Luis Manzano defends girlfriend Jennylyn Mercado: “Hindi siya mukhang pera.”

Ipinagtanggol ni Luis Manzano ang kasintahang si Jennylyn Mercado sa isyung paghingi diumano ng financial support ng aktres kay Patrick Garcia para sa kanilang anak na si Alex Jazz.


Nagbigay ng pahayag si Luis Manzano sa mga isyung may kinalaman sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Una na rito ang isyung hindi raw pabor ang kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos kay Jennylyn.

Diin ni Luis, hindi totoong hindi pabor ang kanyang ina kay Jennylyn.

“In fact, magka-text sila. Si Mommy, nagre-request pa ng cakes kay Jen,” paglilinaw ni Luis sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa announcement ng AXE Apollo National Challenge winners na ginanap sa Skye Bar W Buildng, Bonifacio Global City, Taguig noong Agosto 31, Sabado.

Dagdag pa ng TV host-actor, “She is in favor [of Jennylyn]. They even text without me knowing [it]. They have that kind of relationship.”



LUIS DEFENDS JENNYLYN. Kamakailan ay lumabas din ang isyu na humihingi diumano si Jennylyn ng financial support sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia para sa anak nilang si Alex Jazz.

Nauna na itong itinanggi ni Jennylyn at sinabing hindi niya kailangang humingi ng financial support mula kay Patrick dahil kaya niyang suportahang mag-isa ang anak.

(Read: Jennylyn Mercado denies asking Patrick Garcia for financial support: "Baka ako pa ang magbigay!")

Kinuha namin ang opinyon ni Luis tungkol dito bilang siya ang current boyfriend ni Jennylyn.

Sabi ng Kapamilya star, “I know Jen, I know how much money she makes kahit paano.

“I don’t know the exact figures, but I know she’s very blessed, and Jen is not the type na isip-pera.

"That’s as far as I can go.

“Grabe yung sa pera... alam ko she’s very smart with her finances, di siya mukhang pera at all.”

As a single mom, alam ni Luis na hindi ordinaryo ang sitwasyon ni Jennylyn, kaya naman maingat ang actor-TV host na huwag masyadong manghimasok sa mga isyu ng kasintahan, kagaya ng tungkol sa anak at dating karelasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, anything pertaining to that, I’ll leave it… to that aspect, to the family, na respeto ko ‘yon sa kanya, her family, kahit kay Pat [Patrick] rin.

“Siyempre, na I can’t meddle with anything about the issue dahil sa kanila ‘yon and I respect that.”

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. Maganda man ang relasyon nina Luis at Jennylyn, mukhang wala pa silang planong magpakasal.

Sabi ni Luis, “I still have so much things to do, and I believe Jen has so much more that she has to do.

“Let’s not forget that Jen has a son, and anything that Jen does, it’s for her family.”

So, wala pa talagang plano kung kailan sila magpapakasal?

Sagot ni Luis, “Nothing concrete, not even talk, so walang-wala pa talaga.

“Napapangunahan lang ng ibang tao na ikinasal na daw kami sa Batangas o nag-inquire yata; na ikinasal kami sa Middle East nung nagbakasyon kami.

"At the same time, meron na rin na naghiwalay kami... so ang daming issues.”

Naitanong ng PEP kay Luis kung hindi ba nababanggit ni Jen ang kasal sa kanya, lalo pa’t ito ang babae.

“Siguro for someone without a little angel in her life would think about settling down.

“Pero sabi ko nga, for Jen, and which I will always respect, her main focus is to raise Jazz.”

COVER ON MEN’S MAGAZINE. Cover boy si Luis sa men’s magazine na FHM for its September 2013 issue.

Banggit niya, “Parang double cover siya. One is Rufa Mae Quinto.

“Kung napapansin n’yo, kaming dalawa [ni Rufa Mae], medyo nalilinya sa comedy because they believe na funny is the new pogi."

Malaking bagay raw para sa kanya na mailagay sa cover ng FHM.

“I’m a fan of that magazine.

"When you think about FHM, you automatically think about sexy cover girls, two-piece bikinis, sexy bodies...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero for a guy to be part of an issue na cover din, para sa akin, it’s very big of a deal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN