Apl.de.Ap denies dating a beauty queen

Bagamat tutok si Apl.de.Ap sa The Voice of The Philippines, inamin niyang may panahon pa rin siya sa paghahanap ng potential girlfriend. Aniya, "I tend to go towards really hardworking women. It intrigues me how they work so hard. I’m like, ’Wow! Am I even worth it?’"


Single and looking for a girlfriend.

Ito raw ang relationship status ngayon ng world-renowned hip-hop artist na si Apl.de.Ap.

“Right now, yeah, well, I’m looking for someone to ligaw,” nakangiting sabi ng Black Eyed Peas member nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Maxims noong Miyerkules ng gabi, August 28.

Ilang buwan na ring nananatili rito sa Pilipinas si Apl, ngunit hanggang ngayon ay mailap ito pagdating sa usapang pag-ibig.

Minsan na siyang na-link kay KC Concepcion, na niregaluhan pa nito ng Tiffany bracelet noong 2011. Iyon nga lang ay huminto sa panlililigaw si Apl dahil pareho raw silang naging busy ni KC sa kani-kanilang proyekto noon.

Pati kay Kris Aquino, na itinuturing ni Apl na malapit na kaibigan, ay naigunay din kay Apl. Pero agad niyang pinabulaanan ang balitang ito.

Ngunit may ilang nagsasabi na kaya raw walang nililigawan na local celebrity ngayon si Apl ay dahil may girlfriend na ito na isang beauty queen.

Medyo nag-alangang sumagot si Apl tungkol sa nasabing balita, ngunit sa huli ay inamin niyang may nakilala siya sa Binibining Pilipinas USA 2013, kung saan isa siya sa mga napiling hurado.

Ginanap ang nasabing beauty pageant sa Centinela Valley Performing Arts Auditorium sa Lawndale, Los Angeles, noong July 27.

Hindi niya pinangalanan ang naka-date niyang beauty titlist. Pero giit niya, wala silang naging pormal na relasyon nito.

Bahagyang napapangiti si Apl habang nag-iisip ng sasabihin.

“No, we’re just... I, uhm, judged a Binibining [Pilipinas U.S.A 2013] competition in L.A. I just met new people.

"Right now, I’m really focused on my album and The Voice.”

Ganunpaman, bukas daw siya sa posibilidad na makakilala ng potential girlfriend.

Sabi pa niya, “There’s always room for that.”



IDEAL GIRL. Tinanong ng PEP si Apl kung anu-ano ang mga katangiang hinahanap niya sa kanyang magiging girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent siya sa pagsasabing madali siyang humanga sa mga babaeng masipag at mataas ang pangarap sa buhay.

Kapag daw kasi ganoon ay mas nagiging inspirado siya na i-improve ang sarili.

Sabi niya, “I tend to go towards really hardworking women.

“I don’t know. It intrigues me how they work so hard. I’m like, ’Wow! Am I even worth it? ‘Coz she’s like doing stuff like that.

“I like [girls who are] sweet, strong, knows how to cook, and open-minded.”

Bilang pinasikat niya ang kantang “Bebot,” hindi itinanggi ni Apl na malaking factor kung maganda ang pangangatawan ng babae upang magustuhan niya ito.

“Definitely a bebot is a hot chick!” natatawang pag-amin nito.

Pero mas importante raw sa kanya na makita sa kanyang girlfriend ang magagandang katangian na tulad sa kanyang ina.

“Between the malamibing and that part. I like bebot that really cares for their family.

"I look up to bebots like my mom.

"We grew up poor but she was an entrepreneur. We had a sari-sari store,” sabi niya.

Nagtitinda rin daw noon ng mga lutong pagkain ang kanyang ina at siya ang madalas na utusan nito sa pagbili ng mga gagamiting panluto tulad ng mantika at uling.

Dagdag pa ni Apl tungkol sa kanyang ina, “She was very resourceful.”



THE VOICE PH. Samantala, hindi makapaniwala si Coach Apl sa tindi ng pagtutok ng mga manonood sa Kapamilya reality singing competition na The Voice of the Philippines.

Last week ay nagsimula na ang first round of live shows ng mga miyembro ng Team Apl, Team Lea, Team Bamboo, at Team Sarah.

Hindi raw madali sa tuwing may natatanggal na kalahok dahil bilang coach ay malapit ang loob niya sa mga ito.

“So far so good. It’s hard because I’ve gotten closer to my team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"With the live shows, thank God the public decides also. That takes a little burden off of me.

“If it was my choice, I don’t want to let go any of my team.

"But I’m shocked that people really pay attention to everything. Even the performance, it’s not like there’s gonna be a lot of favoritism.

"They voted last week. It was like really from how the artists perform.”

Malaki ba ang pressure sa kanya na manguna sa standing, lalo na pagdating sa public votes, ang mga miyembro ng kanyang team?

Sagot ni Apl, “I just try to really coach them as much as I can and be involved in their lives. Because you never know the outcome.

"But I want to have that experience that it’s not just coaching, it’s building a friendship.

“It’s not just singing, it’s about communicating [and] hanging out together.

"We like to stay up and make packages for [typhoon] Maring We do like special bonding stuff.

"I’d like to coach them not just for singing but throughout life.”

True enough, sa kalagitnaan ng panayam ng PEP kay Apl sa Maxims ay nagsidatingan ang mga miyembro ng Team Apl na sina Thor Dulay at Jessica Reynoso.

“Yeah, we were supposed to do a benefit show [in a nearby venue], but unfortunately, with logistics and stuff, it got cancelled.

"So, we’re just gonna have a bonding time. I’ll hang out with them.

"We’ll just have to reschedule our benefit concert.”

Ayon sa team members ni Apl, malaki ang respeto nila sa kanilang coach dahil nananatili itong down-to-earth sa kabila ng angking talento at kasikatan sa international scene.

Para naman kay Apl, talaga namang nakakataba ng puso na masabihan na isa siyang effective coach.

“I like to be approachable about my team. Whatever they need.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Don’t hold back, let me know how you’re feeling.

"Even their camaraderie among each other [is amazing].

"They’re so funny. They make fun of each other.

"It’s a great feeling that they feel good. It makes me feel good that I’m doing my job as a coach," saad niya.



MORE PROJECTS IN MANILA. Bukod sa The Voice ay nakatakda ring gumawa ng abum si Apl kasama ang Pinoy metal band na Slapshock sa ilalim ng kanyang music label na Jeepney Music.

“Yes, the collaborative project is under my record label. I am still waiting for more updates about it.”

Bukod dito ay pinaplano rin niyang gumawa ng pelikula habang nandito sa Pilipinas.

“I’ve had writers put a script together. It’s still in the works.

"But definitely I am planning to do a slapstick comedy. Like back in the day, Chiquito or Dolphy kind of comedy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN