Raymart Santiago on Claudine Barretto’s evidence against him: "Ang tanong: Totoo ba ‘to at mapapatunayan ba niya?"

Hindi na raw ikinagulat ni Raymart Santiago ang pagsasampa ng kanyang asawa na si Claudine Barretto ng kasong paglabag sa R.A. 9262 laban sa kanya. Sabi ng aktor, “Puwede naman niyang sabihin lahat, lalo na mahilig siya sa media. Mahilig siya magpa-interview. Puwede naman ibato niya sa akin lahat ang gusto niya ibato, pero totoo ba ‘to?”


Hindi sumipot si Claudine Barretto sa hearing kaninang hapon, August 30, para sa kasong habeas corpus na isinampa ni Raymart Santiago upang makuha ang kustodiya ng dalawa nilang anak.

Dininig ang kaso sa sala ni Judge Lorna Chua-Cheng ng Marikina Regional Trial Court.

Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio, may allergy raw ang aktres kaya hindi na ito dumalo sa naturang hearing.

Maaga namang dumating si Raymart kasama ang dalawa niyang abugadong sina Atty. Peter Sanchez at Atty. Ruth Castelo.

Nakasaad din sa calendar ng korte ni Judge Chua-Cheng ang “Motion to Cite respondent Claudine Barretto and counsels Atty. Ferdinand Topacio and Atty. Ginger Castillo in Contempt of Court.”

Nakasaad din dito ang: “Very Urgent Verified Motion Ad Cautelam to Defer Enforcement of Order Granting Peititioner Visitation Rights.”

Pero ayaw sagutin ng mga abugado ng magkabilang kampo kung ano ang nangyari sa pagdinig dahil daw sa gag order na ibinaba ng korte.

Ayaw ring magsalita ni Raymart dahil sa mahigpit daw na ipinagbilin ng korte na tuparin ang gag order.



R.A. 9262. Ang sinagot lamang ni Raymart ay ang naramdaman nito sa pagsampa ni Claudine ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) laban sa kanya.

Tugon ng aktor, “E, nun pa naman kasi sinasabi niya na magpa-file siya ng VAWC.

“So, hinihintay naman namin at pinaghahandaan na namin yun. May pangsagot naman kami dun."

Dagdag pa ni Raymart, “Puwede naman niyang sabihin lahat, lalo na mahilig siya sa media. Mahilig siya magpa-interview.

“Puwede naman ibato niya sa akin lahat ang gusto niya ibato, pero totoo ba ‘to?”

Mayroon din daw siyang mga ebidensiyang maaaring ilabas. Kaya hiningan na rin namin si Raymart ng reaksiyon sa mga ipinakitang litrato ni Claudine na nakapaloob sa kanyang affidavit na magpapatunay diumano na mayroong pananakit na nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Raymart, “Puwede naman niya ibigay ang mga litrato o ebidensiya kung meron man siya.

“Ang tanong: Totoo ba ‘to at mapapatunayan ba niya?

“Nasa korte na ang lahat at naniniwala ako sa husgado.”



MOMMY INDAY. Nakarating na rin kay Raymart ang mga matitinding pahayag ng ina ni Claudine na si Inday Barretto laban sa kanya.

Sabi naman ng aktor, alam naman ng mga magulang ni Claudine kung ano talaga ang totoong nangyari.

“Siyempre kakampihan nila ang anak nila.

“Pero ang totoo niyan, alam naman nina Mommy at Daddy ang totoong nangyari, e.

“Alam n’yo ang totoo at tulungan n’yo ang anak n’yo,” mensahe pa ni Raymart sa kanyang biyenan.

Hiningan na rin namin ang Kapuso actor ng reaksiyon sa ilang mensahe ni Gretchen Barretto, kapatid ni Claudine, sa kanyang Twitter account na dapat daw ay sa kanya mapunta ang custody ng mga bata, na isa sa ikinagalit ni Mommy Inday.

Ani Raymart, “Siyempre, nagpapasalamat din ako… kapatid ng asawa ko ang kumakampi sa akin.”



MESSAGE FOR SABINA & SANTINO. Pagdating naman sa dalawang anak nila ni Claudine, tikom ang bibig ni Raymart dahil pa rin sa gag order.

“Bawal kasi ako magsalita tungkol sa ganyan, e,” pakli nito.

Hindi sinagot ni Raymart ang tanong kung nakita niya uli ang mga bata. Pero totoong nag-post raw siya sa kanyang Facebook account na nami-miss niya sina Sabina at Santino.

“Basta message ko na lang, ‘I love you, Sabina. I love you, Santino,” nakangiting sabi niya at sumakay na ang aktor sa kanyang sasakyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN