Andre Paras on issue with mom Jackie Forster: “As long as you know the truth… that’s the only important thing for me.”

“Be yourself and enjoy what you do.” Ito ang payo ni Benjie Paras sa mga anak na sina Andre (kanan) at Kobe (kaliwa) na unti-unti nang pinapasok ang mundo ng showbiz.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang mga anak ni Benjie Paras kay Jackie Forster na sina Andre, 17, at Kobe, 15, sa launch ng isang watch brand kung saan special guests ang magkapatid.

Nagpahayag kasi ang magkapatid na gusto na rin nilang pasukin ang showbiz.

“I’m enjoying because it’s my first time to be part of something like this. It’s a great experience,” sabi ni Andre sa press launch ng Veloci Watch na ginanap sa Imperial Ice Bar sa The Fort Strip, Taguig City, noong Miyerkules, August 27.

Ngunit hindi pa man lubos na napapasok ng magkapatid ang showbiz ay naharap agad sila sa kontrobersiya dahil sa pagtanggi nilang makausap at makasama ang kanilang ina na si Jackie Forster.

Ipinahayag ng dalawa sa mga naunang panayam sa kanila na sana’y hayaan na lang sila ni Jackie dahil masaya na sila sa kanilang sitwasyon ngayon.

Nakatira ang magkapatid sa poder ng kanilang ama at ng kanilang stepmom na si Lyxen Diomampo.

(Read: Andre and Kobe Paras reject mom Jackie Forster’s hope for a second chance)



KNOWING THE TRUTH. Dahil dito, magkahalong reaksiyon ang nakuha nina Andre at Kobe mula sa publiko.

Sinabi ng ilan na dapat ay bigyang-respeto pa rin nila ang kanilang ina.

Maging si Benjie ay binatikos dahil hindi raw niya dapat hinayaan ang mga anak na magkaroon ng galit sa kanilang ina.

Sinabi naman ni Benjie sa naunang report ng PEP na sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila ni Jackie noon ay pinipilit niyang manahimik na lang para hindi na lumaki ang isyu.

Tumanggi naman sina Andre at Kobe na magkomento pa sa isyung kinasangkutan nila at ng kanilang ina.

Tinanong ng PEP si Andre kung ano ang natutunan nila sa isyung kinasangkutan.

Tugon niya, “As long as you know the truth… and I know the truth naman, and that’s the only thing important to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As long as you know the truth and I stand my ground.”



ADVICE FROM DAD. Kamakailan ay pumirma ng five-year commercial and endorsement contract ang magkapatid sa Viva Entertainment kaya isa itong indikasyon na unti-unti na nga nilang sinusundan ang yapak ng amang basketball player turned comedian.

Gaya ng kanyang ama, gusto rin daw ni Andre na subukan ang pagko-comedy.

Marunong ba siyang magpatawa gaya ng kanyang tatay?

“I have his humor, but for sure he’s better,” tugon ni Andre.

Para naman kay Kobe, willing siyang gawin ang mga ipapagawa sa kanya pagdating sa showbiz.

Ano naman ang pinakaimportanteng payo na ibinigay ng kanilang ama sa sa pagpasok nila sa showbiz?

Ani Andre, “Whatever happens, just enjoy. Whatever you do, don’t do anything crazy. Be yourself and just make people happy.”

Sagot naman ni Kobe, “Just be yourself. Don’t think about other people, just focus on what you’re doing and just have fun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN