Raymart Santiago not surprised by Claudine Barretto’s R.A. 9262 case against him

Inaasahan na raw ng aktor na si Raymart Santiago ang pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act laban sa kanya ng asawang si Claudine Barretto. Bagamat dapat sana raw ay hindi na isinasapubliko ang ganitong kaso, handa naman daw siyang harapin ito.


Maikli ngunit malaman ang naging pahayag ni Raymart Santiago tungkol sa pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act laban sa kanya ng asawang si Claudine Barretto.

Isinampa ni Claudine ang criminal case laban kay Raymart sa tanggapan ni Deputy City Prosecutor Linda Adame-Conos ng Marikina Regional Trial Court kaninang umaga, August 29.

(Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago)

Ayon kay Raymart, inaasahan na ng kanilang kampo ang pagsasampa ni Claudine ng kaso at handa silang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sabi ni Raymart, sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ng GMA News, "Talagang ini-expect namin na magpa-file sila ng gano’n. Hinihintay lang namin kung kailan at, yun, nag-file nga ngayon.

"At mayroon kaming sagot dun sa mga sinasabi nila sa akin.

"Mayroon silang ebidensiya, mayroon din akong ebidensiya."

Dagdag pa ng Kapuso actor, "Kung tutuusin, dapat contained lang ito at hindi pina-publicize ng ganun kalaki.

"Pero yun ang gusto niya, di ba, e, iyon ang ibibigay ko sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN