Direk Wenn Deramas forgives former ward DJ Durano; sheds light on Maricel Soriano-Gerald Anderson rift

Direk Wenn Deramas on DJ Durano: “Ang magandang parte lang dito, pag humingi naman ang isang tao ng sorry, patawarin mo. Mabait si DJ... mabait si Durano, Durano ang tawag ko diyan. Kundi lang talaga doon sa may lokohan part, paglilihim... mayroon akong discernment kasi para malaman ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko, I asked him and dineny niya. Si Wenn Deramas is take one actress, bilang kaibigan naka-open ako. Kung marami akong natutulungang kaibigan bakit hindi naman


Kinumpirma ni Direk Wenn Deramas na nauwi na sa pag-aayos ang hidwaan ng landas nila ng aktor na si DJ Durano na nauwi sa paghihiwalay ng kanilang landas.

Ito ay kinumpirma ng Box Office Director nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng presscon ng Momzillas noong nakaraang Martes, September 3, sa hallway ng ABS-CBN.

“Magaling siya kasi alam niya pag Sunday talaga nagsisimba ako sa umaga, tyinempuhan niya yun, nagpunta sa bahay.

“Pagkatapos nun, hingian ng tawad... humingi siya ng tawad sa lahat-lahat, may crying scene siya.

“Alam niya yun e, naging mabait ako, naging mabuti ako sa kanya.

“Puwede mong sabihin na masama akong kaibigan, masamang direktor, pero tatlong bagay na hindi ako puwedeng maging masama: ang maging mabuting anak, ang pagiging mabuting parent at kay DJ Durano, naging mabuti ako at alam ng buong bayan ‘yan. Promise.

“Wala, basta nag-concentrate kami sa I’m sorry and I forgive you thing, okay na sa akin. Sabi ko nga sa kanya matagal ko na siyang napatawad, tapos na yun, ayusin na niya ang buhay niya,” kuwento ni Direk Wenn.

Di naman itinago ni Direk Wenn na kasama sa naging pag-uusap nila ng aktor ay paghingi ng tulong nito na mabigyan sana siya muli ng mga proyekto.

“Oo, humingi talaga siya, sinabi niya. Dati kasi lahat ng trabaho niya ako ang nagbibigay. E, hindi siya nakapag-create ng koneksyon sa iba.

“E, ako naman, kailangan kong bigyan ng work, nakakahiya naman na ako ang dami kong work, siya di ko binibigyan ng work.

“Nagsimula naman na ako ang manager niya rin, nakakatawa rin naman na manager ka, di mo siya binibigyan ng trabaho, e ikaw ang dami mong trabaho.

“Nag-usap kami na ako mismo ang lumapit sa mga kinauukulan na bigyan po natin ng trabaho si DJ kasi wala naman po akong sinasabi na huwag natin siyang bigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka nag-speculate lang kayong lahat na baka nagalit ako. E, hindi naman ako ganung klaseng tao, ako lang yun.

“Ngayong okay kami bilang magkaibigan, sana bigyan ninyo siya ng work,” detalye pa niyang kuwento.

FORGIVEN. Kinumusta namin sa Box Office Director ang samahan nila sa ngayon ni DJ at ayon kay Direk Wenn ay bukas na ang komunikasyon nila, hindi nga lang ito gaya ng dati.

“Nagte-text siya, sumasagot ako, pag tumigil siya, tumitigil ako. Siguro darating yung time na maayos din, marami naman akong nakaaway na naayos naman.

“Ang magandang parte lang dito, pag humingi naman ang isang tao ng sorry, patawarin mo.”

“Mabait si DJ... mabait si Durano, Durano ang tawag ko diyan. Kundi lang talaga doon sa may lokohan part, paglilihim...

“Mayroon akong discernment kasi para malaman ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko, I asked him and dineny niya.

“Si Wenn Deramas is take one actress, bilang kaibigan naka-open ako.

“Kung marami akong natutulungang kaibigan bakit hindi naman kay DJ na huwag tayong mag-deny ay minahal ko naman talaga siya,” diin ng direktor.

Tinanong din namin kay Direk Wenn kung wala bang magiging problema sa kanya pag nagdesisyon nang mag-asawa si DJ lalo’t balita na may girlfriend ito.

Sagot nito, “Ay oo, di issue sa akin ‘yun, basta maging matapat ka lang. Kung yun ba sinabi sa akin na... ’ito, ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko,’ ihahatid pa kita.

GERALD-MARICEL ISSUE. Hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig nila Maricel Soriano at Gerald Anderson sa pagkakaalis ng Diamond Star sa seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan si Dawn Zulueta ang pumalit sa role na dapat ay sa aktres. Dinepensa naman ni Direk Wenn si Maricel sa nangyari.

“Kasi alam ko at rinig ko pahero ang side at wala akong kinampihan, Maling timing, maling araw, it’s a bad day, nangyayari yun sa lahat ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s an actress, she’s very, very professional. May pagkakamali na minsan yung gusto ng isang tao ay kailangang maging maayos tayo dahil nagtatrabaho tayo.

“Hindi puwede na ako lang ang magaling, dapat sabay tayo at nakita ko ‘yan sa kanya, sa lahat ng artista dito sa Momzillas.

“Si Candy wala na tayong masasabi diyan, lagi silang magkasama, with Uge, alam na natin ‘yan. She’s [Maricel] very, very generous, sobrang generous ‘yan at nakita ko ‘yan sa kanya.

“Hindi lahat ng artista ay generous. Ang ibig kong sabihin example ang ka-eksena mo ay ang nakapahusay na si Uge, ang tendency niyan, ’dapat ako ang umangat.’

“Siya hindi. Ibibigay niya sa iyo dahil sa iyo, tutulungan pa kita para gumanda,” saad niya.

Magkasama sa Momzillas sila Maricel at Uge kung saan gumaganap ang mga ito bilang ina nila Billy at Andi. Siniguro naman ni Direk Wenn na walang sapawang nangyari sa dalawa.

“Hindi mangyayari ‘yan lalo’t professional silang dalawa. Hindi rin mangyayari ‘yan kasi pareho silang magaling so di ka makakasapaw at hindi ka masasapawan kung di ka magaling,” paglinaw ni Direk Wenn.

GIVING MARICEL HER DUE RESPECT. Kapansin-pansin sa presscon ng Momzillas na nabibiro, nakakaswal at nababara ni Eugene si Maricel habang sumasagot. Marami ang nagulat dahil kilalang prangka at mataray ang Diamond Star pero nagagawa ito ni Uge sa kanya. Ayon kay Direk Wenn, hindi lang daw si Uge kundi halos lahat sila ay nabibiro naman ang aktres.

“Hindi, lahat. From Candy, Joey Paras, kaya nga di ba na-share niya pag binabara siya. Lalo na ako, sabi nga niya, ’akala ko ba fan ka, bakit mo ako ginaganyan?’

“Yun ang masarap kay Maricel pag nakasama mo na... pag nakatrabaho mo na, puwede kang maging totoo kasi totoo siya,” papuri niya kay Maricel.

Para kay Direk Wenn huwag din sanang kalimutan ng mga tao kung anuman ang naibigay ni Maricel sa industriya lalo na sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka kasi ‘yun ang nakakalimutan ng ibang tao kaya may mga di magagandang pangyayari. Baka nakalimutan natin na part ng building na ito mayroon si Maricel Soriano.

“Baka nakalimutan natin kung paano niya pinasaya ang maraming tao... not only producers and directors kundi ang mga manonood.

“Baka may ganung point na nakaligtaan natin kaya nangyari yung ganung mga bagay,” dagdag pa niyang paliwanag.

MARICEL’S UNFLATTERING VIDEO. Hiningan din namin ng reaksyon si Direk Wenn sa video ni Maricel na lumabas kamakailan na marami ang naalarma dahil parang hirap daw magsalita ang aktres. Umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa ibang tao na karamihan ay negatibo.

“Tawang-tawa ako dun kasi pictorial namin nun ng Momzillas, ako yung director ng pictorial pa, ‘yan ‘yang nakikita ninyong poster ngayon.

“Habang nagpi-pictorial kaming ganyan, sinabihan ako na, ’Direk, para may hihila lang from Viva, kaunting interview sa pelikula.’

“Ako, in-allow ko naman. ‘Yan yun, e, yung ilaw nun dito, yung magmumukha ka talagang impakta, may shadow. Tapos di ba may arte si Maricel na parang bagets-bagestan magsalita ‘yan, o loko.

“Confident ako, ang ganda-ganda nung pictorial pero nung napanood ko ‘yun, tumawag ako kaagad kay Tita June, i-pull out ninyo, ang pangit ng video.

“Kita ninyo may comments ang tao na di maganda, ako mismo natakot. Nakita ko kung gaano siya kaganda nung pictorial na yun, nahila lang kasi sa isang gilid, di inaalagaan ng ilaw.

“Bad lighting and mali din na inupload, agad-agad naman ang Viva nung tinawag ko yun, pinull-out agad kaya wala na,” pagklaro ni Direk Wenn.

ALL’S WELL WITH ABS-CBN. Pinapalabas na ang trailer ng Galema, Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenman sa ilalim rin ng direksyon ni Direk Wenn. Patunay lang daw ito na mukhang nahilot na ang direktor at naayos na kung anuman ang sama ng loob niya sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na naman talaga, matagal na. Actually nakapirma na ako nung 2012. Wala na ‘yun, pag kausap mo naman si Maam Charo [Santos-Concio], lahat nagiging maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN