Jodi Sta. Maria says Be Careful With My Heart movie is “definitely not the finale”

Ito ang komento ni Jodi Sta. Maria sa mga nagsasabing pinapahaba na lang ang istorya ng Be Careful With My Heart: “If others feel that way, wala naman tayong magagawa. We cannot please everybody. But we’re still getting good feedback galing sa ating mga audience, so we’re thankful. And as long as gusto pa tayo ng tao, ibibigay natin kung ano ang gusto nila.”


Kakaibang Jodi Sta. Maria ang nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 8, sa Powerplant Mall, Makati City.

Dito ginanap ang soft opening ng kanyang business na Happy Barn, at buong hapon ay isa si Jodi sa mga gumawa ng milkshake drinks para sa mga mamimili.

Kinausap ng PEP si Jodi sa gitna ng kanyang pag-aabala. Sinagot niya ang aming mga katanungan tungkol sa Be Careful With My Heart at iba pang mga isyu.

Thankful si Jodi na umabot na ng mahigit isang taon ang kanyang pinagbibidahang palabas sa telebisyon.

Sabi niya, “Umabot na tayo ng one year sa ere, and magkakaroon pa tayo ng movie. Happy kami na patuloy tayong tinatangkilik ng mga tao.”

Anong tingin niya sa mga nagsasabing tila pinahahaba lamang ang kanilang teleserye?

Sagot ni Jodi, “If others feel that way, wala naman tayong magagawa. We cannot please everybody.

"But we’re still getting good feedback galing sa ating mga audience, so we’re thankful.

"And as long as gusto pa tayo ng tao, ibibigay natin kung ano ang gusto nila.”

Tungkol naman sa Be Careful With My Heart movie para sa Metro Manila Film Festival, sinabi ni Jodi na baka sa dulo ng buwang ito ay magsimula na silang mag-shoot para rito.

Ngunit wala pang maibibigay na detalye si Jodi sa magiging kuwento ng pelikula. Ang masasabi niya lang ay hindi ito ang magiging katapusan ng kuwento nina Maya at Ser Chief (Richard Yap).

“Definitely masasabi ko na hindi siya finale, but I really can’t, don’t want to spill the beans right now,” pahayag niya.

"PASS MUNA." Samantala, umiwas naman si Jodi na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife.

“Puwede bang pass?” sabi niya, may halong biro.

Hindi rin niya nais magbigay ng pahayag tungkol sa pork barrel scam, kung saan nasasangkot si Senator Bong Revilla, ang ama ng kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know what, I really want to comment. Thank you very much. I hope you understand,” ang maikli niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN