Ai-Ai delas Alas on being more cautious in her relationships: “May trust issue na ‘ko ngayon.”

Ai-Ai delas Alas on being more vigilant with her relationships now: “I think, sa trust, may trust issue na ’ko ngayon. Dati, meron din, kaya lang, kasi sa akin naman, walang masamang tinapay. Isa yun sa problema ko, I trust too much. Masyado akong mapagtiwala sa mga tao. Dahil ako, feeling ko, lahat ng tao, mabait. Lahat ng tao, sincere. E, sa totoong mundo naman pala, hindi naman lahat ganun. Sabi ko nga, wala palang fairytale. Ano pala ‘to, totoong buhay pa


Natawa si Ai-Ai delas Alas nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang pagkakasama niya ngayon sa ABS-CBN sitcom na Toda Max na napapanood tuwing Sabado ng gabi ay naging mabisang gamot din para sa kanya para maka-move on.

“Talagang para maisali ang move on?!” natatawang sagot niya.

Pero ayon din kay AiAi nang makausap ng PEP sa taping ng Toda Max noong Lunes, August 27, sa ABS-CBN, “Siyempre, sitcom ‘to, masaya... nakikita mong maraming tao.

“Nakikita mo si Vhong [Navarro], nakikita mo si Angel [Locsin], masaya lang.

“At huwag nating kalilimutan na ang director nito ay best friend ko, siyempre, parang at home na at home lang.”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai na director ng Toda Max ay si Malu Sevilla.

MOVING ON. Sa puntong ito, kinumusta nga ng PEP si Ai-Ai kung okay na nga ba siya ngayon, at masasabi niyang naka-move on na siya completely?

“Moving on,” saad naman niya.

“Siyempre, process ‘yan, e. Hindi naman agad-agad na wala na. Yung tipong ganun. Lahat yun, nasa proseso. Siguro, mga one year pa or six months.”

Posible rin kaya na kapag natapos na ang mga kaso sa pagitan nila ng naging asawa na si Jed Salang, makaka-move on na siya?

“Oo, doon pa lang siguro ko makakapag-move on.”

Kumusta ang kaso ngayon?

“E, bawal kasing pag-usapan yun,” giit niya.

COPING. Kapag umuuwi siya ng bahay, lalo na at ang tatlong anak niya ay pawang mga nasa Amerika ngayon, kumusta siya?

“Ngayon, medyo malungkot ako kasi, si Niccolo, may sakit. Hindi ako masyadong makapagsaya, kasi, naaalala ko yung bata,” pag-amin niya.

Ano ang mga ginagawa niya para mabawasan ang lungkot dala ng nangyari lalo na, pagkagaling niya mula sa pagbabakasyon sa Amerika?

“Gym, badminton, work, Instagram. Gym, badminton, work, Instagram, paulit-ulit lang,” natatawang sabi niya.

“Iba-ibahin mo lang ng kategorya. Work, badminton, gym, Instagram”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, may mga gabi pa rin ba na natatagpuan niya ang sariling umiiyak pa rin?

“No, siguro, iniisip ko lang na lahat ‘to, pagsubok lang ni God. Lahat naman ng pagsubok ng tao, e, naaano natin... lahat ng pagsubok, sandali lang. Hindi naman permanente,” saad niya.

Pagkatapos ng lahat, nakahanda pa rin ba siyang umibig?

Ayon kay Ai-Ai, “Ayoko namang magsalita ng tapos. Pero, medyo matatagalan siguro. Hindi natin alam.

“Ayokong magsalita, e. Hindi naman natin... minsan, masu-surprise ka, di ba? ’Ay, parang nagkagusto ako.’ Yung ganun.

“Minsan, masu-surprise ka, limang taon na, wala pa rin siyang karelasyon hanggang ngayon. Naging matandang dalaga ka na lang.

“Hindi ka puwedeng magsalita nang patapos kasi, kahit naman ako, hindi ko akalain na mangyayari ‘to sa buhay ko, di ba?

“So, ayoko na lang. Kung ano na lang ang dumating. Ayoko nang mag-plano, ayoko nang mag-isip. Ayoko nang ma-jinx. Ano, one day at a time na lang.”

’BELIEVE IN YOURSELF.’ Aminado naman si Ai-Ai na sa pagkakataong ito, kung sakali man at may makilala at magustuhan siyang muli, talagang magiging maingat na raw siya.

Aniya, “Oo e, vigilant.

“I think, sa trust, may trust issue na ’ko ngayon. Dati, meron din, kaya lang, kasi sa akin naman, walang masamang tinapay.”

At ayon kay AiAi, yung ugali niyang yun ang isa rin sa mga weakness niya.

“Isa yun sa problema ko, I trust too much,” saad niya.

“Masyado akong mapagtiwala sa mga tao. Dahil ako, feeling ko, lahat ng tao, mabait. Lahat ng tao, sincere.

“E, sa totoong mundo naman pala, hindi naman lahat ganun. Sabi ko nga, wala palang fairytale. Ano pala ‘to, totoong buhay pala ‘to.

“Chill,” sabi pa niya.

Hindi na siya naniniwala sa fairytale ngayon?

“Dati naman, hindi pa. Pero, trinay ko lang to believe! Hindi ba, sabi nila, ‘Believe!’ Manood kayo ng Internship, yung sa Google.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ganun yun, hope... believe in yourself. Yun ang tema ng movie. So, maganda siya.

“Kumbaga, positive yun, e. Yung you believe in yourself. Ganoon ang buhay, e.”

Aminado rin si Ai-Ai na dahil sa mga pinagdaanan niya sa huling relasyon niya, may mga nabago sa kanya.

Aniya, “Marami... yun nga, yung isyu ng not to trust too much. At siguro, iniisip ko, may ibang plano si God sa akin na ibinibigay niya.

“Hindi for family but I think, more and malaki ang plano Niya sa akin na hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano yun.”

ONSCREEN CHEMISTRY WITH MARIAN RIVERA. Looking forward naman si Ai-Ai sa pagpapalabas ng pelikulang pinagsamahan nila ni Marian, ang Kung Fu Divas sa October 2.

Talagang mas plinano na nilang ipalabas ito ng October kesa maging bahagi ng MMFF?

“Ewan ko, hindi ko masagot ‘yan kasi, hindi naman ako yung totally... I’m just one of the producers.”

Gaano kalaki ang expectations niya sa pelikula nila?

“Malaki kasi, maganda talaga ang pelikula. Napanood ko kahapon, kasi, nag-dubbing ako.

“Kinongratulate ko nga si Direk. [Onat Diaz]. Sabi ko, ’Direk, congratulations!’ Parang ibang klase siyang pelikula, ibang klaseng tema.

“Parang feel-good movie siya. Paglabas mo ng sinehan, ay… at saka, nakakatuwa ang pelikula. Nakaka-proud sila na ang galing pala ng Pinoy. Nakakagawa ng ganoon.”

Dugtong pa niya, “At nagulat ako na may chemistry pala kami ni Marian. Nakita ko sa screen. Sabi ko, ’Wow ha, Direk, nakakagulat. Hindi ko akalain!’

“Iba kasi kapag ginagawa niyo. Hindi mo naman makikita yun, iba sa screen, unless, panoorin mo yung buong pelikula. Sabi ko, ’Ay, oo nga no? Bagay kami.’ Sa screen, hindi kayo odd tingnan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN