Nadine Samonte had a "feeling" about Derek Ramsay and Cristine Reyes

Nadine Samonte on relationship of Derek Ramsay and Cristine Reyes: "Ngayon ko lang narinig, pero I have the feeling na before. I guess, it’s just a feeling lang... I don’t know. At least happy ako for both of them kasi, happy na sila."


Hindi na nagulat si Nadine Samonte nang umamin si Derek Ramsay na girlfriend na nito si Cristine Reyes.

Minsan na ring na-link si Nadine kay Derek nang ginagawa nila ang TV5 fantasy series na Kidlat, samantalang si Cristine naman ay ka-batch ng Kapatid actress sa reality show na StarStruck ng GMA-7.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa story conference ng The Gift ng TV5 sa Sequoia Hotel kahapon, August 29, ay nabanggit namin sa kanya ang tungkol sa pag-amin ni Derek.

Sabi niya, "Ha, talaga? Oh, that’s good. At least okay na, di ba?

"As long as happy naman sila, di okay, di ba?

"Ngayon ko lang narinig, pero I have the feeling na before. I guess, it’s just a feeling lang... I don’t know.

"At least happy ako for both of them kasi, happy na sila."

Yung “feeling” ba niya ay sina Cristine at Derek na noong panahong nali-link sa kanya ang Kapatid actor? Ayon kasi sa Derek ay noong August 28 lamang naging opisyal ang kanilang relasyon ni Cristine.

Natatawang sagot ni Nadine, "I don’t know. I don’t want to talk about it!

"Past na yun, e. Bahala na sila.

"As long as happy naman ako ngayon, may boyfriend naman ako ngayon, so wish ko na lang ang happiness sa kanilang dalawa."

Ayon kay Nadine, magkaibigan pa rin sila ni Derek at maging ni Cristine.

"Oo naman. Pero kami ni Derek, bihira kaming magkita na.

“He has his own show [Undercover], pero noong magkita kami sa Davao, nagkuwentuhan naman kami.

"Kami ni AA [palayaw ni Cristine], hindi na rin kami nagkikita. Pero noong nasa StarStruck kami, medyo close kami.

"Lately, nitong nasa Dos na siya, hindi na gaano."

MEANT FOR EACH OTHER. Sa tingin ba ni Nadine ay magtatagal ang relasyon nina Derek at Cristine, considering na parehong strong ang personality ng dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I don’t know. We don’t know kung magkasama sila ay ganoon sila or what.

"Ayaw kong magsalita about that kasi hindi ko naman alam kung paano sila kung magkasama sila, di ba?

"So, ngayong naging sila, e, siguro nga, magkasundo sila.

"Why not naman, di ba? Happy ako para sa kanila."

Dagdag pa niya, "Wala naman akong masasabi kay Derek, mabait naman siya.

"Pero hindi ko rin masasabi kung paano siya as a boyfriend kasi hindi naman naging kami, e.

"So, yung time na nagkakasama kami ni Derek sa taping, nagkakasama kami sa show, masasabi ko na mabait siya, gentleman naman siya.

"Yun lang."

NADINE’S BOYFRIEND. Masaya raw si Nadine sa piling ng kanyang current boyfriend na si Richard Chua, nag-iisang anak ng aktres na si Isabel Rivas.

Ilang buwan pa lang daw silang magkarelasyon ng 36-year-old businessman pero going strong na raw ito.

Nakangiting saad ng 25-year-old actress, "Happy ako… happy ako.

"He’s mature enough, pero mas maganda kasi, di ba, there’s no... wala nang laru-laro. Alam mo yun?

"Getting serious na, which is yun naman talaga ang gusto ko kasi noon pa, di ba?

“Kasi sinabi ko noon na ayoko na yung playing games.

"He’s single pa at his age kasi he’s looking for the right girl na parang ganoon din ako—parehas lang kami, e.

"Months pa lang kami, wala pang one year.

“Pag one year na kami, sasabihin ko!" natatawa siyang sabi niya.

Dagdag pa ni Nadine, "Basta, happy ako. Inspired ako.

“Parang wala ka nang hahanapin pa sa kanya. Happy ako na may work... lahat-lahat na."

Si Richard na kaya ang magiging huling lalaki sa buhay niya?

"Hopefully," sambit ni Nadine.

"Siyempre, kailangan ang prayers din na talagang kami na ang magkatuluyan.

"Pero siyempre, hangga’t di pa dumarating ang araw na yun, hindi ko pa rin masasabi, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang isang babae, siyempre lagi naming wish na kung sino ang boyfriend namin ngayon ay sana siya na rin ang huli kasi nakakapagod din, di ba?”

FAMILIAR WITH HER WORLD. Non-showbiz si Richard at si Nadine naman ay isang artista na wala ring pahinga sa kakatrabaho. Hindi kaya maging problema ito sa kanilang relasyon?

Ani Nadine, "Hindi naman. Alam naman niya ang mundo ko kasi, di ba nga, aktres din ang mom niya tapos ang tito [Dennis Roldan] niya ay artista din.

"Hindi rin kaiba o talagang wala siyang alam sa showbiz kasi bata pa lang siya, nasa paligid na nya ang showbiz.

"Lagi lang siya nandiyan to support me.

“In fact, noong sa Nuebe [her indie film], sinuportahan niya ako... sumama siya sa premiere night kahit alam niyang may mapapanood siyang kakaiba.

"Bago naman kasi kami nanonood noon, sinabi ko na sa kanya kung ano yung mga mapapanood niyang scenes. Tinanggap naman niya yun.

"Kasi, sinabi ko naman sa kanya na, ‘Tinanggap ko yung project na yun, hindi pa kita kilala.’ Wala siyang dapat ikagalit or what."

Sabi pa niya tungkol sa kanyang boyfriend, “He’s so malumanay.

“Pero, fair kami sa isa’t isa.

"Nag-uusap kami pagdating sa maraming bagay kasi ayaw naming pasapawan kami or may pride-pride. Ayaw naming ganoon.

"Kasi, hindi magwu-work ang isang relasyon kapag may ganoon, e."

Kaya maging ang love o sexy scenes sa pelikula ay hindi naman daw siya pinagbabawalan ng non-showbiz boyfriend.

"No, hindi naman.

“Sabi niya, ’As long as gusto mo yung project, okay lang. Ingatan mo lang ang sarili mo.’

"Pero kung mapipilitan lang daw ako, doon na siya aalma.

"Kaya kahit ako... noon pa man, maingat na rin ako sa mga tinatanggap kong projects.

"Gusto ko rin siyempre na kahit gagawa ako ng sexy o love scenes, gusto ko andoon pa rin yung respect sa akin ng tao, pati sa sarili ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN