Enchong Dee hopes for a better lovelife towards end of 2013; plans vacation after Muling Buksan Ang Puso

Enchong Dee on working with ex-girlfriend Julia Montes: “We’re very okay and now I can say na it’s even better kasi mas nabibiro ko na siya. Mas nagkakaroon na kami ng openness to each other. So, napakadali, napakaluwag nung relationship namin.”


Laking pasasalamat ng Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil sa sunud-sunod na proyekto at sa naging maganda ng takbo ng kanyang career para sa taong ito. Bukod dito, ipinagpapasalamat din ni Enchong ang patuloy na suporta ng mga manonood ng kanilang primetime drama, ang Muling Buksan Ang Puso.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa fifth anniversary ng isang men’s fashion magazine na ginanap kagabi, August 29, sa Republiq Superclub Resorts World, Pasay City kung saan siya ang itinanghal bilang Best Dressed para sa taong ito.

Saad ng Enchong, “I’m happy and I’m thankful for people who keep supporting us even though we transferred timeslots recently.

“Parang, I’m just happy that ABS-CBN is always there for me, always there for us.

“So, nothing to argue about.

“Parang lagi lang puro ano... full of appreciation.”

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Enchong ay ang pagkakaayos ng relasyon nila ng kanyang co-star at dating kasintahan na si Julia Montes.

Kuwento ni Enchong, “We’re very okay and now I can say na it’s even better kasi mas nabibiro ko na siya.

“Mas nagkakaroon na kami ng openness to each other.

“So, napakadali, napakaluwag nung relationship namin.”

Paliwanag pa niya, “Nung nagsimula yung project, wala na kasi we did some workshops together na kaming dalawa lang to fix everything.”

BIDA-KONTRABIDA. Isang kontrabida ang ginagampanang karakter ngayon ni Enchong sa Muling Buksan Ang Puso. Gumaganap dito si Enchong bilang si Leonel Beltran, ang pilit na humahadlang sa pag-iibigan ng mga karakter nina Julia Montes at Enrique Gil.

Sa mga darating na araw, marami pa raw dapat pakaabangan sa kanilang programa lalo’t wala sa comfort zone niya ang ang kanyang karakter na ginagampanan.

Kuwento ni Enchong, “Kung papaano lalabas yung kasamaan ko....

“Kasi this is the first time that ABS-CBN gave something really really challenging.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Challenging in terms of not bida, not mabait but something kontrabida.”

Inamin din ni Enchong na mas nae-enjoy niya ngayon ang gumanap bilang kontrabida sa mga teleserye. Ngunit ano nga ba ang mas gusto niya sa dalawa, ang maging bida o kontrabida?

Sagot ng young actor, “Both, gusto ko pagsabayin yung dalawa.”

Paliwanag pa ng aktor, mas natutuwa siyang bigyang buhay ang isang karakter kung natsa-challenge siya dito.

Aniya, “That’s the colorful part of it, yung mahihirapan ka sa trabaho mo.”

MORE TIME FOR HIMSELF. Sunud-sunod din ang naging proyekto ni Enchong para sa taong ito. Matapos ang Ina Kapatid Anak kung saan kasama niya sina Kim Chiu at Maja Salvador, agad sumabak para sa panibagong primetime teleserye ang Kapamilya actor.

Kaya naman isa na lang daw ang mahihiling niya para sa taong ito—ang makapag-bakasyon.

Ani Enchong, “I want a vacation.

“I have plans for October.

“Two for October, one for November and then one for December.

“So, sasagarin ko dahil nagtrabaho ako buong taon, yung last quarter is for my vacation.”

At dahil marami na siyang panahon para sa sarili niya, umaasa si Enchong na magkakaroon na rin siya ng girlfriend bago matapos ang taong ito.

“Wala naman pero I’m hoping na sana meron na soon,” saad ng aktor.

Dagdag pa ni Enchong, “Siguro pag nag-start na yung last quarter ko ng taon.

“Kasi magkakaroon na ako ng oras.”

Sa ngayon, wala pa daw siyang napupusuan maging kasintahan ngunit kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang tanungin kung sino nga ba ang kanyang crush sa showbiz ngayon.

Ang sagot ng Kapamilya star, “Georgina Wilson siyempre kaya lang silang dalawa ni Borgy [Manotoc].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN