Rochelle Pangilinan expresses disappointment over negative comments about her SAS team

“Okey lang na matalo, ‘wag lang makokomentuhan na... bilang performer kasi kami ang natatamaan doon," himutok ni Rochelle Pangilinan tungkol sa mga komento ng Sunday All Star (SAS) judges sa performance ng kanyang team na Tropang Trending.


Kahit walang teleseryeng ginagawa si Rochelle Pangilinan sa Kapuso network, masaya naman siya sa mga ibang projects na kasali siya.

Bukod sa Sunday All Stars, regular si Rochelle sa Anak Ko‘Yan bilang dance coach.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rochelle sa Kitchen of Cakes sa Tomas Morato, Quezon City, para sa pocket presscon ng ilang PPL Talent Management artists.

Sabi niya, “Nag-e-enjoy ako kasi, ang katrabaho ko roon halos, si Tita Dulce na mabait at ang kalog na kalog na si Jennylyn Mercado.

“So, nag-enjoy lang ako. Magkakasama kami, meron kaming mga deliberation, kaya tandem kami.

“Nakakatawa, lalo na kapag nagpupunta kami sa control booth. Iba... iba ang mga stage mom talaga, mas career, kesa sa totoong performer.”

Hindi naman daw niya naranasan sa totoong buhay na ang sariling ina ay naging stage mom sa kanya.

“Hindi, never talaga, baka matawa ’ko. Ang mommy ko, ‘Ang ganda ng nagawa mo,’ ganoon lang siya.

“O kaya, ‘Ano ba itong isyu na ito? Parang hindi maganda.’ Pero sa akin siya dumidiretso.”


DANCE CAREER. Sa palagay ba niya, nandoon na siya sa level ng career niya na ang pagiging dance coach ang mga proyekto talagang nababagay sa kanya?

“Well, feeling ko, sa trabaho na ito, feeling ko, kaya ako kinuha rito, feeling ko, alam nila na makakatulong ako…

“Which is, alam nila na makakatulong ako sa ibang bagets na gustong maging dancers. Kasi, hindi lang naman [ang maging] singer ang task ng mga bagets.

“So, para sa mga iba na gustong maging ako paglaki, so, sinasabi ko kaya ko narating ito...

"Hindi ko naman sinabing malayo ang narating ko… Pero ang sinasabi ko lang, sine-share ko lang sa kanila, which is naintindihan naman nila at sumusunod sila sa akin.

“Kaya lang, medyo mataray ako rito, kasi kailangan.

“Minsan kasi, like sa amin sa SexBomb, noong tine-train nila kami, kapag sobrang bait, hindi ka susundin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ginagawa kang kaibigan. So, kailangan, basta tama.”

Wala pa naman siyang napapaiyak na contestant?

“Wala!” natatawa niyang sabi. “Ang taray namin, diretso sa mommy, sila ang nagde-decide para sa anak nila, hindi kami dumidiretso sa mga bata.”



COMPETITIVE. Puro may temang kumpetisyon pala ang programa ni Rochelle ngayon.

Regular din siya sa Sunday All Stars at sabi nga namin sa kanya, isa siya sa pinaka-competitive sa kanilang lahat.

“Grabe ka sa akin!” natatawang biro naman niya.

Pero tanggap ba niya na isa siya sa talagang competitive sa kanila?

“Tanggap ko siya,” nakangiti niyang sabi.

“Siyempre, siguro, naisip ko rito, kung hindi namin gagalingan, dapat mag-improve kami compared sa nakaraan.

“Kailangang may i-feed kami sa tao na bago, na hindi lang ito ang kayang gawin ng artista.

“Puwedeng ganito, puwedeng ganyan... Para galingan din ng iba, which is, ginagalingan na nila.”



GROUP WINNERS. Pitong beses nang nanalo ang grupo nilang Tropang Trending. Ang susunod sa kanila na maraming panalo ay ang “Ligang iLike” na nakaka-tatlo naman.

Bilang isa nga sa talagang “kuma-career” sa grupo nila, nada-down ba siya kapag hindi sila ang nananalo?

Sagot ni Rochelle, “Hindi. Ako, ayoko lang talaga na… yung pinakamasakit sa akin, yung comment sa amin na yung team namin, Jukebox yung napunta sa amin noon.

“Parang masakit ang sinabi sa amin ng judges na, ’Parang hindi namin kayo nakilala.’

“Kasi, yung prod [production] namin, hindi sila sanay na ganoon kami gumawa ng prod—malinis siya, maayos siya.

“Pero, parang sabi nila, bilang as Tropang Trending, parang ito ang pinaka-worst na ginawa, para siyang dull.

“Malinis kasi kaming gumawa, pero may pasabog palagi.

“Okey lang na matalo, ‘wag lang makokomentuhan na, bilang performer kasi, kami ang natatamaan doon.

“Okey lang kahit 100 times kaming matalo, ‘wag lang masakit. Basta ang sasabihin ng judges, wala lang bad.”

Sa palagay ni Rochelle, kayang ma-sustain ng SAS ang ganyang format ng show nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As long as marami siguro kaming naiisip na bago at magaganda at nagugustuhan ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN