsensiya rin, may pera ka naman para tumulong, bakit hindi mo magawa?”

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Kim ang sarili at mga kapwa niya artista na sinasabihang para sa publicity lamang ang ginagawa nilang tulong.

Para kay Kim, isang paraan ang pagpu-post nila sa social media ng kanilang ginagawa para makahikayat pa ng ibang tao na tumulong.

“Siguro sa aming mga artista, it’s our way of telling the people na, ‘Tumulong din kayo.’

“Sa social media, like Instagram, marami kaming mga followers.

"Yung mga followers na ‘yon, yung iba do’n bashers, yung iba do’n na-inspire mo na tumulong talaga.

“Ako, ayaw ko naman piktyuran ang sarili ko, pero may nakikita ako na nagpo-post, parang ‘Ako din, gusto ko rin tumulong.’

“‘Yon, it’s to inspire people, not to publicize yourself.

“Yung iba, naiintindihan nila kami sa ibang paraan.”

Para kay Kim, may publicity man o wala, patuloy pa rin siyang tutulong kung kailangan.

Sabi niya, “Lagi ko siyang ginagawa.

“Ngayon lang na may Instagram na kaya nakikita na siya ng mga tao.

"Every time there’s a typhoon or kung anuman, tutulong ako kasi sila rin ang mga taong sumusuporta sa akin."

Sa huli, nag-iwan si Kim ng mensahe sa mga nangba-bash sa mga artistang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Aniya, “Tumulong na lang sila kaysa magsalita sila nang magsalita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN