LJ Reyes on JC de Vera: “Wala lang yun talaga, friends lang kami.”

Balik-kontrabida si LJ Reyes sa bagong teleserye ng GMA-7 na Prinsesa Ng Buhay Ko, kung saan makakasama niyang muli sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.


Nakapag-taping at nakapag-pictorial na si LJ Reyes para sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Prinsesa ng Buhay Ko.

Si LJ ang gaganap na kontrabida sa tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa early primetime series na ito na magsisimulang umere sa September 23.

Saad ni LJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakatuwa kasi magaan katrabaho sina Direk DonDon Santos.

“Tapos sina AJ [Aljur] kasi at Kris, matagal ko na silang nakakatrabaho, so wala na masyadong adjustment, sa character na lang.

“Si Renz [Fernandez] na lang ang bago sa aming apat.”

Ang kaibahan daw ng pagiging kontrabida niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko ay light drama ito kumpara sa mga nagawa niya dati na heavy drama.

“Light drama kasi ito, pero hindi naman masyado na comedy rin. Pero, hindi rin naman ako yung masyadong clingy kay Aljur.”



KONTRABIDA ROLE. Matagal din nabakante si LJ sa paggawa ng teleserye. Ang huli pa niyang nagawa ay ang Aso Ni San Roque, na nagwakas noon pang January 2013.

Hindi naman daw siya nainip nang husto dahil may iba rin naman siyang ginawa, tulad ng Bayan Ko sa GMA News TV.

Pero bida na siya sa Aso Ni San Roque at Bayan Ko, okay lang ba sa kanya na balik-kontrabida ulit?

Sagot ni LJ, “Wala naman akong problema, hindi naman ako namimili.

“Okay nga yung nagagawa kong pareho… alternate, yun po.

“Para po, hindi rin naman ako yung... challenge, paiba-iba, hindi puro bida, hindi puro kontrabida.”



NEW REGULAR. Bukod sa Prinsesa ng Buhay Ko, regular na ring napapanood ngayon si LJ sa Sunday All Stars (SAS).

“Bigla na lang nila akong ginawang regular, siguro mga three or four weeks na ako.”

Kahit ilang Linggo pa lang siya, parang “kina-career” na rin niya ang bawat kumpetisyon nila.

Natatawa naman nitong tanong: “Feeling mo talaga, kuma-career ako? Nararamdaman ba sa TV yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, contest yun, may mananalo, so siyempre ibigay mo na lahat.

“Ang sa akin nga, sinasabi ko sa mga ka-group ko, hindi naman kailangang manalo, basta ang importante, you give a good performance.”



RUMORS. Natatawa naman si LJ sa mga tanong sa kanya tungkol sa bagong Kapamilya star na si JC de Vera.

Madalas daw kasi silang makita na magkasama.

Gulat at natatawang niyang taong naman, “Madalas? Madalas na ba yun, once, twice?

“Wala lang yun talaga, friends lang kami.

“Siguro noong nakita kami, yun lang, pero hindi kami lumalabas palagi.”

Totoo bang sinusundo siya ni JC?

Gulat at nagtatakang sabi niya, “Saan? Kailan? At saka, kasama namin ang mga kaibigan namin, ang dami namin.”

Nasa “dating stage” ba sila ngayon?

Aniya, “Hindi, wala, hindi talaga… yung mga kaibigan niya kasi, kasama kong tumakbo.”

Masaya ba siya sa company ni JC?

“Hindi naman kami magkasama palagi!” natatawang sagot nito.



BLOOMING. Marami ang nakakapansin na blooming at mas sexy siya ngayon. In love ba siya ngayon?

Natatawa pa ring sagot ni LJ, “Gusto ninyo ba pangit ako?! Nakakainis kayo, gusto ninyo ba pangit ako?”

May lungkot pa ba siyang nararamdaman ngayon?

“May lungkot? Ay, wala po, very happy naman po ako ngayon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN