Marian Rivera gets license from GMA-7 to make suggestions for her upcoming projects

Ngayong binibigyan na siya ng karapatan ng GMA-7 na magbigay ng input sa kanyang mga susunod na proyekto, sinusulit daw ito ni Marian Rivera. Saad niya, "Ibinibigay ng GMA sa akin kung ano ang hinihiling ko sa lahat ng aspeto, bakit hindi ko ibibigay sa kanila yung one hundred percent kung kinakailangang magkaroon ako ng input sa soap opera? Actually, pati nga on the spot, inisip ko na, ‘Ano ba ang hitsura ng damit ko?’ Pati nga pagbibihis ko, sinabi ko kung an


Ilang linggo matapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA-7 ay muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera.

Naganap ang panayam sa isang pananghalian kahapon, September 4, sa Barcino restaurant sa The Fort, Taguig City.

Ano na ang developments since pumirma siyang muli ng kontrata bilang Kapuso?

“Sa TV, nakakatuwa, kasi after pumirma, parang a week after lang, ipinatawag na nila ako tapos may mga pinresent silang konsepto.

“Yung mga gagawin kong soap, tapos baka next week or this week, hindi ko alam, sitcom naman.

“So nakakatuwa dahil, ngayon, may pagkakataon ako na inilalatag nila sa akin tapos tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko.”

Ano ang gusto niyang unahin—drama series o sitcom?

“Sabay!” bulalas ni Marian.

“Kasi halos limang buwan na akong rest bilang puro abroad-abroad, puro mga Pinoy TV, so sabi ko, tama na.

“Ito, may pahabol pa ako itong September, sa Dubai, so bago mag-soap.”



CLOSE ENCOUNTER WITH THE FANS. Ngayon lang naranasan ni Marian ang sunud-sunod na regional shows sa iba-ibang panig ng Pilipinas, at pati na rin GMA Pinoy TV shows sa iba-ibang panig ng mundo.

Ano ang kanyang nararamdaman kapag nasa entablado na siya at nakikita niya nang personal ang kanyang mga tagahanga, na karamihan ay ngayon lang siya nakikita?

“Nakakatuwa! Kasi mas lalo nga akong naano, e…

“Alam mo, nadiskubre ko nung bawat na nagre-regional ako, sinabi ko talaga yun sa GMA na kahit na nagso-soap opera ako, kahit once a month lang, kailangan may regional ako, kinomit [commitment] ko ‘yan sa kanila.

“Ang sarap, e!

“Alam mo yung mga pagkakataon na minsan, sabi ko sa sarili ko, ‘Ang arte ko naman, bakit ba ganito yung nararamdaman ko?’

“Minsan naiiyak ako, kasi iba pag nakita mo na, tapos ang artista ako lang tapos si Boobay, parang pag ganito, ‘Ay, napuno ko ito? ‘Ay, ang daming tao!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung makikita mo yung reaksiyon sa iyo ng mga tao, bongga! Ang sarap sa pakiramdam.

“Parang sabi ko, ‘Ay, napakaano ko naman, napaka-blessed ko naman para ganituhin ng mga tao at mag-effort pa sila na…’

“May mga lugar akong pinupuntahan na tago talaga, na first time lang daw nilang gawing venue iyon, parang nag-try lang sila kung mapupuno—e, napuno talaga namin.”



KAPUSO QUEEN. Patunay lang ba ito na siya talaga ang “reyna” ng GMA-7?

“Reyna? Alam mo ‘yang salitang reyna ng GMA, e, siyempre nakakataba ng puso kapag sinasabi nila ‘yan sa akin.

“Pero ako, bilang tao at bilang artista, bonus lang ‘yan, e.

“Ang importante pa rin, at the end of the day, nagawa ko ba yung trabaho ko nang tama? Masaya ba ako sa set? May napaligaya ba ako sa set? Magkakasundo ba kami dun?

“Siguro yung pinakagusto kong nangyayari sa buhay ko kasi, so far, naman etong last na Temptation of Wife, isa sa iniyakan ko na sobrang naging attached ako sa mga tao—sa staff man yun o crew.

“So iyon yung gusto kong naipagmamalaki ko siguro, not more on being a queen.

“Pero siyempre, sino ba naman ang ayaw na tawaging queen, di ba?

“E, i-claim na natin ’yan,” sabay-tawa ni Marian.

May pressure pa rin ba sa kanya ito?

“Alam mo, sa totoo lang, maraming beses na… kanino ko ba narinig ‘yan?

“Unahin ko muna sa partner ko, kay Dong [Dingdong Dantes].

“Minsan, like example sa FHM, hindi ako sanay na magtu-two piece ako, ganito…

“Sabi ko, ‘Natatakot ako, ayoko, ganito..’ Parang kinarir ko.

“Sabi niya, ‘Alam mo, baby, wala kang dapat na patunayan, iyan na yun.’

“Pero sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi naman ganun, kailangan okay pa din.’

“Sina Ateng [Rams David of Triple A Management], sinasabi rin sa akin, si Tatay [Tony Tuviera, her manager], ‘Anak, nagawa mo na lahat, i-enjoy mo itong buhay, kasi wala kang dapat patunayan. Kumbaga, ito na yun. I-enjoy mo lang kung ano ang ibinibigay sa iyo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So doon na ako sa mas enjoy kesa pini-pressure ko yung sarili ko sa salitang iyan.”

Dahil noong August ay birthday pareho nina Marian at Dingdong, ano ang birthday gift nila sa isa’t isa?

Sabi ni Marian, “Huwag na nating pag-usapan kasi ano, e, parang lately, kada year na birthday namin, palaging, ‘Ano gift niya sa iyo? Ano gift mo sa kanya? Magkano yun?’

“Parang hindi naman kami more on material, so huwag na lang.

“Basta kaming dalawa, happy kung ano man regalo namin sa isa’t isa.”



UPCOMING SHOWS. May idea na ba siya kung ano ang mga gagawin niyang proyekto?

“Ay, oo! Soap opera tsaka sitcom,” sagot ni Marian.

Kakaiba at tiyak na ikagugulat daw ng publiko ang gagawin niyang drama series.

“Akala ko din nung una, nagawa ko na lahat.

“Pero nung pinresent ito sa akin ng GMA, at ni Suzette [Doctolero] sa akin, sabi ko, ‘Ay, hindi ko pa nagawa ito!’

“Paano ko ba sasabihin… innocent, sexy drama.”

Medyo edgy raw ang bagong proyekto ni Marian para sa Kapuso network.

Biniro namin si Marian na since si Suzette din ang writer ng toprating primetime show na My Husband’s Lover, na tungkol sa pag-iibigan ng gay men, hindi kaya tungkol naman sa gay women o lesbianism ang gagawin niya?

“Hello! Nagka-bakla lang, tomboy na!” sabay tawa ng Kapuso Primetime Queen.

Papayag naman daw si Marian kung sakali.

“Kahit ano, oo, pero itong soap ko, hindi about sa mga tomboy.

“Siguro yung kuwento na about sa tomboy, maganda ‘yan pang-movie, hindi pang-soap opera.”

Kung sa Temptatiopn of Wife dati, inosente siya na naging sexy and daring, sa bago niyang soap, “Ito baligtad, sexy na naging inosente.”

Original story raw ito at hindi adaptation.

Nakikialam na ba siya ngayon sa mga detalye tungkol sa kanyang mga projects?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ayokong gamitin yung [salitang] nangingialam kasi hangga’t hindi ako pinahihintulutan na sabihin kung ano ang gusto kong sabihin, hindi ako magsasalita.

“Unless katulad nung parang nag-brainstorm kami dun sa GMA na, ‘Yan, ano ba’ng gusto mo?’ Sinabi ko.”

Ano ang pinaka-specific na sinabi niyang gusto niya?

“Lahat, e. Kasi ang point ko, sa buhay, parang… ibinibigay ng GMA sa akin kung ano ang hinihiling ko sa lahat ng aspeto, bakit hindi ko ibibigay sa kanila yung one hundred percent kung kinakailangang magkaroon ako ng input sa soap opera?

“Actually, pati nga on the spot, inisip ko na, ‘Ano ba ang hitsura ng damit ko?’

“Pati nga pagbibihis ko, sinabi ko kung ano ang gusto ko, e.

“At pati kung sinuman ang leading man ang mapipili ko, gusto ko ayusin siya, kung ano ang ayon sa perception ko, na gusto ko ganito ang makita ko, so sinabi ko lahat.”

Nag-suggest din daw siya ng leading men na gusto niya. Sino ang mga sinabi niya?

“Huwag na muna, hindi pa kasi puwedeng sabihin,” pakiusap ni Marian.

Pero may mga choices na siya?

“Madami!” at napatili si Marian.

Na-approve ba ng GMA-7 ang choices niya?

“Lahat naman ng sinabi ko, naa-approve, e,” sagot niya.

Sila ba ni Dingdong ay magsasama muli sa isang TV show?

“Malay mo, sa isang taon,” sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN