Victor Basa willing to accept more gay roles after My Husband’s Lover

Inspirasyon sa pag-arte ni Victor Basa ang naging karanasan niya nang ma-basted siya noon. Kuwento niya, “Kailangan ko talagang ipakita na parang gumuguho yung buong mundo ko noong inaano na ako, noong sine-set aside na ako.”


Inamin ni Victor Basa na nag-audition siya para sa role na Vincent, ang gay husband sa highly-successful primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Pero kay Tom Rodriguez napunta ang karakter ni Vincent, ang married man na lover ni Eric na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

“Yes, I did, yes I did!” bulalas ni Victor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I auditioned for the role of Vincent but I think they were looking for a different attack on the character.

“Baka… maybe yung look or something, but I guess the creative theme, they saw a different character for me.”



SATISFIED. Hindi naman sumama ang loob niya at hindi siya nanghinayang na hindi siya ang napili para sa isa sa mga bidang tauhan sa teleserye.

“No, not at all. Because sabi ko, yung mga taga-creative, they know a lot more.

“Sila talaga yung nagka-cast, sila talaga yung nagsusulat ng istorya and I’m really happy with my character.

“And as of now, nagka-lovelife din si David so...” sabay-tawa ni Victor.”

Marami ang pumupuri sa pagganap niya as David dahil halatang hanggang ngayon ay may pagtingin pa siya kay Vincent.

Sabi ni Victor tungkol dito, “Actually, nakakaawa naman talaga yung character ng role ng ex ni Vincent na si David.

“I think lahat naman tayo na-experience kung paano maging kawawa sa pagkakabigo sa pag-ibig.”



IN REAL LIFE. Kahit kay Victor mismo ay nangyari na iyon—ang mabigo noon sa pag-ibig.

Sabi niya, “Oo, yung mga younger years, kapag nababasted ka, and I think kasi…”

Tila hindi yata kapani-paniwala na may bumasted na sa kanya sa kaguwapuhan niya?

“Oo naman, noong high school!” natawang pagkumpirma ni Victor.

Dahil sa kanyang karanasan, nagamit ito ni Victor sa pagganap niya bilang David sa serye.

Aniya, “But it was hard to prepare for, kasi hindi mo alam kung gaano kalalim yung relationship nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just written in the script so we had to make our own history.

“And since you’re younger, kapag nasa certain age ka, parang yung relationship mo sa isang tao, parang feeling mo, iyon yung buong buhay mo, e.

“Di ba, kapag nasa high school ka or nasa college ka, iyon talaga yung buong mundo mo?

“Kaya kailangan ko talagang ipakita na parang gumuguho yung buong mundo ko noong inaano na ako, noong sine-set aside na ako.”

Sa kasalukuyang takbo ng istorya ng My Husband’s Lover, may lovelife na rin si David, pero makikita pa rin sa mukha niya ang pagmamahal niya sa una niyang pag-ibig na si Vincent.

Paliwanag ni Victor dito, “Well kasi, feeling ko naman, I feel like si Vincent is the one great love of David.

“Kaya even after nagka-break na lahat-lahat, si David mismo ang nag-effort na parang, ‘I will be your friend, I will support you, I will help you out pa rin.’

“Kasi, iyon nga, kumbaga, if you love someone, kahit alam mong wala ng chance maging kayo, yung love mo for that person will never stop you from caring.”



BIG FOLLOWING. Dahil sa success ng My Husband’s Lover, lumaki na rin ang fanbase ng lahat sa cast lalo na among the out and proud and closet gays.

“Yes. Actually, yung sa Twitter nga, medyo nahihirapan akong sumagot sa mga tao.

“But I see it and yung mga ibang fans na gays kapag nakikita ako, sumisigaw na ‘Ay Victor, Victor!’

“Yung iba naman tahimik lang. Yung iba naman, nagse-shake ng hand.”

May isang gay fan pa nga raw na nagsabi sa kanya na, ‘Thank you for portraying us with dignity!’

“Naano ako, medyo kinilabutan!

“Meron pang magsasabi na ‘Uy, ang galing mo doon! Uy, nakakakilig!’

“Meron pang nag-thank you na, ‘On behalf of me and my friends.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess kasi it’s new nga, hindi siya nagagawa madalas o hindi pa siya nagagawa sa TV, kaya iyon, nakakatuwa!

“And even yung uncle ko sa Amsterdam, he’s married na to a guy, he’s also gay, nag-email siya na, ‘Ive been hearing a lot from my friends. Na nakuha mo daw yung acting na no acting.’

“Sabi ko, ‘Thank you, I hope you like it.’

“Sabi niya, ‘I love it! I’m glad that you accepted the show, others would not have risked it.’

“Kaya iyon, excited ako to see what will happen.

“Actually kasi, yung script dumarating sa amin each week, I dunno if it’s for the confidentiality… I think it’s for the confidentiality, e.

“Every time ko nakikita sa bahay, rush ako buksan yung script and nag-aaral talaga ako.”



MORE GAY ROLES? After My Husband’s Lover, tatanggap ba ulit si Victor ng gay roles kahit ito ay mas daring at mas risky?

“Yes I would!” tugon niya.

“Maybe sometime after ng San Pedro Calungsod, kasi baka magka-conflict—but yes, yes.”

Gaganap kasi si Victor bilang paring si Padre Francisco Solano sa pelikulang San Pedro Calungsod, Batang Martir.

Mula sa direksyon ni Francis Villacorta, entry ang pelikulang ito ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment sa 2013 Metro Manila Film Festival sa December.

Kung nude scene in a bold and daring project, papayag ba si Victor?

“Maybe not yet, hindi pa siguro, kasi medyo it’s too soon.”

Kissing scene sa kapwa niya artistang lalaki?

“I dunno, I’m not sure, hindi ko pa alam, e, hindi ko pa alam—we’ll cross the bridge when we get there.

“But iyon nga, as an actor, the more you can do, more opportunities come your way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN