Alden Richards on being compared to Tom Rodriguez: “Siyempre mas sexy si Tom!”

Alden Richards on being compared to Tom Rodriguez: “Siyempre mas sexy si Tom! Opo. At saka mas matanda naman po sa akin si Kuya Tom! Mas senior po siya. So… siya po talaga ang mas sexy. And… given na po na mapapag-compare kami. Ini-expect ko na po. At sinabi na rin iyon sa akin so… okay lang po. Open naman po ako sa gano’n. Kasi ito namang showbiz, isang malaking battle field ng comparison. So we can’t help it. So…


This week ay magri-reshuffle na ng members ang apat na grupong naglalaban-laban linggu-linggo sa kani-kanilang mga production numbers sa Sunday All Stars (SAS). At isa si Alden Richards sa mga magiging bagong team leader nito, kasama nina Mark Herras, Kyla, and Jay-R.

“Sinabi na sa akin na magiging team leader ako for the month of September,” panimulang kuwento ng aktor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina, pagkatapos ng nasabing Sunday musical variety show ng GMA-7.

“So… pressure ito.

“Kasi malaking commitment ito. Na sa isang buwan, four episodes po akong magiging team leader sa grupo namin na hindi ko pa alam kung sinong members kasi magri-reshuffle pa lang.

“Pero… excited din po ako. Higit sa pressure at stress na kakaharapin ko.

“Hardworking naman talaga po ako kapag binigyan ako ng responsibility. Naalala ko nga po dati, nag-lead na rin po ako ng grupo, yung Team Tweens before. Party Pilipinas days pa.

“Okay naman po. Lalo at very cooperative naman yung mga naging ka-grupo ko.

“Kaya lang dito sa pagiging team leader ng isang grupo sa SAS, mati-test po talaga yung pasensiya ko. Yung creativity.

“At saka yung tough na brainstorming skills. Kasi from zero, isa ako sa magdi-develop ng concept para sa production number ng group namin.”

Sa palagay niya, marami ba siyang bala pagdating sa pag-iisip ng concept every week?

“Siguro po, a… basta gagawin ko ang makakaya ko. Kasi first time ko lang po na hahawak sa ganito na malalaking production number.

“So with the help naman po siguro ng mga ka-grupo ko at pati ng staff ng show na ia-assign sa amin, magagawa ko naman po siguro yung trabaho ko nang mabuti.

“Mahirap naman pong maging confident na sasabihin mo, kaya mo ang isang bagay. Tapos ang ending… laging talo every week.

“So… kung ano lang po yung dumating. Kung ano yung maging concept, iyon po ang susundin namin. Pagagandahin naming yung concept na ibibigay po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap po talaga ang maging team leader. Kasi parang four times a week kailangang nando’n ka.

“Kailangang paghirapan mo yung concept n’yo. Actually ang ikinaganda po ng Sunday All Stars, since ibinigay sa amin yung mag-effort na gumawa ng production number… todo talaga lahat, e.

“Talagang lahat ibinibigay, e. At bilang team leader, ikaw lahat ang mag-iisip.

“Na from zero bibigyan ka ng theme. Tapos mag-iisip ka kung ano ang magagawa n’yo. Tapos ipi-perform n’yo on Sunday.

“Talagang… labanan! Na minsan dumarating pa sa personal level.

“Pero ako… I try my best not to put it sa heart ko. Kasi huwag namang personal. Dahil show ito para sa GMA, sa viewers, at sa ating lahat,” saad niya.

MUNDO MO’Y AKIN ENDING. Magtatapos na ang primetime series ng GMA na Mundo Mo’y Akin kung saan magkatambal sila ni Louise delos Reyes. Nakakaramdam daw ng lungkot si Alden dahil mami-miss niya ang pakikipagtrabaho niya sa lahat ng stars at maging sa production staff na nakasama niya rito.

“After this po, parang November pa yung susunod kong soap, e. Medyo matagal-tagal po yung ipaghihintay ko.

“So… magpu-focus muna po ako sa pagiging team leader ng grupo namin sa Sunday All Stars. At saka po sa mga regional shows ng GMA.

“Nakakalungkot po na matatapos na ang Mundo Mo’y Akin. Pero ang ikinatutuwa naman po namin, nag-expect kaming matatapos na ang show mga one month ago.

“Tapos biglang nag-decide po ang management ng GMA na bigyan pa kami ng extension.

“Kaya ang nakakatuwa sa amin… yung ini-expect naming matatapos na pero na-extend nang ne-extend.

“Kumbaga, ito ang pinakamaraming extension ng show na kinabilangan ko po at saka ni Louise.

“So we were very thankful po sa lahat talaga. Especially sa mga sumubaybay na mga Kapuso.

“And sa hard work po ng director at writer namin. Pati sa lahat ng efforts ng mga nakasama naming artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pahinga muna after this. Kasi siyempre, ang tagal din naming umere. Seven months,” pagbabalik-tanaw ni Alden.

Ano ang mami-miss niya sa pakikipagtrabaho kay Lousie?

“For the longest time po na nagkakasama kami sa soap, siyempre yung bonding namin na parang… sanay na sanay na kami asa isa’t isa. Na wala na kaming ‘ilangan’ stage.

“Since matagal ko na siyang nakakatrabaho, siya talaga yung kumportable na akong nakakasama sa soap,” pag-amin niya.

Wala pa raw abiso kay Alden ang management ng GMA kung pahinga muna sila ni Louise bilang magka-loveteam o sila ulit ang magiging magkapareha sa susunod na proyektong gagawin niya.

“Mas maganda rin naman po na puwede kang mai-pair kahit kanino. Para mas maraming possibilities at matingnan ng audience kung bagay o kung puwede ba yung bagong tandem na ibibigay sa ‘yo.

“Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko po na solo ako talaga. Para hindi po ako nata-typecast sa isang loveteam.

“Kasi kapag nawala po loveteam mo, may tendency na mawala rin po yung career n’yo pareho. Fear ko po iyon.

“So… mas mabuti na makilala ka sa sarili mo or on your own skills and talent po. Kesa to be paired with someone o sa loveteam.

“Kaya lang po, bilang mga bagong artistang inilu-launch pa lang, kailangan din po talaga na may ka-loveteam,” dagdag pa niya.

COSMO BACHELORS. Isa pang ikinai-excite ngayon ni Alden ay ang pagiging cover boy nila ni Tom Rodriguez para sa edisyon sa taon na ito ng 69 Bachelors ng Cosmopolitan Magazine.

“Todo hubad ang ginawa ko sa pictorial! Ha-ha-ha!

“Hindi. Joke lang.

“Basta abangan n’yo na lang. Lalabas na ito ngayong September. Nando’n lahat yung Top 10 sa centerfold,” pagmamalaki niya.

Mas daring daw dito si Alden kumpara sa nauna niyang pag-pose sa nabanggit na magazine.

“Siyempre kailangang higitan yung previous. So medyo mas sexy nga yung Cosmo cover na ginawa ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ito pinaghandaan?

“Hindi po ako kumakain masyado. At saka nagbuhat lang ako nang nagbuhat.

“Pero sa trabaho po namin, mahirap din ang mag-diet. Kasi lagi kang puyat. Tapos sasabayan mo ng work out at pagda-diet.

“But then it paid off naman. Maganda naman yung kinalabasan ng photo shoot namin.

“Tapos yun namang Cosmo Bash, it’s happening mga last week of September. Bale pang-second ko na rin na pagrampa ito.

“And siyempre, mas daring na rin. Bolder. Mas exciting and surprising!” sabay ngiti ni Alden.

Tiyak na magkakaroon ng comparison sa kanila ni Tom kung sino ba ang mas sexy. Pero si Alden, tanggap na raw niya na… “Siyempre mas sexy si Tom!

“Opo. At saka mas matanda naman po sa akin si Kuya Tom!” natawang biro pa niya.

“Mas senior po siya. So… siya po talaga ang mas sexy.

“And… given na po na mapapag-compare kami. Ini-expect ko na po.

“At sinabi na rin iyon sa akin so… okay lang po. Open naman po ako sa gano’n.

“Kasi ito namang showbiz, isang malaking battle field ng comparison. So we can’t help it.

“So… smile na lang kapag naikukumpara ka sa iba. Konti lang!” sabay gaya ni Alden ng konting smile ng isang guwapong model sa commercial ng isang kilalang burger chain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN