Rocco Nacino on being asked if he’s in love with Lovi Poe: “May nabuksang pinto.”

Rocco Nacino on his feelings for Lovi Poe: “It’s funny kasi matagal na kaming magkakilala and there was always this certain liking na dati at ngayon, kaya nagpapasalamat ako sa GMA dahil nabigyan kami ng projects, iyon ang naging daan para mas makilala namin ang isa’t isa. At ngayon mas malalim pa at ako, makikita ninyo naman sa ngiti ko siguro kung bakit ako masaya.”


Pangatlong pagsasama na nina Rocco Nacino at Lovi Poe ang muli nilang pagtatambal sa Akin Pa Rin Ang Bukas na bagong primetime series ng GMA-7.

Nagkasama sila dati sa Love Bug at sa Yesterday’s Bride.

Kaya nang nag-guest ng live si Rocco sa Startalk TX kahapon, September7, ang unang itinanong kay Rocco ng mga hosts na sina Butch Francisco at Heart Evangelista ay kung papaano ito nakakaapekto sa professional at sa personal level ng kanilang relationship.

“It’s always a good time po kapag nakakasama ko si Lovi, masaya lagi,” ayon kay Rocco.

Tinanong din si Rocco kung napi-pressure siya dahil mahuhusay ang mga kasama nila ni Lovi sa kanilang bagong programa, na kung nagiging competitive siya at kinakailangang ipakita pa lalo ang kanyang kahusayan bilang artista.

“Siyempre as a team, kami lahat, pressured kami.

“Ako yes. Dahil yung character ko naglalaro, dual character ito. Kapag kaharap ko si Lovi nagpapanggap akong mayaman, may-ari ng kumpanya.

“Pero sa totoo mahirap ako, manloloko ako, niloloko ko siya,” kuwento niya tungkol sa kanyang papel sa serye.

Pero sa tunay na buhay raw ay hindi siya manloloko.

“Ako, maalaga ako,” at tumawa ang hunky actor.

Kay Lovi ba ay maalaga rin siya?

“Oo, specifically kay Lovi. Kung ako… hindi naman siguro alaga pero nag-e-enjoy ako bigyan siya ng effort kumbaga.

“Masaya makita yung ngiti niya.

“Mahilig siya sa pagkain so kapag kunyari may time off ako at makikita ko siya, it’s nice to... you know, give her something and see that smile when she eats,” pag-amin ni Rocco.

Bakit labis-labis ang atensyon na ibinibigay niya kay Lovi? Ano ang kaibahan ni Lovi sa ibang babae?

“It’s funny kasi matagal na kaming magkakilala and there was always this certain liking na dati at ngayon, kaya nagpapasalamat ako sa GMA dahil nabigyan kami ng projects, iyon ang naging daan para mas makilala namin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ngayon mas malalim pa at ako, makikita ninyo naman sa ngiti ko siguro kung bakit ako masaya,” pagtatapat ni Rocco.

Ang tinutukoy niyang liking?

“There’s this certain liking, matagal na... matagal ko nang gusto si Lovi.

“Matagal na akong humahanga kay Lovi, kumbaga,” muli niyang giit.

At that point ay tinawag naman ng Startalk TX hosts si Lovi na guest din kahapon sa show.

Hiningan naman ng reaksyon si Lovi sa magagandang mga salita na sinabi ni Rocco.

“Ayun, I’m very thankful. Si Rocco naman ever since, sweet naman talaga siya sa akin and mabait, maalaga rin talaga siya,” pagkumpirma niya.

Tinanong naman si Rocco kung kay Lovi lang siya sweet na may kakaibang level.

“Sa kanya lang,” sagot ng binata.

MAY NABUKSANG PINTO...” Deretsahang tinanong naman si Rocco kung in-love ba siya kay Lovi.

“May nabuksang pinto. May nabuksang pinto,” saad niya.

Tinanong naman si Lovi kung “binuksan niya ang pinto at kung pinapasok na niya si Rocco.”

“Right now siyempre parang I’m just so happy that he’s there for me like most of the time and the fact na magkasama kami palagi sa soap namin is like a huge thing for me kasi it’s a lot more fun when he’s around,” sabi ni Lovi.

Saan sa puso ni Lovi nakapuwesto si Rocco ngayon?

“That I can’t answer,” maingat naman niyang sagot.

Inamin ni Lovi na masayang-masaya at nagpapasalamat siya sa bagong proyekto na ibinigay sa kanya ng GMA at masaya rin siya na lagi niyang kasama si Rocco ngayon.

Inamin rin nina Lovi at Rocco na may “steamy scenes” sila na gagawin sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Gagawin namin ’yong maganda para sa mga viewers ng Akin Pa Rin Ang Bukas.

“At sa story pa lang magagandahan na sila at isa ’yon sa kaabang-abang din siguro, kung papaano kami magigigng malapit sa isa’t isa,” pahayag nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit naman na marami ang nakakapansin sa mga harutan nila sa set ng show nila.

“Malambing naman kasi talaga ako,” bulalas ni Rocco.

“Mahilig akong mangulit.

“Mahilig naman siyang asarin ako. Hinahawakan niya yung buhok ko,” muling kuwento ni Rocco.

Hindi pala gusto ni Rocco kapag hinahawakan ang buhok niya.

“Pero may moves siya sa akin kapag nagagalit ako napapangiti ulit ako.”

Naipakilala na ni Rocco si Lovi sa kanyang pamilya. Naisama na raw niya si Lovi sa bahay nila kasama ang isang kaibigan ng dalaga.

“Masaya, nag-enjoy kami, nag-enjoy siya dahil maraming pagkain,” at tumawa si Rocco.

“Natuwa ang family ko kasama siya dahil very jolly daw si Lovi,” dagdag pa niya.

Hiningan namin ng mensahe o advise ang dalawa para sa isa’t isa, at ang mensahe ni Lovi para kay Rocco ay…

“My advise? Well I think he’s doing very well now so there’s not much I can say.

“So parang gusto ko lang sabihin na just keep on doing what you’re doing kasi maganda naman yung kinalalabasan ng lahat ng ginagawa mo.”

Ang mensahe naman ni Rocco para kay Lovi ay…

“Para sa akin hindi siguro advise it’s... kasi sa tagal na magkaibigan kami nakita ko yung growth din niya...

“Nakita ko kung papaano siya nag-mature and I’m really happy for her, sobrang excited ako sa mga ginagawa niya ngayon at she seems really happy ngayon.

“Kaya yun lang siguro, keep doing what you’re doing and thank you for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN