Rocco Nacino happy to spend more time with Lovi Poe with their two projects together

Dalawang proyekto ang pinagsasamahan ngayon nina Rocco Nacino at Lovi Poe—ang GMA-7 primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas at ang GMA News TV docu-drama na Titser. Ikinatutuwa naman daw ni Rocco ang pangyayaring ito. Aniya, “We’re closer now and we’re enjoying the chemistry na ipinapakita namin sa TV. And I’m really happy na we’re doing two projects together so we get to spend more t


Ang lahat daw ng mga ginagawa ngayon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ay hindi para sa sarili lamang niya.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Where I am ngayon, hindi dahil sa akin, hindi dahil sa mga desisyon ko, sa mga ginagawa ko, [kundi] dahil sa mga ibinibigay ni God.

“Lahat naman ng mga ginagawa natin, dapat para sa Kanya.

“And if you sacrifice and help others, you love your family and you love God, He will give you more, more than ano, hundredfold kung ano ang meron ka ngayon.

“So iyon ang naging thinking ko ngayon—if you do it for Him, He will bless you with even more.

"If you’ll just be righteous and God-fearing, He will give you more.”



CLEAN IMAGE AND HEALTHY LIFESTYLE. Naitanong naman kay Rocco kung paano niya napapanatili na malinis ang image niya at ang kanyang lifestyle, lalo pa ngayon na may mga kabataang nalululong sa masamang bisyo.

Sabi ng StarStruck alumnus, “Nakatulong po sa akin na nagtapos ako ng Nursing at isa akong registered nurse. So with everything na bawal sa katawan, alam ko.

“At may mga naging pasyente rin ako na who are under the influence, kaya alam ko for a fact na hindi ko dapat gawin.

“Alam ko talaga sa sarili ko na hindi ako aabot sa ganun, I won’t even try.

“So dun sa ganun pa lang, my thinking… alam ko na, nakokontrol ko ang sarili ko.

“And ever since, I’ve always had a positive outlook on everything.

"Very optimistic po akong tao at kahit anong negative na lumalabas, I will always make it into something positive.”



ROCCO’S LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

“Hooo! With the projects I’m doing, naku, hindi ko na… hindi ko na naiisip ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m happy, I’m happy, you know,” tugon ng 26-year-old actor.

Mayroon ba siyang lovelife ngayon?

“Hindi ko masabi kung ano, e.

“Basta it’s just nice na ano, there’s someone na ano, nakakausap ko about anything, I get to talk to her about anything.

“And iyon, suwerte ako na katrabaho ko siya ngayon in two shows.”

Ang tinutukoy ni Rocco ay ang leading lady niya sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas na si Lovi Poe. Magkasama rin sila sa docu-drama ng GMA News TV na Titser.

LOVI POE. Ano ang malaking pagkakaiba noong unang nakatrabaho niya si Lovi at sa pagsasama nilang muli ngayon sa Akin Pa Rin Ang Bukas?

“Mas masaya!” bulalas ni Rocco.

“We’re closer now and we’re enjoying the chemistry na ipinapakita namin sa TV.

“And I’m really happy na we’re doing two projects together so we get to spend more time with each other and laging masaya.”

Dahil sa madalas nilang pagkikita, hindi malabong magkadebelopan nga sila nang tuluyan.

Sabi ni Rocco tungkol dito, “A, mas malalim ang pagkakaibigan namin ngayon and that I’m thankful for.”

Mas madalas na ang "HOHOL" nila o “hanging-out-hanging out lang” na lagi nilang ginagawa noon kapag lumalabas sila.

“A, yung HOHOL namin, sa set na, e!” sabay tawa ni Rocco.

“We have a lot of scenes together, we’re always together, we just talk about everything and, you know, I open up to her, she opens up to me.

“Sabi nga, puwede na kaming mag-best friends kasi sobrang open-minded na namin sa isa’t isa, at sobrang open na kami sa isa’t isa.

“I’m really, really happy na lagi kaming magkasama.

"She’s one great girl talaga.”



MAX COLLINS. Bagamat malapit si Rocco kay Lovi ngayon, nali-link din ang aktor kay Max Collins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkakamabutihan na raw sila ni Max ngayon. Marami raw ang nakakapansin sa sobrang sweetness nilang dalawa tuwing Linggo sa Sunday All Stars.

Nililigawan ba ni Rocco si Max?

“Nililigawan? No, no, no!” tanggi ng binata.

“We just hang out for a while and we got really close dahil magkasama kami sa Tweet Hearts, sa group namin sa Sunday All Stars.

“Naging close lang kami, really, really close, really good friends.

“Up to now naman, e. But never got there, never got there [sa ligawan].”

Pareho silang single ni Max, may chance ba kung saka-sakali?

“A, she’s a beautiful girl, why not? Grabe ang ganda niya!” sabi ni Rocco.

Ngunit muling nilinaw ng aktor na hindi siya nanliligaw kay Max.

“Hindi, we’re just good friends, magkaibigan lang talaga kami. Maybe some people just got the wrong impression siguro,” sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN