JC de Vera on working with Kim Chiu: “Masaya ako kung makakasama ko siya.”

JC de Vera on LJ Reyes: “Si LJ, ever since sa GMA, isa na siya sa good friends ko. Kasama ko siya noong nag-i-start siya, nag-i-start ako, pareho kaming lumaki sa GMA.”


Muling pinabulaanan ni JC de Vera ang balitang nag-uugnay sa kanila ng Kapuso actress na si LJ Reyes.

Sabi ni JC, “Si LJ, ever since sa GMA, isa na siya sa good friends ko.

“Kasama ko siya noong nag-i-start siya, nag-i-start ako, pareho kaming lumaki sa GMA.

“Regular naman talaga kaming nakakapag-usap naman talaga, kumbaga hindi namin kinalimutan ang isa’t isa as friends.

“Once in a while, nagkikita kami pero, yun nga, since busy naman pareho sa work, e, yun lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JC sa Hero Ball noong Linggo, September 1, sa Makati Coliseum.

Ayon pa kay JC, pareho lang nilang pinagtawanan ni LJ ang isyu nang ipaalam niya dito ang tungkol sa balita.

“Natawa pareho kami, tinext ko siya about it, sabi ko, ‘Oy, ikaw…’”

Wala raw nililigawan ngayon ang bagong Kapamilya actor.

“Wala, wala talaga.”



NEW SERYE. Sa panayam kay JC noong pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN ay nabanggit nito na isang serye ang nakalinya niyang gagawin.

Nagsisimula na ba silang mag-taping?

Sabi niya, “Hindi pa, hindi pa.

“Ngayon, planning pa rin. Yun pa rin ang hinihintay ko kasi may concept na pero under development pa rin.

“Well, hindi ko siya masasagot talaga kasi hindi pa ako nag-i-story conference, so hindi ko talaga alam kung sino ang makakasama.

“Kasi, possible siya na paiba-iba ng casting, hindi ko talaga alam."



LEADING LADY. Lumalabas ang pangalan ni Kim Chiu na isa raw sa posibilidad na makapareha ni JC.

Nagpahayag naman ng excitement ang aktor kung matutuloy ang pagsasama nila.

“Well, masaya ako pag si Kim, wala namang problema sa akin.

“Napapanod ko siya sa Ina Kapatid Anak, she’s charming, very natural, napakatotoo yung lumalabas sa kanya.

“Masaya ako kung makakasama ko siya,” sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN