Billy Crawford on gay rumors and other malicious speculations: “Wala naman akong masabi and I just keep my mouth shut.”

Billy Crawford on speculations about reasons behind his breakup with Nikki Gil: “Heto nga ang nakakatawa, e. Sabi bakla na ako, na-link ako sa dalawa o tatlo pang babae, na addict daw ako... sunud-sunod na lang, inaabagan ko na lang kung ano pa ang susunod. Bakla, in fairness, yun ang unang-una na natawa ako. Nung bumalik ako sa States, yung Mommy ko, Daddy ko nasa airport, pagsalubong sa akin, sabi ng Mommy ko, ’Ay bakla na ang anak ko, halika! Nakakatawa. Dun sa baba


Sa kasagsagan ng isyu tungkol sa break-up nila Billy Crawford at Nikki Gil, pansamantalang iniwan ni Billy ang showbiz upang bumalik ng America para makasama ang kaniyang pamilya at diumano’y hanapin ang kanyang sarili.

Pagkalipas ng mahigit isang linggo, nagbalik ng bansa si Billy kung saan nagbalik-trabaho na rin ito sa Showtime.

Marami tuloy ang nagtatanong kung sa pagbalik ba niyang ito ay nakapag-isip na ng mabuti si Billy at nakita na ba niya ang kanyang sarili na sinabi niyang kailangang hanapin niya?

“I’m good. I’m very, very good. Oo, siyempre dapat. Kahit naman nung nandito ako kailangang mag-isip-isip din. Nung nandun ako, nag-iisip din ako.”

“As I’ve said, life goes on, life continues. I have my family, I am happy and blessed that I have people who believe in me and love me,” pagpapasalamat niya.

CLEARING THE ISSUES. Sa naging interview niya sa The Buzz at sa mga nabitawan niyang salita doon ay marami ang nagbigay ng iba’t ibang interpretasyon sa mga naging pahayag ni Billy.

Kung dati ay nasasabihang babaero, may ilang kumuwestiyon sa pagkalalaki ng TV host dahil sa sinabi nitong hahanapin niya muna ang kaniyang sarili.

Ang mga patutsadang iyon ay pinagkikibit-balikat na lamang ngayon ni Billy.

Sabi niya, “Heto nga ang nakakatawa, e. Sabi bakla na ako, na-link ako sa dalawa o tatlo pang babae, na addict daw ako... sunud-sunod na lang, inaabagan ko na lang kung ano pa ang susunod.

“Bakla, in fairness, yun ang unang-una na natawa ako. Nung bumalik ako sa States, yung Mommy ko, Daddy ko nasa airport, pagsalubong sa akin, sabi ng Mommy ko, ’Ay bakla na ang anak ko, halika! Nakakatawa.

“Dun sa babaero [issue] lagi naman yun, e, mas gugustuhin ko ang babaero kaysa maging bakla ako. Sa totoo lang, pero okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really can’t control other people’s reactions. People will say whatever they want to say and nasa kanila kung ano ang gustong isipin nila, they already judge anyway so it’s okay.

“Wala naman akong masabi and I just keep my mouth shut. Of course there are times na parang misjudge pero it’s okay, life goes on,” pag-amin ni Billy.

Na-link din si Billy kay Andi Eigenman na siyang naiturong rason daw sa break up nila ni Nikki. Emosyunal na klinaro naman ni Andi na wala silang naging relasyon ni Billy. Agad naming tinanong si Billy kung humingi din ba siya ng sorry kay Andi gaya ng ginawa niya kay Coleen Garcia na minsan ding naituro na naging third party diumano sa break-up nila ng ex-girlfriend?

“Oo nga e, magkasama lang kami sa pelikula, issue na agad? Of course kung sinuman ang mali-link sa akin I’m sorry that they got in this situation. Di ko makontrol ang mga tao, wala.”

Birthday ni Nikki last August 23. Tinanong namin si Billy kung binati ba niya ang ex-girlfriend at kung sumagot naman ba ito sa kanya.

“I texted her, I greeted her happy birthday. She texted back,” sabi niya.

REKINDLING FRIENDSHIP WITH NIKKI? Bukod sa pagiging magkarelasyon dati ay laging sinasabi nila Nikki at Billy na magkaibigan silang dalawa.

Nandun daw kaya kay Billy ang kagustuhang maibalik ang pagkakaibigan nilang dalawa ng ex-girlfriend o hindi raw kaya siya nagsasara ng posiblidad na magkaayos pa sila ni Nikki?

“Only God can tell, di ko alam. Never naman akong nagsasarado ng pinto sa kahit na ano,” muling pag-amin niya.

Ayon kay Billy ay di nawawala ang respeto niya para sa ex-girlfriend pero umiwas na si Billy na elaborate pa ang naging sagot nito sa amin.

“Oo, yung respeto ko sa kanya. Much better na siguro we should leave that situation alone, tama na. Sabi ko naman before di ako magsasalita pero kaibigan lang kita. “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, bukod sa Showtime ay abala rin si Billy sa pagku-compose ng mga kanta para sa ibang mga artists.

“Ipapalabas na yung pelikula sa September, Oh Mama Mia pero iba na yata ang title. Nagsusulat din ako for Sam Concepcion and other artists.

“Well, gumagawa rin kami ngayon for Anne [Curtis], para sa bagong album niya,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN