Rocco Nacino explains why he still can’t court Lovi Poe

“We have a very, very special friendship. It came from knowing each other for years kaya espesyal siya sa akin,” patungkol ni Rocco Nacino kay Lovi Poe. Pero dahil daw sa sobrang busy niya, hindi niya magawang ligawan si Lovi.


Dahil na rin sa sunud-sunod na proyekto nina Rocco Nacino at Lovi Poe kaya madalas silang nali-link sa isa’t isa. Pero nilinaw ng aktor na hindi sila magkarelasyon ni Lovi.

“There’s a lot of rumors going around… yeah, we’re really close,” paliwanag ni Rocco sa press launch ng Akin Pa Rin Ang Bukas, ang primetime teleseryeng pagbibidahan nila ni Lovi sa GMA-7 simula ngayong September 2, Lunes.

Makakasama rin sa cast ng teleserye sina Cesar Montano, Charee Pineda, Steven Silva, at Miss Gloria Romero, sa ilalim ng direksyon ni Direk Laurice Guillen.

Pang-ilang pagtatambal na ito nina Lovi at Rocco; una, sa Love Bug Presents (2010), pangalawa, sa afternoon-serye na Yesterday’s Bride (2012), sa documentary drama na Titser, at dito nga sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Things are just perfect. What more can you ask for? One of the people you’re closest to nakakasama mo everyday, it’s always a good time,” lahad ng StarStruck Season 5 Second Prince.


VERY, VERY SPECIAL FRIEND. Diretsang tinanong si Rocco kung bakit ayaw pa niyang ligawan si Lovi gayong tumigil na ang pagli-link kay Lovi at kay Jake Cuenca.

“Hindi naman po sa ayaw, pero even if I want to, the time that I have to work, I’m doing so much.

“Marami po ako sobrang ginagawa ngayon kaya masaya ako kung ano kami ngayon,” paliwanag niya.

Bukod sa kanyang TV projects, ginagawa rin ngayon ni Rocco ang pelikulang Pedro Calungsod.

“Pinanghahawakan ko kung anong meron kami and masayang-masaya ako,” dagdag pa niya.

Sundot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rocco, ano nga ba ang meron sila ni Lovi?

“We have a very, very special friendship. It came from knowing each other for years kaya espesyal siya sa akin,” giit ng binata.

Speaking of Lovi, nilinaw rin ni Rocco sa mga reporters ang lumabas na ulat na nag-abot umano sila ni Jake sa bahay ni Lovi at nauwi umano sa komprontasyon at pisikalan ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rocco, wala raw nangyaring ganoon.

Sinabi ng aktor na noon ay nag-meet na sila ni Jake pero kita na ayaw nang mag-elaborate pa ni Rocco tungkol sa aktor na sinabi rin na espesyal para sa kanya si Lovi.

BIDA-KONTRABIDA. Sineseryoso talaga ni Rocco ang kanyang craft, kaya sa kanyang bagong role sa project nila ni Lovi, hindi typical na bida ang gagampanan ni Rocco sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Salbahe ako dito, nanloloko kasi ako ng tao, yun kasi ang paraan ko para kumita ng pera.

“Si Lovi isa sa mga target ko, and I end up falling in love with her, kaya dun papasok na magiging kaagaw ko si Cesar Montano,” kuwento niya.

Lahad pa nga niya, intense nga raw ang first scene nila ni Cesar dahil may komprontasyon sila dito.

“It’s nice. Nakaka-pressure but new experiences, it’s always nice kaya ine-embrace ko yun at ginagamit ko para lalong ma-hone yung craft ko,” pangwakas na paliwanag ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN