PEP EXCLUSIVE. Marc Pingris accepts two-game suspension; wife Danica Sotto says "rules are rules"

Naniniwala ang star forward ng San Mig Coffee na si Marc Pingris na patas ang two-game suspension at 60,000 pesos na multa na ipinataw sa kanya ni PBA Commissioner Chito Salud. Pinagsisihan din daw niya ang nangyaring gulong kinasangkutan niya at ilan pang basketbolista. "Gusto ko talaga mag-sorry sa mga nakapanood. Wala talagang planong mag-away. Nagkataon lang. Pero mas maganda na rin nangyari ito. Binigyan ko ng leksyon sarili ko," sabi ni Marc.


“Wala talagang planong mag-away. Nagkataon lang.”

Ito ang pahayag ni Marc Pingris tungkol sa nangyaring engkuwentro sa pagitan niya at iba pang basketbolista sa gitna ng laban ng San Mig Coffee at ng GlobalPort sa Cuneta Astrodome noong Miyerkules, September 4.

Hindi raw akalain ng star forward ng San Mig Coffee na mauuwi sa pisikalan ang nasabing laro, lalo pa’t wala naman siyang previous record ng pakikipag-away sa loob ng hardcourt.

“Gusto ko talaga mag-sorry sa mga nakapanood. Wala talagang planong mag-away. Nagkataon lang.

"Pero mas maganda na rin nangyari ito. Binigyan ko ng leksyon sarili ko,” sabi ng basketbolista sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kahapon, Biyernes, September 6.

Bandang third quarter ng laro, nagsimula ang gulo sa pagitan ng import ng San Mig Coffee na si Marqus Blakely at si Marvin Hayes ng GlobalPort na parehong natumba pagkatapos nilang magkasakitan.

Binawian ni Joe Devance (San Mig Coffee) si Marvin kaya naman napasugod din si Kelly Nabong (GlobalPort). Ngunit sa halip ay sina Kelly at Marc ang nagkasakitan.

Ayon sa report ng Spin.ph, nitong Biyernes ng umaga ay napagdesisyunan ni PBA Commissioner Chito Salud ang mga karampatang sanction sa lahat ng players na sangkot sa gulo.

(Read: Pingris, Nabong suspended two games; fined P60,000 each)

Sinuspindi sina Pingris at Nabong sa dalawang magkasunod na basketball games at pinagbayad ng multa na 60,000 pesos each dahil sa naganap na suntukan sa pagitan nila.

Habang si Devance ay pinagmulta ng 60,000 pesos at suspindido ng isang game dahil ito ang pasimuno ng pisikal na away ng mga kasamahan.

Si Marvin Hayes naman ay pinagmulta ng 20,000 pesos dahil sa “unsportsmanlike conduct, equivalent to a flagrant foul penalty” na ipinakita nito sa laro.

Samantala, pinanindigan ni Marc na kaya siya napasabak sa away ay upang protektahan ang teammate niyang si Marqus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Marc sa PEP, “For me naman, I have no plan na makipagsuntukan.

"Nakita ko lang talaga yung ginawa sa teammate ko. Siguro talagang pinoprotektahan ko lang sila.

"Pero sa maling paraan ko ginawa. Siguro nabigla lang din ako.”

Pero tanggap naman daw niya ang ipinataw na parusa sa kanya ni Commissioner Salud.

“Sana hindi na maulit at maging aral din sa mga player na hindi maganda gawin yun, lalo na at maraming kabataan ang nanonood sa amin.

“Gusto ko talaga mag-sorry sa mga nakapanood. Wala talagang planong mag-away. Nagkataon lang.

“Pero mas maganda na rin nangyari ito. Binigyan ko ng leksyon sarili ko,” sabi pa ni Marc.

Pinaniniwalaan na bago pa man nangyari ito ay nagkakainitan na ang players dahil sa higpit ng laban at kakulangan ng tawag ng foul ng referees.

Ngunit nilinaw ni Marc na hindi niya sinisisi ang mga referee sa nangyaring gulo.

"Hindi ko naman sinisi yung mga referee. Nasa amin pa rin kung paano namin kontrolin ang mga sarili namin.

"Gusto ko lang makita ng mga referee na sana bigyan kami ng warning kapag nakitang nagkakaanuhan na.

"Hindi lang ako, sa buong PBA, para di magkainitan next time," aniya.

Nagpasalamat din si Marc sa kanyang fans na patuloy na sumusuporta sa kanyang team sa kabila ng nangyaring insidente.

Gayunpaman, nakiusap siya sa mga ito na tigilan na ang pakikipag-away sa supporters ng nakaaway na team.

“Yung fans ng GlobalPort, galit sa amin. Gano’n din naman yung fans ng San Mig, galit kina Nabong.

“Pero tapos na yun. Di naman kami magkakaaway.

"Pati fans kasi nag-aaway-away. Sana tigilan na nila.

"Walang magandang maidudulot ‘yan. Inaayos namin yung problema namin, sana gano’n din sila.”

Sa ngayon ay hindi pa raw nakakausap ni Marc si Nabong na nakasapakan niya, pero handa naman daw siyang makipag-ayos sakaling magkaharap silang muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marc ang isa sa naging bayani sa nakaraang Asia FIBA Championship bilang bahagi ng koponan ng Gilas Pilipinas.



WIFE DEFENDS MARC. Samantala, ikinagulat naman ng maybahay ni Marc na si Danica Sotto-Pingris nang mabalitaan niyang napasabak sa gulo sa loob ng hardcourt ang kanyang mister.

Kuwento ni Danica sa PEP, pauwi siya galing sa isang meeting nang makatanggap ng tawag tungkol dito.

Pagdating niya ng bahay ay tiyempong hindi pa tapos ang laro at nakapanood siya ng video replay ng nasabing insidente.

Bagamat nag-alala siya sa kalagayan ng kanyang asawa, minabuti raw ni Danica na hintayin ang tawag ni Marc upang malaman ang buong pangyayari.

“As a wife, I admit nag-panic ako.

"I know him kasi na wala naman siya record ever na nagsimula ng fight, e.

"He always gets involved because of trying to defend someone. Lagi na lang.

"Masyado kasi siyang passionate sa game. And even his teammates, he treats them like his brothers.”

Pagkatapos ng basketball game ay agad daw siyang tinawagan ni Marc dahil alam na nitong mag-aalala siya.

Kuwento ng aktres tungkol sa kanilang phone conversation, “’Hi Beh!’ Gano’n pa siya, as in relaxed. Ako pa yung hysterical.

"Sabi ko, ‘Are you hit? What happened? Because in the video parang trinay ka niyang [Nabong] tuhurin.’

"Sabi niya, ’Hindi, nakaiwas ako.’ Yung lip daw ng guy natamaan. But nobody really got hurt."

Paliwanag pa raw ni Marc sa kanya, “‘You know me, I don’t start fights like that.

"I just defended Blakely. When I saw him down, I snapped and I went for the guy. I had to stop them.

"’Yun nga lang ang mali, it ended in a physical fight instead of verbal na away lang.’”

Matapos ang laro ay siniguro naman daw ng ibang players na kalmado na ang lahat at wala nang engkuwentrong magaganap sa labas ng stadium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa raw ng kanyang asawa, “’I’m about to leave. They’re gonna make me leave first, and then him. Just to make sure there’s nothing na.’

"‘Coz the guy [Nabong] was taunting him pa. And it was even seen in the video, ‘Ano, ano? Let’s take it outside!’ Parang gano’n.”



FAIR PUNISHMENT.Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Danica tungkol sa desisyon ni Commissioner Salud na patawan ng parusa si Marc at ang iba pang mga sangkot sa gulo.

Sabi ng aktres, pagkatapos niyang mapanood ang nangyaring engkuwentro ay inaasahan na niyang parurusuhan si Marc at ang mga kasama nito.

“Actually, masasabi natin na Marc’s intentions was pure, yung motive niya was pure.

"Pero the action na ginawa or yung pagresponde niya, siyempre may mga rules na sinusunod sa PBA, may consequence [for every action].”

Naniniwala rin ang aktres na patas ang ipinataw na disciplinary action ni Commissioner Salud.

“It’s okay, no hard feelings, kasi rules are rules. Lesson learned, di ba?

"At the same time, sa mga ganyan, tingnan n’yo yung heart of the problem.”



LOVE FOR THE GAME. Sa kabilang banda, bilang asawa ng isang PBA player ay naiintindihan daw ni Danica ang pinanggagalingan ng mga manlalaro sa mga pagkakataong nagkakapikunan sa gitna ng laro. Natural lang daw na ipagtanggol nila ang isang teammate na naagrabyado.

Paliwanag ni Danica, “Imagine mo yung mga players na ‘yan, they practice every day.

"They even take a bath together. Wala lang sa kanila yun.

“Pag nasa court, may galit-galit. Off-court, professional naman sila, e.

"Never ko naman nakilala si Marc na nagtanim ng galit kahit kanino. Especially if it’s about basketball kasi kasama sa trabaho nila, e.

“What I mean is, kung nakita nila na passionate mga players, may nagkakasakitan, kung si Devance man nauna or si Marc or whoever, kailangan nila intindihin dahil parang magkakapatid mga ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even for Nabong, iniisip ko, siguro he wants to do everything for his team.

"Tama yung motibo nilang dalawa [ni Marc], mali lang yung action na nangyari. Naging impulsive sila.”

Pero nang magkausap silang mag-asawa ay pinaalalahan daw niya si Marc na mas maging maingat sa susunod.

“Kasi kinausap ko siya. In-explain niya yung side niya. ‘I just defended Blakely. Mali na ginagawa nila, nanakit na sila. Yun nga lang nag-snap din ako, e, nung nakita ko na natumba.’

"Dun na siya parang, ‘Teka lang, di puwede ‘yan.’ Pero sabi niya, ‘Siyempre mali yun. Hindi ko naman dyina-justify.’

“Ang sabi ko naman, ‘You know what, Mark, you’re known in the basketball league as a player with a big heart. Even nga sa Gilas [Pilipinas] yun ang sinasabi nila.

“’That heart is full of passion but you have to be wise. You have to use that heart in the right way.’

"Sabi ko, ’It’s good that you have much love to give to your teammates, just be careful. Sometimes too much of anything is not good,’” pagbabahagi pa ng aktres.

BASHERS. Hindi naman maiwasang maapektuhan ni Danica sa mga taong nambabatikos na palaaway raw ang kanyang asawa.

“There are a lot of supporters telling him na he’s known to be a player who has a good heart. But he lost control and it’s okay, tao lang siya.

"But at the same time, ang dami rin negative comments na ang sasama, dapat daw ma-ban buong season.

“You cannot explain naman to the people, especially yung di nakakapanood nang live.

"Iba ang live sa TV, even if you feel na kinu-close up sila, there are some calls and some stuff na ginagawa ng players na you don’t see on TV. It’s so different.

“Parang ang sa akin lang, most of them are judging based on what they watched.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“I’M SORRY YOU SAW THAT.” Tinanong din ng PEP si Danica kung ano ang reaksiyon ng kanilang anak na si Nick nang mapanood nito ang pakikipagsuntukan ng ama sa kalagitnaan ng isang basketball game.

Sabi niya, “My son is five years old. You cannot shield him from the world. Nobody’s perfect.

"As much as possible, we want to set a living example. Practice what you preach.

"Pero sinong parent ang di nagkakamali?

“In-explain ko sa anak ko na, ’Daddy didn’t mean that to happen. But it’s not good. It doesn’t mean you have to copy that. Talk to Daddy when he gets home.’”

Pag-uwi ng bahay ay agad naman daw ipinaliwanag ni Marc na aksidente lang ang nangyari.

Aminado naman daw ito sa pagkakamaling nagawa at hindi ito dapat gayahin, lalo na ng mga batang umiidolo sa kanya tulad ng kanyang anak.

Sabi ni Danica, “Ang na-appreciate ko kay Marc, paggising ni Nick, no buts, no explanations, nag-sorry siya agad.”

Sagot naman daw ng kanilang anak, “’It’s okay, Daddy. Pero sana you said na lang ’Stop.’ I don’t like that game. In Gilas you’re not punching anyone. What happened? Why did you fight him? Is he a bad guy?’

"Sabi naman ni Marc, ‘No, it’s just part of the game. He [Nabong] said sorry na.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN