Ryan Agoncillo recovers from bout with dengue

Ryan Agoncillo on his recovery from dengue: “Salamat sa mga nurses and doctors sa Asian Hospital and of course, mga friends na nag-donate ng blood. Mga friends ko from college, high School. Sa showbiz, maraming salamat. Nakatulong kasi, naka-tatlong transfusion din ako. My platelet count is steadily on the rise now. Medyo ano lang, kumbaga, yung threat ng dengue, tapos na. I’m taking care of some complications lang.”


Matapos magkasakit ni Michael V. ng dengue, si Ryan Agoncillo naman ang dinapuan nito.

Kahapon, August 31, sa Startalk, sa pamamagitan ng phone patch interview ay nakausap si Ryan ng mga hosts ng programa na sina Joey de Leon at Ricky Lo.

Ayon kay Ryan, noong Sabado pa raw siya may nararamdaman sa katawan.

Panimula niyang kuwento, “Last Saturday, noong nasa Eat Bulaga! Ako, medyo masama na ang pakiramdam ko.

“And then, pag-uwi ko na nung gabing yun, mataas na ang lagnat. We were actually supposed to go on a vacation this week.

“Buti na lang, lumabas yung lagnat a few days before bago kami nakaalis. Mula noon, Saturday night, on and off na ang lagnat.

“Then, Tuesday morning, we decided na magpa-blood test na, upon advice of our family doctor.

“So, yun na, hindi na ’ko pinauwi.

“So, I’ve been confined since—bumagsak ang platelets ko. Ang normal count ng doctor, 120 [thousand], bumagsak ako hanggang 14.”

Tinanong naman ni Joey kung sino raw ang mas bumagsak ang platelets, yung kay Ryan o kay Michael V.

Sabi naman ni Ryan, “Si Bitoy, parang bumagsak hanggang 10.”

Si Michael ay kinailangan ng blood transfusion.

Siya ba, kinailangan din niyang salinan ng dugo?

Ayon kay Ryan, “Blood O+ ako, so, what they did, they gave me transfusion of platelets.”

CAUSE. Alam naman ng lahat na ang sakit na dengue ay nakukuha mula sa kagat ng lamok na nagtataglay ng dengue virus.

Si Ryan ay mahilig magbisilekta kung saan-saang lugar.

Posible raw kaya na doon nakuha ni Ryan ang dengue virus?

“Well, kami ni Bitoy, nagkukuwentuhan at saka nila Ruby [Rodriguez], kasi, si Ruby rin at ang kanyang anak na si AJ, it could be so many things.

“Maaaring sa trabaho nakuha or because of the recent rain. Yung mga surroundings natin kasi, talagang hindi maiiwasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo na malalaman kasi, it takes the virus 7 to 10 days to incubate. So, hindi mo talaga... na nasa hospital ka pa, makikita mo ang kagat ng lamok.

“Maaring nasa hospital ka, lumipas na yung pantal ng kagat ng lamok bago ka pa dinapuan mismo,” detalyeng paliwanag pa ni Ryan.

THANKFUL FOR BLOOD DONORS. Dahil sa pagkakasakit nga raw ni Ryan, na-postpone ang bakasyon sana nila ni Judy Ann Santos.

“Oo, medyo sa hospital ako napunta. Mabuti na lang, walang naantalang trabaho dahil at least, yung naka-schedule naming leave, walang na-inconvenience na iba,” pagpapasalamat niya.

Base naman daw sa boses ni Ryan, mukha namang maayos na ang kalagayan nito.

Nagpasalamat nga si Ryan sa mga tumulong sa kaniya.

Aniya, “Salamat sa mga nurses and doctors sa Asian Hospital and of course, mga friends na nag-donate ng blood.

“Mga friends ko from college, high School. Sa showbiz, maraming salamat. Nakatulong kasi, naka-tatlong transfusion din ako.

“My platelet count is steadily on the rise now.

“Medyo ano lang, kumbaga, yung threat ng dengue, tapos na. I’m taking care of some complications lang.”

TURNING KAPUSO? Natawa naman si Ryan nang tanungin ni Ricky na ngayong naka-survive na raw si Ryan sa sakit na dengue, magiging certified at exclusive Kapuso na nga raw ba siya?

“Actually, nilalagnat yata ako ulit,” birong-sagot naman ni Ryan.

Pero dugtong din niya, “Well, maganda ang pag-uusap. That was actually, yung mga nabinbin na meeting, binalikan din sana namin.

“Kasi, kami ni Juday, magkasunod na natapos ang mga programa namin.

“My home studio, TV5, natapos na ang Talentadong Pinoy. Then, si Judy Ann, yung kanyang soap-opera, natapos na rin sa ABS.

“So, we were supposed to take a week, long vacation. Then, pagbalik, saka namin haharapin yung mga meeting...

“Yung mga offers ng mga kaibigan natin...

“Hopefully, I get to work again and be a Kapuso. Sana, maplantsa ang mga usapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN