Gretchen Barretto on more positive disposition these days: “What else can be said against me? Wala na, so for me, parang I’m free, I’m really free...”

Gretchen Barretto on why she’s brimming with a more positive aura these days: “Wala namang problema, para sa akin yung outlook mo sa buhay, yun ang magiging problema... on how you react on things, how you deal with things. For me right now okay naman ang buhay ko, I have a lot of love surrounding me, lots of work, a lot of friends. Outlook ko na lang sa buhay ang importante, how you see things and wala akong nakikitang problema. I’m positive kasi marami na ak


Kung sa huling interview ni Gretchen Barretto ay di naging maganda ang naging dating ng pakikitungo ng aktres sa media nang tanungin ito tungkol sa alitan nilang magkakapatid, sa katatapos na 2013 Star Magic Ball na ginanap sa Fairmont Hotel kagabi, September 7 ay isang kalmante at masayahing Gretchen ang humarap sa media.

POSITIVITY. Ayon nga sa kontrobersyal na aktres, ang tapang na binigay sa kanya ng mga pinagdaanan niya sa buhay at ang pagmamahal ng mga tao sa paligid niya ang susi para maging positibo ang pagtingin niya ngayon sa buhay.

“Wala namang problema, para sa akin yung outlook mo sa buhay, yun ang magiging problema... on how you react on things, how you deal with things.

“For me right now okay naman ang buhay ko, I have a lot of love surrounding me, lots of work, a lot of friends.

“Outlook ko na lang sa buhay ang importante, how you see things and wala akong nakikitang problema.

“I’m positive kasi marami na akong napagdaanan sa buhay, marami nang bumatikos, lahat na ng masasakit nasabi na sa akin.

“What else can be said against me? Wala na, so for me parang I’m free, I’m really free...

“I have been set free and I feel very, very vindicated and right now I’m very grateful with all the love I see around me and the people that make me feel it,” pagpapasalamat niya.

DEALING WITH BASHERS. Aktibo si Gretchen sa kanyang Instagram account. Bagamat maraming sumusuporta sa kanya dito, mayroon ding mga nagba-bash sa kanya. Bukod sa pagdepensa sa kanyang sarili ay dinedepensahan din ng aktres ang mga mahal niya sa buhay na biktima rin ng pagba-bash ng maraming tao.

“Ay, hindi naman, that’s all part of life. Puwede ba namang wala kang bashers? E di pag wala kang bashers, e di ka na importante sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun naman talaga ang buhay, pag mahal mo siyempre dedepensahan mo but you can only go so far in defending people and then after a while, even si Dominique hinahayaan ko na siya to defend herself.

“She’s 18 years old. She’s an adult. I said, ’Dominique you’re even more intelligent than me. If you finish far more than I have ever, you know we’re all adults, kaya mo na naman ito.’

“Nagiging matatag ako dahil sa lahat ng pinagdaanan kong problema and I am who I am because of all that and I’m grateful. Ganun naman ang buhay, di perpekto, hindi ba?” saad niya.

Sa Instagram account din ni Gretchen ay ipinagtanggol nito si Raymart Santiago higit pa sa kapatid nitong si Claudine, dahil ayon nga sa aktres ay alam niyang mabuting tao ang aktor.

Agad namang umiwas na sagutin ni Gretchen ang isyung ito dahil ayon sa kanya ay may tamang oras daw para magbigay siya ng pahayag tungkol dito.

Aniya, “You know, there’s a proper time for everything. Tonight is the Star Magic Ball, it’s a very important night for everybody and I will be in London for a few days, I want to enjoy every minute and I will keep you all updated through my Instagram.

Sa kabila ng lahat ng masasakit na nangyari sa kanya, para sa aktres ay pagpapatawad ang binibigay niya sa lahat ng taong sobrang nakasakit sa kanya.

“Oo, papatawarin natin... kung ang Diyos, nakakapagpatawad,” diin din niya.

ON ENCHONG DEE. Sa Star Magic Ball partner ni Enchong Dee ang anak na si Domique kung saan ayon nga sa young actor ay sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Gretchen dahil kahit short notice ay pinayagan nito ang anak na makasama siya.

Sa tanong naman kung boto ba siya kay Enchong kung saka-sakaling manligaw nga ito kay Dom, siniguro naman ni Gretchen na di siya tututol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, napakalakas ni Enchong sa akin, alam niyo naman. Nagtrabaho kami before, we did Magkaribal together.

“Napakabait ni Enchong, sabi ko kay Dominique you’re gonna get along fine with him, he’s very funny, he’s a nice guy, very intelligent.”

“E di mabuti para masaya na. Di naman ako tumututol, magaling naman ang utak ng anak ko. She’s always guided by his Dad and me so I trust her,” wika ni Greta.

Binalita rin ni Gretchen na kasama pala siya ng anak na pupunta sa London.

“I’m leaving as well, I’m going with her. Back and forth ako, I’ll settle Dominique first there.

“Basta pabalik-balik ako, I’ll coming home soon for a commercial for a few days then I’ll go back,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN