Marjorie Barretto reacts to Instagram follower’s ambiguous unsolicited advice

Marjorie Barretto on her Instagram follower’s ambiguous unsolicited advice: “@mauiireyes Thanks for your concern, your likes in our photos and your advices. But you yourself cannot answer my question on how we can specifically help. @mauiireyes please don’t take it against me if I go out or show photos of being with my friends, although you mentioned photos of shopping, parang I don’t recall posting photos like that, but will check and delete if you


“Too much,” ang simpleng post ni Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account walong araw na ang nakalipas.

Isang follower ni Marjorie ang nagpapansin kay Marjorie sa pamamagitan ng sunud-sunod nitong tanong at suggestions sa nangyaring gusot sa pamilya nila.

Ayon pa kay @mauiireyes, “Magkapatid pa rin sila. Iisa ang pinanggalingan.”

Kaagad na sagot ni Marjorie, “@mauiireyes I’m sorry, what are you talking about?”

Sunud-sunod pang comments ng may handlename na @mauiireyes, “Kahit gaano pa kasama ang kapatid, kadugo mo pa rin yan.”

Dagdag pa niya, “She needs help talaga. At sana umpisa yan sa inyo na mga kapatid nya. Down na nga sya, lalo nyo pa dinadown…”

Dugtong pa nito, “Im a big fan of Barretto sisters. Nakakalungkot lang na ganito ang mga nababasa ko, napapanuod ko @marjbarretto. Tatlo din kami magkakapatid. Hindi kami perfect family. May ups and downs din. Tatlong babae at ako ang bunso. Sa mga posts at comments sa social media…At least naipaparating ko ang nararamdaman ko. Sana maayos nyo at matulungan @si Claudine.”

Kasunod pa niyang komento, “Pinanuod ko lahat ng movies ni Claudine. Liker ako sa lahat ng posts nyo ni miss Gretchen. Fan ako ng mga anak nyo…binibigay ko lang ang opinion ko gaya ng ina.”

Tugon dito ni Marjorie, “@mauiireyes Please tell me…You say she needs help talaga… Please suggest, how can I help her? How do you want me to help?”

Singit na comment ni @mauiireyes, “kaya sana maayos…”

Dagdag pa ng dating Caloocan City Councilor, “@mauiireyes Paano ko sya Dinadown?

Kasunod pang comments ni @mauiireyes, “wag natin sisihin ang mga magulang nila…Sino ba namang magulang ang may gusto na magkaproblema ang anak nila.”

“@marjbarretto sa sitwasyon ngayon ni Claudine…She really needs help. Kung aalay man kayo, be discreet na lang. Kawawa naman. Alam ko kayo ang mas ok ang buhay ngayon. At alam ko rin na may mali na talaga kay Claudine…Kung naging kapatid ko lang sana sya at mayakap…Kahit gaano pa ang tanggi nya sa support na ibibigay nyo, kapatid nyo pa rin kasi…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Marjorie, “@mauiireyes How do you suggest I help her?”

Ilang followers ni Marjorie ang nagtataka na rin sa gustong maging punto ni @mauiireyes.

Kasunod na comment ni @mauiireyes, “Hindi sya nakakatawa…nasa point lang talaga na kailangan nya ng tulong…Kapamilya pa rin nila sila. Sino ba naman ang unang masasaktan kundi kapamilya rin.”

Dito ay muling giit ni Marjorie kung anong klaseng tulong daw ba ang maari niyang gawin.

Aniya, “@mauiireyes Please answer my question…How do you want me to help her? Please be more specific. Thanks.”

Tugon muli ni @mauiireyes, “@marjbarretto Habang nagtatype ako ma’am, naiiyak ako kasi kahit gaano pa sya kasama, kahit gaano pa katigas ang ulo nya, kapatid nyo pa rin kasi…sana maayos nyo…Expected na matigas yan.”

Dugtong pa niya, “Mapride yan. Ayaw tumanggap ng tulong from you…Pero deed inside her, she really needs the yakap of her ates…”

Isa namang follower ang nagsabing huwag na daw pangaralan pa si Marjorie.

Sagot dito ni @mauiireyes, “Im not lecturing miss @marjbarretto…Concern lang ako. Postive lang ako na kaya pa nilang ayusin ang buhay ni Claudine…Sya rin lang na may social network.”

Dugtong pa niya, “Hindi naman siguro na gusto nyang sumikat…Siguro namimiss lang nya mga ate nya…sikat naman na sya, di na nya kailangang gawin yun.”

Mahaba pang litanya nito, “Bunso din ako sa tatlong magkakapatid na babae…Marami akong pagkakamali…Ang mga ate ko halos isumpa na ako sa mga pagkakamali ko at katigasan ng ulo. ..Pero maayos na ang buhay ko ngayon sa tulong nila…Ilang beses ko nireject ang mga tulong nila. Masyado akong mapride. Pero di sila nagsawa…Andyan pa rin sila para sa akin. Pinaramdam nila sa akin na ako pa rin ang pinakaespesyal na bunso nila…Kay asana maayos nyo…Sana sana…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“@marjbarretto alam ko andyan pa rin ang puso mo bilang ate…”

Tugon ni Marjorie dito, “@mauiireyes Thanks for your concern, your likes in our photos and your advices. But you yourself cannot answer my question on how we can specifically help. @mauiireyes please don’t take it against me if I go out or show photos of being with my friends, although you mentioned photos of shopping, parang I don’t recall posting photos like that, but will check and delete if you find that upsetting. BUT life is what you make it, I will make no apologies if I am happy most of the time than sad. I DON’T have a perfect life and I have many battles to face too, BUT I will not blame other people if I am unhappy or my life takes a wrong turn. Your advice is easier said than done. But thank you anyway.”

Patuloy pa rin sa pagsagot si @mauiireyes.

Kasunod niyang mga comments ay ganito ang mga nakasaad, “@marjbarretto may nasabi man ako na foul…My apologies po. Ang gusto ko lang makita kayo na ok na. Yung mabasa sa social network na ok na kayo…Yung makita sa instagram na ok na kayo…Will pray for you ma’am…”

Dagdag pa niya, “@marjbarretto kaya nyo yan. Ang buhay naman natin talaga hindi perfect. Nagkataon lang po talaga na public figure kayo. And isa ako sa mga concerns. Allay na lang, Yakap lang. Ok na yan…”

“I’m not accusing miss @marjbarretto na dinadown nya si Claudine. May pakiramdam pa rin ako na kaya nilang ayusin yan.”

Sagot ni Marjorie, “@mauiireyes Thanks!”

Kasunod pang komento ni @mauiireyes, “May nasabi man tayo na pangit isa man sa kanila…Imposible na hindi sila masasaktan…Magkakapatid pa rin yan…”

“@marjbarretto naappreciate ko po ang pagsagot nyo…Kasama kayo sa prayers ko…magandang gabi po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least naintindihan ni Miss Barretto ang ibig kong sabihin. Thanks @marjbarretto.”

Isa namang commenter ang tila hindi nagustuhan ni Marjorie ang comment pero burado na ito sa timeline ng comment section ng nasabing posts.

Ani Marjorie, “@annieganda28 Please don’t make up a dramatic story like that. That did not happen that way. Pang pelikula ang story mo. Thanks for your advice but you don’t know what you’re talking about.”

Dagdag pa niya, “@annieganda28 Please don’t make up a stories as dramatic as that. Walang nangyaring ganyan, sounds like a good script for Maalaala Mo Kaya. Thanks for your advice but first you have to know what you are talking about. In reality, what you are saying that I should do is not possible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN