Aljur Abrenica signs up with MCA Music; starts taping for Prinsesa Ng Buhay Ko

Aljur Abrenica on finally fulfilling his musical dreams: “Isa ito sa mga dreams ko, na makapag-sign-up sa recording company and I’m very happy, sa araw na ‘to... lalo na sa araw na ‘to na magiging part na ako ng family ng MCA. Bata pa lang ako, isa na ito sa pinapangarap ko. Before acting, this was really my passion—singing. And growing up with my Dad, he’s a professional musician. May drive ako, may motivation ako na kumbaga,


Natupad na naman ang isa sa mga pangarap ni Aljur Abrenica.

Ito ay ang makabilang sa isang kilalang recording company sa bansa.

Noong Huwebes, August 29, pumirma si Aljur ng dalawang taong recording contract sa MCA Music Inc. Ang unang magiging proyekto niya ay ang album na kasalukuyan niyang ginagawa na ang MCA na ang magpu-prodyus.

Ayon kay Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng MCA sa Raffles Building sa Ortigas Center, “Isa ito sa mga dreams ko, na makapag-sign-up sa recording company and I’m very happy, sa araw na ‘to... lalo na sa araw na ‘to na magiging part na ako ng family ng MCA.”

Dugtong pa niya, “Bata pa lang ako, isa na ito sa pinapangarap ko. Before acting, this was really my passion—singing.

“And growing up with my Dad, he’s a professional musician. May drive ako, may motivation ako na kumbaga, tumatakbo sa akin ang pagiging musikero.

“So, sobrang effortless na dumating sa akin ‘to,” saad niya.

Ngayong isa na siyang contract artist ng MCA, may alam na rin siguro siyang mga plano para sa singing career niya.

Sabi naman ni Aljur, “Siyempre, meron silang mga plans. Meron din naman kaming mga plans.

“Siyempre, darating sa time na magkakalatagan din kung ano ang mga plans namin. Excited ako. For now, excited ako kung ano ang magiging takbo ng pagiging contract artist ko ng MCA.”

May mga selection of songs na raw si Aljur para sa kanyang album at meron din ang MCA. Nasabi nitong siguradong ngayong taon na rin ang release ng album niya.

Aniya, “Definitely, this year. Hopefully, hindi ko masagot nang patapos, pero, hopefully, before ng concert natin. May concert po tayo ng November 7, sana before no’n. Sa Music Museum po yun.”

May mga kanta na rin daw si Aljur na nagawa na sarili niyang komposisyon. Pero, siya mismo ang nagdesisyon na huwag munang gamitin ito para sa kanyang album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi pa niya, “Honestly ako, feeling ko, hindi pa. Hindi pa ko ganoong kagaling. Good thing is, nae-enjoy ko ang ginagawa ko. Nagta-try ako.”

Nakagawa na rin siya ng album noong 2010 sa GMA Records/Sony Music. Pero, pagkatapos noon, mas nag-focus siya sa pag-arte. Pero, babalikan at babalikan pa rin pala niya ang pagkanta.

Katuwiran ni Aljur, “Kapag talagang passion mo, yun ang environment mo, malabong makalimutan ang music side.”

SUNDAY ALL STARS. Isa si Aljur sa mga regular performers ng Sunday All Stars at naging leader na rin siya ng grupo nilang Ligang iLike.

Ano naman ang ipapamalas nila ngayong Linggo?

“Well, bilang leader, gusto ko lang maibigay ang spot ng bawat isa. Minsan lang naman akong maging leader at gusto ko talaga, bawat miyembro, mabigyan sila ng chance na maipakita yung talent nila. In short, pantay-pantay.”

Nai-stress din ba siya bilang leader?

“At first, yeah, totoo ‘yan. Kasi, may kanya-kanyang side ang bawat member kung bakit hindi nananalo.

“But at the end of the day, ang importante, ma-deliver mo. Para sa akin, bilang isang leader, ang pinaka-importante sa akin, mailabas ko ang mga kayang gawin ng members ko.

“Hindi porke’t ito lang ang kayang gawin nila, iisantabi ko na sila. Ako, kung yun lang ang kaya nilang gawin, ipu-push ko pa sila,” paliwanag niya.

Sa isang banda, marami naman ang pumupuri at natutuwa sa kanya bilang leader ng grupo nila.

Sabi naman ni Aljur, “Hindi lang naman ako yun. I’m thankful na nagkaroon ako ng member sa team ko na talagang may puso. Hindi porke’t hindi sila leader, aasa na lang sila.

“Especially this week, sunud-sunod ang taping ko, Monday, Tuesday, Wednesday, so, hindi ako naka-attend ng meeting. Puro singit lang.

“Ang gumawa no’n, mga members ko, sina Jonalyn [Viray], Diva [Montelaba], LJ [Reyes]. Halos silang lahat. Kris Lawrence, siya pa ang nag-e-edit ng mga songs namin. So, hindi lang ako yun. Team effort talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung mga patutsadahan nila bago umere ang SAS, naapektuhan ba sila noon?

“Well, napapanood niyo naman. Para sa akin, yung mga yabang na yun, magyabang na lang kayo,” natatawa niyang sabi.

“Okay lang naman sa akin kahit manalo sila. Basta ang akin, feeling ko, bilang isang leader na hindi kayang gawin ng iba, ito ang ipagmamalaki ko.

“Siyempre, may pride rin naman tayo. Nagsasalita po ako bilang isang leader.

“Lahat ng miyembro ko, nakakapag-perform. Prime kami, e. Pero, kahit na artista kami at hindi total performer, naide-deliver nila ng tama at naipu-push ko sila.

“Hindi yung kung sino lang ang magagaling, yun lang ang ginagawang frontliner.”

PRINSESA NG BUHAY KO. Nakapagsimula rin daw si Aljur ng taping para sa bagong primetime series nila ni Kris Bernal, ang Prinsesa ng Buhay Ko na dating Prinsesa ng Masa.

Kumusta naman ang taping nila?

“Third taping ko na yesterday and what’s exciting about this project, high-definition na kami. High-def na ang resolution sa TV at thankful ako sa GMA, kami ang unang binigyan ng ganitong pagkakataon.

“The story, it’s more than what I expected, kung gaano siya ka-interesting.

“Abangan niyo po ang Prinsesa ng Buhay Ko, yung istorya, grabe, malalim. Nilalaro namin, pinu-push, nag-e-enjoy kami.

“May comedy, may light-drama and definitely, pupunta rin tayo sa heavy drama,” pagmamalaki niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN