Jake Vargas still considers ex-girlfriend Bea Binene as "friend"

Nakapag-move on na raw si Jake Vargas mula sa breakup nila ni Bea Binene, ngunit sinabi rin ng young actor na hindi mabubuwag ang kanilang tambalan at itinuturing pa rin niyang kaibigan ang ex-girlfriend.


Kapansin-pansin na tila napapaso si Jake Vargas kapag tungkol sa ex-girlfriend niyang si Bea Binene ang tinatanong sa kanya ng mga miyembro ng press.

May mga pagkakataon ngang ipinagpapauna ng young actor sa press na walang mga tanong tungkol sa dating kasintahan at ka-loveteam niya. Pero hindi pa rin talaga siya makaiwas na huwag mausisa kung kumusta na ba sila ni Bea ngayon.

Kaya napipilitan na ring magbigay ng pahayag ang Kapuso actor-singer.

“Okey lang. Okey kami,” sabi ni Jake nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, September 1.

Bakit ba parang takot na takot na siyang mapag-usapan si Bea?

Sagot niya, “Mas okey na po yung ginagawa ko... yung sa career ko lang. At saka tutok muna po ako sa family ko.”

Ano ba ang status nila ni Bea ngayon? Complicated pa rin? O may possibility na magkabalikan sila?

“A… friends kami ni Bea,” matipid na sagot ni Jake.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?

“Basta… wala na akong sasabihin kasi ayoko na rin ngang magsalita.

“Okey na yung… naka-move on na ako. Okey na ako. At saka itinututok ko ngayon ang sarili ko sa trabaho.

“Gano’n din naman si Bea. Pareho kami na ang gusto muna ay mag-focus sa career ng isa’t isa.”

LOVETEAM STILL INTACT. Okey lang ba sa kanya kung sakaling magkaroon ng mga manliligaw ngayon si Bea o kaya ay boyfriend na kapalit niya?

“Sa akin, oo. Okey lang sa akin.

“Basta JaBea pa rin kami na... nandiyan pa rin yung loveteam namin.

“Hindi naman mawawala ‘yan, e. Hangga’t nandiyan pa rin ang fans na sumusuporta sa amin.”

So, pang-loveteam na lang sila?

“Masyado pa kasi kaming mga bata pa para tumutok sa gano’n, di ba?

“Siguro darating din naman yung panahon na talagang… kung kami, kami. Gano’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung okey sa kanya na mag-entertain ng suitors o mag-boyfriend ng iba si Bea, open din siguro siya ngayon na manligaw o magkaroon ng panibagong girlfriend?

Ayon kay Jake, “Ngayon? Wala po. Wala po akong balak.

“Kasi puro ang inaatupag ko po, pamilya ko. Hangga’t may project, puro trabaho lang talaga.”

Iyon din ba ang hiling sa kanya at gusto munang mangyari ng pamilya niya? Na mag-focus muna siya sa kanyang trabaho at pagiging breadwinner?

“Hindi naman po... hindi naman.

“Kasi yung mga kapatid ko, may kanya-kanya na ring asawa.

"So yung dalawang kapatid ko na lang yung tinutulungan ko sa ngayon.”

MOVING ON. Nakaapekto ba sa naging relationship nila dati ni Bea ang pagpasan niya ng responsibilidad ng pagtulong sa kanyang pamilya?

“Hindi naman. Masaya naman kami ni Bea no’n,” sagot ni Jake.

Bakit biglang naging matabang ang dating matamis nilang pagtitinginan? Bakit kailangang humantong pa sila sa paghihiwalay?

Ngumiti lang si Jake at hindi na niya sinagot ang tanong.

May nadiskubre ba sila sa isa’t isa na nakapagpa-realize sa kanila na hindi pala sila magka-match o compatible?

“Hindi naman. Kasi pagdating kasi sa ganyan, dapat kasi siyempre hindi mo naman… basta!

“Naba-blangko ako, e!” sabay tawa niya.

“Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, e.

“Basta ‘yon na lang ang masasabi ko… okey na ako. Masaya na ako ngayon.”

Wala nang heartache?

“Wala na. Naka-move on na po ako.

“At nandito pa rin po ako as… friend ni Bea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN