Billy Crawford not ready to fall in love again after controversial breakup with Nikki Gil

Para kay Billy Crawford, may mga positibong resulta rin namang naganap matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ng dating kasintahan na si Nikki Gil. Aniya, “The positive side na nakita ko, yung mga tunay kong mga kaibigan, tunay kong pamilya… I had to reset my life and unang-unang nagsimula yun sa pamilya ko.”


Seryoso ang ginawang paghahayag ni Billy Crawford ng kanyang saloobin tungkol sa pagkaka-link niya kay Andi Eigenmann.

Inusisa si Billy tungkol dito sa presscon ng Momzillas kahapon, September 3, sa Dolphy Theater.

Hindi nakangiti si Billy sa pag-amin niyang nag-apologize siya kay Andi dahil nadadamay ang aktres sa hiwalayan nila ng kasintahang si Nikki Gil.

(READ: Billy Crawford on Andi Eigenmann: "We became close, that’s really true." )

Matapos ang presscon, sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa studio ng It’s Showtime! sa loob mismo ng ABS-CBN compound kung saan isa siya sa regular hosts.

Hindi na nagawang humarap ng singer-host sa ibang media pagkatapos ng presscon proper dahil may live airing ng kanilang noontime show.

Nung makausap na ng PEP si Billy, nabanggit namin na kapuna-puna ang pagiging seryoso niya habang nagsasalita at ipinagtatanggol si Andi.

Sobrang apektado ba talaga siya sa pagkaka-link sa kanyang Momzilla co-star?

Aniya, “Ah, no, not all. Naawa lang ako sa bata, alam mo yun?

“Naawa ako dahil nadadamay siya na hindi naman siya dapat madamay. So, I have to protect naman yung mga kaibigan ko.”

Nainis o nairita ba si Billy noong unang sumulpot ang tsismis sa kanilang dalawa ni Andi?

Tugon ni Billy, “Ahm… hindi naman nairita. I expected things to come out, but I didn’t expect that amount.

“Pero hindi ako naiirita… given na yun, e.”


UNEXPECTED REACTIONS. Hindi ba nag-alala si Billy na masabihang ka-triangle siya sa Andi-Jake Ejercito relationship?

Kamakailan kasi’y kinumpirma ng mismong ina ni Andi na si Jaclyn Jose na muling umusbong ang pagmamahalan sa pagitan nina Andi at Jake.

(READ: Jaclyn Jose on Andi Eigenmann’s reconciliation with Jake Ejercito: "Kung magkakamali siya uli, learn from her own mistakes.")

Si Jake ay ang anak ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon naman ni Billy, “Oo… Well, Jake… kasi ang alam ko, Jake and Andi are together, doon ako nahihiya.

“Parang, ‘Ano ba ito, sasama ba ako? Nagiging third party ba ako sa usapan nila o nagiging party ba siya [Andi] sa usapin ko sa buhay ko?

“Pero hindi ako… I was kinda upset lang doon sa mga tao that speculate things, just because na magkasama kami sa pelikula, e, yun ang lalabas.”


BIG DEAL. Ang ex-girlfriend ni Billy ay si Nikki Gil na kapwa niya ABS-CBN talent at regular artist din sa Sunday noontime show ng Dos na ASAP 18.

Bakit nga ba naging big deal ang hiwalayan nila ni Nikki?

“It’s four years and a half! So, what do you expect?” mabilis niyang sagot.

Binanggit namin kay Billy na pinag-usapan talaga ang kanilang hiwalayan, lalo na’t nagkaroon pa ng samut-saring isyu gaya ng pagkakaugnay niya kay Andi.

Umiling muna si Billy at sinabing, “Hindi ko maiiwasan yun. Whatever happens, hindi ko maiiwasan yun.”

Hindi kaya dahil inaasahan ng mga tao na magpapakasal na silang dalawa ni Nikki kaya ganoon ang epekto ng kanilang hiwalayan?

Sagot naman ni Billy, “Siguro... I mean, yun ang problema, e. Because there’s so many people we didn’t know were involved sa relationship namin.

“And you know, like she [Nikki] said about me, she wished me well and I wished her well din naman.”


NO COMMUNICATION. Nakakapag-usap pa ba sila ni Nikki?

“We haven’t talked lately,” sagot niya.

Gaano na katagal silang hindi nag-uusap?

“I greeted her on her birthday noong twenty-three [August 23]… it’s quite a while.”

Desisyon ba nilang dalawa na hindi mag-usap o isa lang ang may desisyon nito?

“Siguro lahat ng nasabi ko, nasabi ko nang lahat sa The Buzz, ayaw ko nang ulit-ulitin."

Hindi na rin daw niya kailangang magpaliwanag pa tungkol sa hiwalayan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang gusto ko na lang na magpahinga yung issue, kawawa rin naman si Nikki.”


BACK TO WORK. Pero kumusta na ba talaga si Billy?

Nakangiting sumagot agad si Billy, “I’m good, I’m very blessed to be back, I’m blessed to be working and blessed with friends.”

Puna nga namin sa kanya, parang hindi siya dumaan sa emotional crisis dahil lagi siyang nakangiti sa mga taong kanyang nakakasalubong at nababati.

Paliwanag niya, “Alam mo, sa tingin ko, lahat naman ng tao may pinagdadaanan.

“Look at Ate Maria [Maricel Soriano] for example.

“Sinabi na ng lahat doon [sa presscon] na ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay niya, pero sobrang tibay niya.

“So, what more I should learn from mine kahit anong mangyari?”


POSITIVE OUTCOME. Pinakamatindi na ba itong pinagdaanan niya pagdating sa lovelife?

“I’ve been through worse, and I think there’s a reason na I’m like this.

“May nagsabing pastor sa akin kahapon, nakausap ko, ’Emmanuel’ ang nakasulat sa utak ko at nararamdaman niya na para sa akin.

“Which means, ’God is with me.’ alam kong hindi ako pinapabayaan ng Panginoon and I’m happy to survive all these trials.”

Sa pinagdaanan niya recently, ano naman ang naging magandang balik nito sa kanya?

Tugon ni Billy, “Kahit anong sabihin natin, wala namang magandang maibabalik sa iyo, e.

“But the positive side na nakita ko, yung mga tunay kong mga kaibigan, tunay kong pamilya.

“I got closer to my mom and my dad in years na hindi ko sila masyadong nakaka-bonding.

“I had to reset my life and unang-unang nagsimula yun sa pamilya ko.

“Yun siguro ang unang bumukas na bintana para sa akin. Just to get closer to my family… So, yun.”

Masasabi bang okey na siya ngayon?

“Yes, I’m okay, I’m definitely okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But not ready to fall in love again?

“I’m not ready to fall in love again.”

Gaano katagal?

“God only knows… pag naramdaman ko na lang uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN