LJ Reyes laughs off rumor linking her to JC de Vera

Hanggang ngayon ay hindi pa rin masagot nang direkta ni LJ Reyes ang tanong kung totoo nga bang break na sila ni Paulo Avelino. Paliwanag ng Kapuso actress, “Ang hirap talagang magsalita. I really think it’s a very sensitive matter, something that you just don’t talk about to people. Kung magbibigay man kami ng any statement or anything to anyone, siguro we have to wait for the right time.”


Natatawa lamang ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa balitang may namamagitan diumano sa kanila ng bagong Kapamilya actor na si JC de Vera.

Sabi ni LJ sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Natawa ako kasi kaibigan ko yun. Matagal na matagal na, GMA pa lang. Nagkasama kami sa maraming projects before pa.”

Inamin ni LJ na lumalabas siya minsan kasama si JC, ngunit hindi lamang sila kundi ang iba pa nilang mga kaibigan. Pero sila lang daw siguro ang napapansin dahil pareho silang artista.

“I go out with friends, nakakasama ko siya kasi friend ko siya.

"May mga common friends kami. Siguro kasi mainit lang ang mata sa kanya at sa akin.

“Kasi sa akin, hindi ako nagsasalita, siya rin yata.

“Mainit din ang mata sa kanya kasi hindi rin siya mahilig magsalita, ganun din.

“Usually ganun naman talaga, for example, sa isang group sila ang kilala ninyo, wala na…”

Ayon kay LJ, hindi pa sila nakakapag-usap ni JC tungkol sa pagli-link sa kanila.

“Hindi pa, hindi pa kami nag-uusap tungkol dun.

“Actually, hindi ko nga alam na may naisyu pala na ganyan until tinanong sa akin, dun lang sa kabilang table kanina.

“Hindi kasi ako nagbabasa. Hindi naman nila ako sinabihan, wala akong notice na natanggap!” natatawang biro ng StarStruck alumna.

Pero may pag-asa kaya si JC kung saka-sakaling manligaw nga ito sa kanya?

Tugon ni LJ, “I think wala talaga ‘yan sa isip ko.

“Ang nasa isip ko lang ay ang anak kong si Aki saka ang trabaho ko. Dun ang focus ko.”

Si Aki, o Ethan Akio, ang anak ni LJ sa aktor na si Paulo Avelino.



PAULO AVELINO. Speaking of Paulo, kumusta na sila ngayon?

Matagal nang napapabalitang break na sila ngunit parehong tikom ang bibig ng magkabilang kampo tuwing matatanong tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni LJ, “Well, we’re doing fine, we’re fine.

“Ang hirap talagang magsalita. I really think it’s a very sensitive matter, something that you just don’t talk about to people.

“Kung magbibigay man kami ng any statement or anything to anyone, siguro we have to wait for the right time.”

Nabalita rin na hindi raw nagbibigay ng sustento si Paulo sa anak nila at isa raw ito sa pinag-awayan talaga nila.

Pero pagtatanggol ni LJ kay Paulo, “He’s a good father. Yes, pag sinabi mong good father, kasama na yun [financial support].”

Totoo bang babaero raw si Paulo at ilang beses na raw niya itong nahuli?

“Babaero?... Siguro hanggang dun na lang muna ang sasabihin ko,” iwas ni LJ.



THE ART OF HIDING. Bagamat may mga pinagdadaanang personal na problema, hindi naman ito nakakaapekto sa trabaho ni LJ dahil alam daw niyang paghiwalayin ang mga ito.

“Actually, lahat ng friends ko, sinasabi nila sa akin na kahit may problema ako, hindi nila nakikita sa akin.

“Pero siyempre, may mga moments din naman na you take it all in.

"But, you know, we’re in show business. When you go out of your house, you have to smile and show everyone that you’re okay.

“My strength comes from my son and hopefully gusto ko ring ipakita sa ibang babae na kaya natin ito. Mahirap talaga maging isang nanay.

“Saka I was blessed with a lot of things—my family, aside from my son, my good friends na parang mga kapatid ko na, and siyempre trabaho.

“Wala namang problema sa career,” pahayag ng aktres.

Isa pa raw sa nakakagaan ng disposiyon niya sa buhay ay ang kanyang healthy lifestyle.

Sabi ni LJ, “Nagdyi-gym ako, healthy lifestyle.

“Hindi naman diet, more on protein. Hindi ako nagpo-pork, more on vegetables as much as I can. Workout…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, it’s a decision of living a healthy life. Iba kasi ang pakiramdam pag nagwu-workout ka, e.

“Nung tuluy-tuloy nga akong nagwo-workout tapos nag-stop ako, because busy yung schedule, parang ang bigat sa katawan, matamlay ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN