Ai-Ai delas Alas on Angel Locsin: "Ina-achieve namin na maging friends talaga kami!”

Hindi na raw gagawin ulit ni Ai-Ai delas Alas na pagsabayin ang paggawa ng pelikula at teleserye. Sabi niya, "Kapag sobrang puyat na, hindi ka na dinidikitan ng make-up. Kaya kahit ang kapal-kapal na ng make-up mo, parang hindi nakadikit! Sabi ko, ’Lord, gusto ko, hanapbuhay, ayoko na ng hanap-patay!’ Siyempre, blessing yung meron kang work. Pero kapag health mo na ang at stake, isa-isa lang.”


Nang bumalik si Ai-Ai delas Alas mula Amerika, kung saan nagbakasyon siya kasama ang kanyang tatlong anak, unang siyang napanood sa sitcom ng ABS-CBN na Toda Max.
Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ng programa at kaibigan ni Ai-Ai na si Malu Sevilla, hindi pa nito masagot kung magiging regular na ba rito ang komedyana.
Pero ayon naman kay Ai-Ai, nang makausap namin siya noong August 27 sa taping ng Toda Max, wala raw sa kanya ang desisyon kundi sa ABS-CBN management.
“Alam n’yo naman ako, kung saan ako ilagay ni CVV [Cory V. Vidanes, channel head], Ma’am Charo [Santos-Concio, president], doon ako.
"Isa lamang naman akong manggagawa.”
Kumusta naman ang pagtatrabaho niya sa Toda Max?
Sagot ni Ai-Ai, “Okay naman.
“Ang sitcom kasi, madaling gawin kesa sa soap. At alam naman nating lahat yun.
"Kaya ako, okay lang akong mag-sitcom kasi na-miss ko yun.
“Yun ang buhay ko rito sa ABS, di ba, Whattamen [2001-2004], noontime show... ’yan ang mga, kumbaga, alam na alam kong gawin.”


VHONG & ANGEL. Ano ang naging reaksiyon niyang nang i-offer sa kanya ang Toda Max? Hindi na napapanood ngayon sa show sina Robin Padilla at Pokwang, pero nandiyan pa rin sina Vhong Navarro at Angel Locsin.
Sabi ni Ai-Ai, “Yun nga, parang sabi nila, para may katuwang yung mga... sina Angel, sina Vhong.
"Okay naman, happy naman ako dun.”
Paano kung bumalik si Pokwang, okay ba sa kanya na magkasama sila?
“Isa-isa lang, kasi siya, nag-soap siya, kaya nag-ano [nagpahinga] siya sa sitcom.
"At saka, pag ano rin... may isa pa kasi akong show na niluluto sila. Pambata o comedy show, pero soap ko lang yun.
“Ang importante naman, nag-e-enjoy ako.
"Sina Vhong, si Angel... actually dati ko pang gustong maging friend ‘yan.
"Ina-achieve namin na maging friends talaga kami!” natatawa niyang sabi.
Ano ang dahilan at gusto niyang maging kaibigan si Angel?
“Wala, mabait naman kasi si Angel at saka sweet na bata.
"Para kasi noong bago siya sa ABS, parang feeling ko, wala siyang masyadong friends. Kasi galing siya dun sa kabila [GMA-7], di ba?
"So, sabi ko, sige, ako na lang ang friend niya.
“Gusto niya, kaya lang siyempre, marami rin siyang ginagawa. May soap siya dati, di ba?
"[Ngayon] kaming dalawa ang walang soap, so kami na lang ang friends. Marami kasi kaming time.
"Kapag may soap ka, mahirap kang magbarkada, lumabas, kasi wala kayong time.
"Iba kasi ang ano ng soap opera.”
ANOTHER SOAP. Ang huling soap opera na ginawa ni Ai-Ai ay ang Wako Wako noong 2012. Gusto ba niyang gumawa ulit ng teleserye?
Sagot niya, “Depende sa soap.
"Huwag lang siyang sasabay sa movie kasi nahihirapan ako.
"Di ba, noon ko pa ‘yan sinasabi sa inyo, last 2011, kaya medyo nag-lie low ako.
"Nasabi ko, isa-isa lang, soap or movie.
"Kasi noong nagsabay-sabay ang soap at movie, nagkasakit ako. Naospital ako. Hindi ko kaya.
“For four months, ang tulog ko lang, dalawang oras.
"Siyempre, hindi naman na ako bata. Ayaw ng mga lungs. Bumibigay ang mga lungs!” natatawa niyang sabi.
Ngayon ay wala na siyang ginagawang pelikula dahil tapos na ang shooting ng Kung Fu Divas nila ni Marian Rivera. So, puwede na siyang mag-teleserye?
“Oo, puwede akong mag-soap or any one show again. Pero, hindi mo talaga puwedeng pagsabayin ang soap at pelikula.
"Kung ang soap, matatapos ang taping ng 7 a.m. at ang call time ng movie, 7 a.m. din, wala ka nang tulog.
“Saka kasi, naalala ko noon, yung Enteng Ng Ina, hindi makorek ang mukha ko. Ayaw na talagang dumikit ang make-up sa mukha ko sa sobrang puyat.
"Totoo yun, kapag sobrang puyat na, hindi ka na dinidikitan ng make-up. Kaya kahit ang kapal-kapal na ng make-up mo, parang hindi nakadikit!
“Sabi ko, ’Lord, gusto ko, hanapbuhay, ayoko na ng hanap-patay!’
"Siyempre, blessing yung meron kang work. Pero kapag health mo na ang at stake, isa-isa lang.”


THE MOTHER. Bagamat masigla si Ai-Ai habang kausap namin, halata sa kanyang mga mata na malungkot siya.
Naisip namin na ang posibleng dahilan ng kalungkutan ni Ai-Ai ay dahil naka-confine ngayon sa ospital ang kanyang anak na si Sophia sa Amerika, kung saan ito naninirahan at nag-aaral.
Inamin ni Ai-Ai na naaalala nga niya ang kanyang anak.
“Mahirap sa nanay, kaya lang siyempre, ang nanay dapat malakas. Siya ang huhugot sa ‘yo at hindi yung anak mo ang huhugot.
"Ipinagpi-pray ko na lang, nandoon naman ang tatay niya [Miguel Vera], e, hindi nila pababayaan.
“Nandoon silang lahat. Okay naman na magkakasama sila.”
Sa November daw planong bumalik ng Amerika ni Ai-Ai para makasamang muli ang mga anak niyang sina Sophia at Nicolo. Kasama naman niya dito sa Pilipinas ang panganay niyang si Sancho Vito.
Sabi niya, “Ngayon kasi, malapit na ang showing ng Kung Fu Divas, tapos may show pa ako sa Friday [August 30].
"Ngayon, okay naman siya [Sophia]. Nakausap ko siya kahapon.
“Kaya lang kasi dun [Amerika], iba kasi ang facilities doon. Kapag nakita mong naka-mask lahat ng mga tao, parang isolated ka.
"Pero actually, ganoon ang ano dun, kapag medyo hindi naman masyadong crucial. Pero hindi alam kung ano ang sakit."
Sa pagbalik niya sa Amerika sa November, isang buwan na naman siyang mananatili roon.
Sabi ni Ai-Ai, “Iisang buwan lang naman akong pinayagan.
"Bayad nga. Bayad nga ang isang buwan ko. So, binabayaran ko rin ang bakasyon ko, ‘no!
"Nagwo-work lang din ako, tapos binibisita ko lang din ang mga bata. Para makita ko rin ang mga anak ko.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN