Alden Richards prefers to be paired with Lauren Young over Louise delos Reyes in his next soap

Matagal nang magka-loveteam sina Alden Richards at Louise delos Reyes kaya nabanggit ng aktor na kung siya ang masusunod ay sa iba naman siya maipareha. Aniya, “Baka po puwede nating subukan si Lauren [Young], kung ano po ang magiging effect kapag kaming dalawa naman po ang nagsama sa isang soap.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Alden Richards sa taping ng Mundo Mo’y Akin sa isang ospital sa Quezon City noong Martes, September 3.

Ayon kay Alden, kahit pagod at puyat ang inaabot ng cast, masaya pa rin silang lahat dahil hindi bumibitiw ang mga manonood hanggang sa final episode nila bukas, September 6.

May mamamatay raw sa pagtatapos ng Mundo Mo’y Akin, pero ayaw sabihin ni Alden kung magkakatuluyan sila o hindi ni Louise delos Reyes dito.

Ayon pa kay Alden, “Pinakamahaba ko pong soap ito, seven months po kami.

“Pero siyempre, ganoon naman pong talaga, palagi naman pong ganoon—nagtatapos po ang mga soap.”

Ano ang mami-miss niya sa Mundo Mo’y Akin?

“Ewan ko po, baka magkita-kita rin naman po kami next project.

“Siguro po, yung trabaho lang po every day na taping days na nakasanayan ko po for seven months.

“Lalo nga po ngayon, last week namin, every day talaga ang taping namin,” saad ng matinee idol.



HABAGAT’S WRATH. Nabaling naman ang kuwentuhan sa nakaraang baha sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya dulot ng habagat.

Isa ang pamilya ni Alden sa nasalanta dahil binaha ang bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna. Kaya ngayon daw ay nagpaplano na siyang bumili ng bagong bahay.

“Nagbabalak na po ako for next year, nagka-canvass na po ako.

“Sa ngayon po kasi, umupa po kami sa may malapit po sa Enchanted Garden.

“Kinabukasan din po ako nagpahanap ng bahay, kasi nabaha po yung dalawang sasakyan ko.

“Hindi rin naman po kami puwedeng lumayo agad, kasi may trabaho po ang kuya ko at saka daddy ko po. Yung sister ko po, may school pa.”

Ang plano ni Alden ay sa Laguna pa rin bumili ng bagong bahay.

Aniya, “Baka doon pa rin po kasi kung dito po ako sa Manila, baka condo na lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sanay na rin naman po akong bumiyahe, mas mabilis lang po rito.

"Kasi kapag doon sa amin, sa Golden City, fifteen minutes pa po ang traffic bago ko matumbok ang SLEX.

“E, dito, wala pa pong fifteen minutes, e.”



NEW LOVETEAM? Anim na buwan nabakante noon si Alden bago niya gawin ang Mundo Mo’y Akin.

Pero umaasa si Alden na hindi aabot ng ganoon katagal ang kanyang paghihintay sa susunod niyang teleserye.

Bilang naging maganda rin naman ang rehistro ng loveteam nila ni Lauren Young sa Mundo Mo’y Akin, gusto ba niyang sila naman ang pagtambalin sa susunod o si Louise pa rin?

Sagot ni Alden, “Baka po puwede nating subukan si Lauren, kung ano po ang magiging effect kapag kaming dalawa naman po ang nagsama sa isang soap.

“Kasi, nakita naman po sa MMA na puwedeng-puwede naman po.

“So, why not, why not naman po na i-loveteam kami sa isang soap?

“I’m sure, si Louise po, gusto rin naman na makapareha ang iba.

“Siyempre, para iba naman po, dalawang taon na po kaming tandem.”

May lumabas na balita na sila ni Marian Rivera ang magkakasama sa isang teleserye. Ano na ang nangyari dito?

Ayon kay Alden, “Basta ang balita ko lang po, may niluluto nga raw pong something na parang ganoon for primetime.

“Pero, wala rin naman pong sinabi kung tuloy o hindi tuloy, basta hindi na lang na-follow-up…

"Pero hindi ko pa po alam, open din po.

“Wala rin naman pong closure yung topic na yun.”



NEW ASSIGNMENTS. Ginagawa rin ngayon ni Alden ang pelikulang 10,000 Hours, entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

Pero nasa Amsterdam sa kasalukuyan si Robin Padilla at doon nagsu-shooting kasama ang ibang cast at crew ng pelikula.

Si Alden naman ay isang shooting day na lang ang natitira.

Bukod dito, regular din siyang napapanood sa Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-reshuffle na nga raw sila ng mga miyembro at siya na ang leader simula sa Linggo, September 8.

Sabi niya, “First time ko pong magli-leader kaya parang yun naman po ang pagkakabisihan ko pagkatapos nga po nitong MMA at saka promo po ng album sa Universal po.”



COSMO BASH. Pinaghahandaan din ni Alden ang nalalapit na Cosmo Bachelor Bash na gaganapin sa September 24.

Silang dalawa ni Tom Rodriguez ang nasa cover this year kaya siguradong sila ang pinaka-aabangan sa pagrampa.

May naisip na ba siyang gimmick para sa gabing iyon?

Tugon niya, “Mas exciting po siguro kesa sa huli—siguro po mas less clothing po.”

Noong isang taon nakapantalon siya at pinunit niya lang ito. Ngayon ba ay wala na siyang pantalon?

“Ay, hindi naman po, bawas clothing lang po siguro!” natatawa niyang sabi.

Ano naman ang ginagawa niyang paghahanda?

“Yun nga po, gym. Medyo mahirap lang po ngayon kasi sunud-sunod po ang taping namin.

“E, sabi po kasi noong nag-train sa akin, wala namang mangyayari kapag puyat, tapos nagdyi-gym.

“Kailangan, kung idyi-gym mo, itulog mo na lang. E, sa September 24 na po kasi.”

Posibleng makumpara silang dalawa ni Tom, handa na ba siya rito?

“Opo, sigurado po, na-foresee ko na po yun, okay naman po ako sa comments,” sagot niya.

Confident ba siya kahit rumampa sila nang sabay ni Tom?

Sabi niya, “Okay naman po sa akin.

“Pero siyempre, kailangan naman pong paghandaan nang mabuti. Hindi naman po puwedeng basta-basta na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN