Marian Rivera on being true to herself: “Hindi naman masamang magpakatotoo sa sarili.”

Marian Rivera on staying positive: “As long as wala naman akong sinasagasaang ibang tao, hindi naman masamang magpakatooo sa sarili at iyon ang pinakamasarap na gawin sa buhay... ang wala kang tinatago sa sarili mo at ’eto ka, pinapakita mo sa tao kung sino ka.”


Medyo matagal na ring naghihintay ang mga fans ni Marian Rivera na muli siyang mapanood sa mga TV commercials endorsing different products, at mukhang matatapos na ang paghihintay na ito.

“Yes! Ganito na lang, paano ko ba sasabihin? Ganito na lang, ang hirap kasing sabihin na, ‘Ay, ang dami kong endorsements ngayon,’ ganito ganyan.

“Huwag na lang. Actually kahit sa Instagram ko kahit gusto kong mag-post na, ‘Ay, nandito ako sa shooting ngayon [ng TV commercial], kahit excited ako, huwag na lang.

“Pero ilan ba? Nag-shoot ako kahapon ng TVC, tapos may dalawang papasok sa amin na malaking kumpanya, na baka next year. May TVC, more on print ad.

“Tapos ang Maxi-Peel andiyan pa rin naman dahil nag-renew sila, ang Talk N’ Text, magre-renew,” kuwento pa ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bilang pagpapatuloy ng aming tsikahan over lunch nitong Miyerkules, September 4 sa Barcino restaurant sa The Fort sa Taguig City.

Mas makikita na siya ngayon bilang endorser ng mas maraming produkto kumpara sa dati?

“Kung ikukumpara nung nakaraan? Oo naman, mas meron naman ngayon,” pagkumpirma ni Marian.

POSITIVE VIBES. Maganda ang professional at personal life ni Marian; positive ang halos lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

“Oo, e. Naniniwala ako na ano... base sa experience ko, pag positive pala talaga lahat…”

Nai-imbibe niya?

“Oo, e.”

Napatunayan niya na puwede palang sabay na maganda ang career at ang lovelife at personal life; napagsasabay niya ang magandang takbo ng pag-aartista niya at ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

“Oo naman! Kasi alam mo, paano ko ba e-explain? Ganito na lang siguro...

“Kasi malinaw sa amin din ni Dong na mahal namin ang pag-aartista. Malaki ang naibibigay sa amin, pinansiyal man yan o fame man yan, malaki ang naitutulong sa amin.

“Pero at the end of the day, lahat yan trabaho lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi totoong buhay, hindi totoong buhay.

“Kaya nga minsan pag pinipintasan ka ng tao, ‘Ay, ganyan yan!’ minsan gusto mong sabihin talaga, pero siyempre hindi mo masasabi, ‘Teh, excuse me, ano akala mo sa akin, aparisyon?

‘Tao lang ako!’

“Di ba? Ang importante pag nag-roll yung kamera, nag-‘Action!’ tayo, binibigay ko ang hinihingi ng direktor.

“After the cut, umuwi ako ng bahay ko, ‘Ay wala na akong trabaho, hindi ko na kailangang umakting! Eto na yun.’

“As long as wala naman akong sinasagasaang ibang tao, hindi naman masamang magpakatotoo sa sarili at iyon ang pinakamasarap na gawin sa buhay...

“Ang wala kang tinatago sa sarili mo at eto ka, pinapakita mo sa tao kung sino ka.

“Iyon ang nasa utak namin palagi ni Dong. ‘O, work tayo uli, e di work, work.’

“Bakit, dun sa work na yun nakakapaggala kami, ah. At dahil dun sa work na yun nakakapaggala kami, nakakapag-bonding kami, mas tumitibay kami,” patuloy pa niyang kuwento.

At dahil sa napaka-positibo niyang outlook ngayon, willing ba si Marian to forgive and forget ang mga taong nakasamaan niya ng loob?

“Nagawa ko na, e.”

Lahat?

“What do you mean forgive? Yung pag nakita ko babatiin ko, okay ako? Well mas masasabi ko na kaya kong makipag-civil, na dati hindi ko kaya, na, ‘Huh, bahala ka sa buhay mo, ewan ko sa ’yo!’

“Ganun.

“Pero ngayon, ‘Hi!’

“Civil.

“Pero minsan may mga bagay din kasi na kapag nabahidan na parang hindi na kayo, na ‘Hoy ha, bestfriend tayo ulit... friendship, ha?’

“Hindi na. Civil,” muli niyang saad.

Sa lahat ng mga nangyari in the past, sino ang isang specific na puwede niyang maibalik ang friendship?

“Wala, wala. Wala.

“Hindi naman ibig sabihin na kapag hindi mo nabalik yun e nagtatanim ka ng sama ng loob. Hindi.

“Ibig sabihin nun natuto ka na at ayaw mo nang maulit yung sakit na naramdaman mo. So mas magandang civil lang,” muling paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Importante kay Marian na maging totoo sa sarili.

“Oo! Palaging, gusto ko talagang sabihin pero siyempre hindi naman puwedeng sabihin sa Instagram na, ‘Teh, huy, tao lang ako, hindi ako aparisyon, tao lang ako.’

“’Tsaka hindi, akala nila ang pag-aartista iyon ang totoong buhay, hindi nila alam work lang po ito.

“Di ba? Ang ending... ito, ito ang totoo, wala namang kamera, tayu-tayo lang e, di ba? Ito yun.

“’Tsaka yung nabubuong friendship sa bawat… halimbawa magsu-soap [opera] ako, sa likod ng kamera na yun... mga direktor, mga staff and crew, mga kapwa artista ko, iyon yung pinaka-bonus na, ‘Ay, close kami ni Bettina, naging close kami ni ate Ojie.”

Ang mga nakasama niya sa Temptation Of Wife na sina Bettinna Carlos at Rio Locsin ang tinutukoy ni Marian.

“So, yun yung mahalaga sa akin, na nagiging close ko itong mga taong ito na direktor, alam mo yun? Si Bettina, si Glaiza [de Castro, another TOW co-star], so ako looking forward ako sa next soap ko.

“Ayun si Sheena [Halili], na ang tagal ko ng nakatrabaho sa Amaya pero hangang ngayon pag nagkikita kami, ‘Bakla ka!’

“Sinasabunutan ko yun.

“So, di ba?” pangwakas ni Marian sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN