Bangs Garcia hates being tagged as a "sexy star": "It doesn’t mean that if you’ve showed some skin, some flesh in a film, e, sexy star ka na."

On coveting a lead role on mainstream cinema, Bangs Garcia says: "Opo naman! I’m gonna be a hypocrite if I say ‘no.’"


Gaganap sa kanyang kauna-unahang title role si Bangs Garcia sa Sineng Pambansa entry na Lauriana.

Ngayong taon ay binansagang "All Masters Edition" ang nasabing festival, at si Mel Chionglo ang direktor ng nasabing pelikula na isinulat naman ni Ricky Lee.

Makakasama ni Bangs dito sina Allen Dizon, Victor Basa, Jaycee Parker, Angeli Bayani, Rich Asuncion, at ang child actor na si Adrian Cabido.

Kuwento ni Bangs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press noong Lunes, September 2, na isang malaking challenge daw para sa kanya ang pagganap kay Lauriana.

“Sobrang dami ko pong challenges dito. Pagdating po kasi sa acting, acting-wise, masasabi kong nag-level up na ’ko, kasi ang dami kong mga ginawa dito for the first time.

“Aside from it’s my most daring character I’ve ever portrayed in my life, it’s also the most mature character para sa ’kin na nagawa ko.

“Sa drama, sa lahat, e… I-judge n’yo na lang ako kapag napanood n’yo na kung pa’no ’ko nag-improve as an actress.”

Sa sobrang daring daw ng naging pagganap niya ay hindi lamang daw ang publiko kundi pati ang pamilya niya ay masya-shock.

LOVE SCENE WITH ALLEN DIZON. Base sa ipinakitang trailer ay masasabing "intense" ang naging love scene ni Bangs at ng kaparehang si Allen Dizon.

Paano nga ba nila pinaghandaan ang nasabing eksena? May pag-uusap bang naganap sa pagitan nila?

Tugon ni Bangs, “Yes. Kasi kinabahan talaga ’ko, kasi first time ko ngang magkaro’n ng ganitong klaseng scene.

“So, kinausap ko siya. Sabi ko, ’Bahala ka na, ah. Basta protektahan mo ’ko...’ sa ganito, sa ganyan.

“And si Direk Mel naman, in-advice-an niya kami ni Allen na basta pagdating sa set, basta pag nag-take na, kalimutan n’yo si Bangs ’tsaka si Allen. Kayo na si Lauriana at Samuel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s method acting. So, ’ayun.

"Preparations? Method acting nga.

“When I say method acting, parang, we dwell upon our own experiences and sense memory…

“So, kung ano yung mga naranasan kong sakit noon, parang iniisip ko siya during those scenes na ginagawa ko.

“Pero in my case, marami pong eksena si Lauriana na hindi ko naman talaga naranasan sa totoong buhay…

“So, you have to have a wide imagination para mapakita mong makatotohanan yung acting mo.”

SEXY ACTRESS, YES. SEXY STAR, NO. Ayon kay Bangs, maaaring ito na ang huling daring role na tatanggapin niya dahil ayaw niya raw ma-type cast bilang isang ‘sexy star.’

Aniya, “It might be my first and last most daring character na tatanggapin ko. It might be... But you’ll never know.

“Kasi isa rin po yun, ayokong ma-typecast as a sexy star. Puwede mong sabihing sexy actress, sige po, puwede na yun, pero hate na hate ko po talaga yun.

“Ayokong natatawag na parang sexy star. Kasi lalo dito sa Pilipinas, sa atin, when you say sexy star, iba ang mentality ng mga Pinoy, e.

“Unlike sa Hollywood, when you say sexy star, wala lang sa kanila. Sina Anne Hathaway, bakit naghubad sila, hindi naman sila sexy star?

“So, actually, yun po ang gusto kong patunayan sa ’ting industriya—na it doesn’t mean that if you’ve showed some skin, some flesh in a film, e, sexy star ka na.

“So, actually, it depends on the person, e. It depends on how you carry yourself as an actress, on how you project yourself.

“Then you’re gonna be able to gain the respect of the people around you, kung marunong kang mag-handle ng sarili mo.”

Masaya rin daw si Bangs na nakatanggap na siya ng acting award bago pa man tanggapin ang role na Lauriana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanghal si Bangs bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktres (Best Supporting Actress) ng Gawad Pasado Awards 2011 para sa pelikulang Segunda Mano.

“Isa pa lang po napapanalunan ko and sana manganak pa yun. Segunda Mano, Best Supporting Actress.

“And ang pinakamaganda dun is I didn’t show any flesh, I didn’t even have to have kissing scenes to win an award.

“Buti na lang, thankful ako na napanalunan ko yun bago ko tinanggap ang Lauriana, kasi para hindi ako ma-typecast sa mga sexy roles.”

Ngayong nagkaroon na siya ng title role sa isang indie film, pangarap ba ni Bangs na magbida naman sa mainstream cinema?

Agad niyang sagot, “Opo naman! I’m gonna be a hypocrite if I say ‘no.’

“Sobrang dream ko pa rin ’yan na magkaro’n ako ng title-role movie din na produced na ng ano, di ba? Something like, Star Cinema, kahit anong commercialized movie.”

Kung sakaling matuloy ito, sino naman ang gusto niyang maging leading man?

“Si Piolo. Kasi napakaguwapo niya ’tapos ang galing niya talagang umarte.”

LOVELIFE. Sa kasalukuyan ay wala raw boyfriend si Bangs. Early this year daw nang huling may karelasyon ang aktres.

Gusto na nga ba niyang magka-lovelife?

“Gusto? Hindi ko masasabing gusto. Hindi ko siya hinahanap.

“Pag may dumating, I will entertain. Pero ngayon, sobrang focused ako sa career ko.”

Nang tanungin kung nakailang boyfriend na siya, “two,” ang nalilitong sagot ni Bangs habang tatlong daliri ang kanyang sinenyas.

Paliwanag niya, “Hindi, kasi akala ko, potential third boyfriend yung pangatlo, e. Pero hindi, e. Basta I found out something…”

Napabalitang naging malapit sina Bangs at Kean Cipriano habang ginagawa ang pelikulang The Reunion (2012).

Hindi naman problema para kay Bangs na wala pa siyang boyfriend sa ngayon.

Aniya, “Hindi naman kasi ako basta-basta nagbo-boyfriend, kailangan kinikilala mo talaga yung guy.

“Hindi ako basta-basta, ‘A, puwede na ’to. Sige boyfriend na kita.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Bangs, mataas nga raw ang standards niya pagdating sa mga lalaking magiging karelasyon.

Ayon sa kanya, “Siguro nga, e, baka nga masyadong mataas yung standards ko. Sabi daw nila masyado daw akong perfectionist.”

Kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki, sagot ni Bangs, “Ako, mapili ako.

“Very important for me na matalino yung guy. Someone who can cope up with conversations with me, kasi madaldal ako.

“So, kailangan matalino. Kailangan maganda ang family background niya, as much as possible sana intact yung family.

“Ayoko nung mga hiwalay-hiwalay, as much as possible. And God-fearing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN