Lovi Poe on alleged falling out with Jake Cuenca because of Rocco Nacino: "Mahirap kasing magsalita about that."

Hindi masagot nang diretso ni Lovi Poe ang balitang nagkalabuan sila ni Jake Cuenca dahil kay Rocco Nacino. Sabi ng aktres, "Pareho ko silang kaibigan. I don’t wanna ruin the friendship that we both have separately."


Ipinalinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) kay Lovi Poe ang balitang nagkaroon sila ng falling out ni Jake Cuenca dahil kay Rocco Nacino.

Si Jake ay nakasama ni Lovi sa mga pelikulang My Neighbor’s Wife (2011) at Lihis (2013), habang si Rocco naman ang kapareha ngayon ng aktres sa bagong primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Parehong nali-link sa aktres ang dalawang aktor.

Tanggi ni Lovi, “No, no, no… kasi yung sa amin ni Jake, I’m still happy that we’re still good friends now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng Akin Pa Rin Ang Bukas sa Studio 7 ng GMA Network kagabi, August 29.

Ano naman ang reaksiyon ng Kapuso actress sa sinabi diumano ni Jake na tumagal ng isang taon ang relasyon nila? Ito ay sa kabila ng hindi naman sila kailanman umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Natatawang sagot ni Lovi, “I don’t know. I haven’t read anything yet.”

Pero may kinalaman nga ba si Rocco sa “falling out” nila ni Jake?

“No, mahirap kasing magsalita about that. Pero si Rocco, matagal ko na siyang kaibigan and it’s very different, malayo.”

Kanino mas malalim ang friendship o closeness niya: Kay Rocco o kay Jake?

Ayon kay Lovi, “Parehas naman malalim ang friendship namin.

“Kami kasi ni Rocco, ilang years na kaming magkaibigan.

“Si Jake din, nang makilala ko siya, naging close din kami agad.”

Pero sino ang mas malapit sa puso niya ngayon?

“I can’t answer that… neither.

“If we’re gonna talk about love angle, it’s not my time talaga.

“I’m too tired sa trabaho to actually insist lovelife, sakit sa ulo yun.”

May panghihinayang ba sa parte ni Lovi na hindi na katulad ng dati ang samahan nila ni Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap sagutin!” natatawang sabi ni Lovi.

“Basta ako, I’m just looking at the present situation right now and I’m happy naman na magkaibigan kaming dalawa.”

May posibilidad kayang manumbalik pa ang pagtitinginan nila?

“I don’t know, e. I’m not sure naman about the things that will gonna happen in the future.

“Basta ako, anything’s gonna happen, pero ako, mas focused sa work ko.”

Ano ang mas posibleng mangyari: Yung madugtungan pa ang sa kanila ni Jake o magtuloy yung sa kanila ni Rocco?

Sabi ni Lovi, “No, ako, I don’t want na dumating sa point na we’re talking about Jake and Rocco kasi parang it’s not nice.

“Pareho ko silang kaibigan. I don’t wanna ruin the friendship that we both have separately.

“So, yun, ayokong masyadong i-push. I don’t wanna give it like so much about that issue.

“I can’t think of anything right now but my work. Especially now na napi-pressure ako, I have to admit.

“When they first told me about ‘Primera Aktresa,’ I had my first anxiety ever in my whole life.

“That’s why right now, wala akong ibang naiisip kung hindi ang trabaho ko.

“Yung lovelife, it would come kapag nangyari yun.

“Mangyayari at mangyayari rin naman yun, pero ngayon, wala, wala talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN