Aljur Abrenica gears up for Cosmo Bachelor Bash 2013; starts working on Prinsesa Ng Buhay Ko

Aljur Abrenica on how daring his forthcoming Cosmo Bachelor Bash appearance will be: “Basta ang masasabi ko… bago mag-start yung show, yung mga girls… isulat nila yung mga pangalan nila sa papel. Kasi pagkatapos no’n… siguradong makakalimutan nila ang mga pangalan nila!”


Kasama na naman si Aljur Abrenica sa mga nagguguwapuhan at pinapantasyang mga hunks na tampok sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash. Isa itong big event na inaabangan ng marami taun-taon at todong pinaghahandaan din ng mga male stars na napapasali rito.

“Mahirap sagutin kung reding-ready na nga ba ako sa gagawin kong pagrampa sa Cosmo,” nangiting sabi ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon sa Sunday All Stars (SAS), Linggo, September 8.

“Kasi… sa kabila ng busy schedule ko ngayon, it’s hard to find time na makapagpahinga at makapag-gym.

“Siyempre, ayoko namang rumampa na hindi ako handa. So… mahirap.

“Mahirap ngayon dahil naghahanap po tayo ng time para makapagpaganda ng katawan.”

PREPARATIONS FOR COSMO BASH. Nagsimula na rin kasi siyang mag-taping para sa Prinsesa Ng Buhay Ko, ang bagong primetime series ng GMA-7 kung saan magbabalik-tambalan sila ni Kris Bernal.

“Loaded po talaga ang schedule ko ngayon,” sabay ngiti ng aktor.

“Pero excited ako. Excite akong rumampa para sa mga pupunta sa Cosmo Bash.

“And siyempre, kahi hindi pa ako nakakapag-gym lately, part din ng preparation ko yung diet. Iniingatan din natin yung kinakain natin.

“Sinisiguro ko na… hindi masyadong mamantika. Tapos red rice lang.

“And then yung mga sweets like mga cakes… iwas din muna. Nagyu-yogurt na lang ako.

“Basta I eat anything healthy. Prutas.”

Kasama rin sa mga rarampa ang kapatid niyang si Vin Abrenica. May pressure ba dahil for sure, hindi maiiwasang mapagkumpara sila.

“Naku… walang comparison sa aming dalawa!” bahagyang natawang reaksiyon niya. “Di hamak na mas maganda talaga ang katawan niya kesa sa akin.

“Ilang beses na akong nakarampa sa Cosmo Bash. Kaya wala nang pressure.

“And ngayon… game na ulit ako!” tawa na naman niya.

Mas magiging daring ba ang pagrampang gagawin niya this time?

“Siguro ang masasabi ko… watch out na lang, guys!” aniya kasunod ang isang may kapilyuhang ngiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISULAT ANG PANGALAN...” Hindi niya bibiguin ang mga naghahangad na mas maging mapangahas pa siya at daring sa kanyang pagrampa?

“Uhm… I don’t know.

“Basta ang masasabi ko… bago mag-start yung show, yung mga girls… isulat nila yung mga pangalan nila sa papel. Kasi pagkatapos no’n… siguradong makakalimutan nila ang mga pangalan nila!” nangiti ulit na biro pa ni Aljur.

Manonood kaya ang girlfriend niyang si Kylie Padilla?

“Uhm… I hope. I hope! Sana nando’n siya.”

Inimbitahan ba niya ito na magpunta?

“Well… lahat naman imbitado, e.”

Isusulat din ba ni Kylie ang pangalan nito sa papel dahil baka makalimutan din ng Kapuso actress?

“Sa lahat. Para sa lahat ’yon. Isulat nila yung pangalan nila!” tawa ulit niya.

Kumusta naman ang takbo ng taping niya para sa Prinsesa ng Buhay Ko?

NEW PRODUCTION TEAM. “Exciting! Dahil bago yung production people sa amin. At pati yung direktor namin, si Direk namin na si Direk Dondon Santos, napakagaling.

“Tapos interesting yung story. Drama na comedy. Na medyo light.

“Pero matitindi yung mga situwasyon dito. Marami ang makaka-relate.

“And as an actor, kasi ang objective ko dito is… gusto ko lang maramdaman talaga yung pagmamahal ng isang tunay na magulang.

“As an actor, marami akong natututunan sa character ko... how to handle things.

“At saka… i-disiplina yung sarili. At saka disiplina sa trabaho.

“Kasi hindi naman lahat tayo e biniyayaan ng magulang na magmamahal talaga sa anak. Pero hindi rin naman ibig sabihin na lahat ng magulang gano’n.

“Wala rin naman sigurong mga magulang na hindi nagmamahal sa anak. May mga circumstances lang siguro na kailangang intindihin,” detalye pa niyang kuwento.

WORKING WITH RENZ FERNANDEZ. Sa muling pagtatambal nga nila ni Kris sa Prinsesa Ng Buhay Ko, si Renz Fernandez ang kanilang magiging ka-love triangle. First time lang nilang nilang magkasama sa trabaho pero madali daw na nakapalagayang-loob niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, oo! I’m so happy to be working with him.

“Si Renz Fernandez… wow, he’s a great guy! Sobrang humble.

“And… wala kaming hindi napapagkasunduan. Parang magkapatid na kami.

“Okay naman ang bonding namin. Yeah!

“Natutuwa nga ako dahil kumpara sa mga nagawa kong soap before, itong Prinsesa ng Buhay Ko, mas mature na. Mas matura na yung atake ng character namin dito.

“Kasi habang tumatagal, doon naman tayo papunta, e. Sa mas mature na roles.

“And that keeps me excited sa pagpu-portray ko ng aking character dito. Iba talaga,” panghuling nasabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN