The PEP List 2013 Gloria Romero will retire "when I cannot memorize my lines anymore”

Isa ang former movie queen na si Gloria Romero sa nominees sa Female Showbiz Treasure of the Year categoy ng PEPsters’ Choice 2013 2ndquarter. Mag-log on lang sa www.pep.ph/pep-list para makaboto.


Pagkatapos ng higit na anim na dekada ay patuloy pa rin ang pagningning ng bituin ni Miss Gloria Romero sa showbiz industry.

Considered as one of the most beautiful faces in the industry at kinikilala ring Queen of Philippine Movies, sa edad na 79 ay active pa rin sa kanyang karera si Gloria.

Sa katunayan ay may mahalaga siyang papel sa upcoming primetime teleserye ng GMA-7, ang Akin Pa Rin Ang Bukas, kasama sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Cesar Montano. Magsisimula ito sa Setyembre 9, Lunes.

Sabi ng veteran actress, “I’m so lucky, you know, nabibigyan pa rin ako ng magagandang roles. Di naman ako nakakalimutan ng mga producers.

“I’m grateful [that] I’m still around.”



NO PLANS OF RETIRING YET. Sa higit na 60 years sa showbiz ng veteran actress, ikinuwento ni Gloria na ilang beses na rin niyang naisip na tumigil sa pag-arte.

“Well, there are times sabi ko, ayoko na.

"[But] when I’m given I nice script, pagkabasa ko ng istorya [and] I liked it, and then I said, ’Why not?’

“Ayoko maging bored sa bahay and if I love the story, kahit maliit lang, basta maganda, I accept.

“And there are times naman magaganda yung roles, like this one I’m doing now.

"It’s a beautiful story,” sabi ni Gloria tungkol sa kanyang bagong teleserye.

Kailan ba niya balak magretiro sa pag-arte?

“Siguro the only thing, if ever I’m going to retire, is when I cannot memorize my lines anymore,” nakangiti niyang sagot.

Isa si Gloria sa sa nominees sa Female Showbiz Treasure of the Year categoy ng PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter.

Mag-log on lang sa www.pep.ph/pep-list para makaboto at para sa iba pang kategorya ng PEPsters’ Choice.



STAYING POWER. Walang duda pagdating sa staying power ni Gloria dahil kahit na sumikat at lumipas na ang ibang artista ay nananatili pa rin siyang aktibo sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang sikreto niya para magtagal sa showbiz?

Tugon niya, “I love what I’m doing. It’s my passion. I love working.

"I love meeting stars and I’m so lucky marami na akong nakasamang mga baguhan.”

Itinuturing din ng seasoned actress na suwerte siya dahil sa katuparan ng kanyang pangarap na maging artista.

Pero aniya, hindi ito magiging posible kung wala ang tulong ng Sampaguita Pictures, ang pinakamalaking production film outfit sa Pilipinas noon.

“At saka everything siguro is in God’s perfect time. Siya ang nagbibigay sa atin ng whatever na pinapangarap natin, as long as we have faith in God and also a lot of prayers.”

Pagmamahal sa trabaho, ito ang payo ni Gloria sa mga batang artista ngayon kung gusto nilang tumagal sa industriya.

“Huwag nilang paglaruan ang trabaho. They should work hard for it, [for them] to achieve whatever they want to achieve.

“It doesn’t mean sa artista lang… in any kind of job you are in, you really have to love and respetuhin mo yung [trabaho].

“You really have to have discipline, dedikasyon.

"Kahit doctor ka, nurse ka, teacher, yung love mo sa trabaho mo is very important, disiplina,” payo ng respetadong aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN