Jeric Gonzales says if Dennis Trillo courts Thea Tolentino a step ahead: “Gagawa ako ng move para mas mauna ako!”

Kung sakaling sabay na manligaw sina Jeric Gonzales at Dennis Trillo kay Thea Tolentino, sinabi ni Jeric na may lamang naman siya. Ayon kay Jeric, “Alam ko rin naman na espesyal na rin ako kay Thea kahit papaano sa ngayon.”


Nasa legal na edad na ngayon si Jeric Gonzales sa pagtuntong niya ng 21 years old noong August 7.

Nausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric kung ano ang naging pagbabago sa kanya ngayong 21 na siya.

Saad niya, “Siguro hindi na ganoon kahigpit katulad dati, tapos mas nakakapagdesisyon na ako sa para sarili ko.

“Tapos, hindi na ako masyadong… although kasama ko yung parents ko sa bahay, yung guidance nila, parang puro advice na lang, hindi na sila masyadong nakikialam.

“Parang ako na yung... parang nasa age na talaga ako na ako na yung magdedesisyon, alam ko na yung tama at mali.”



INDEPENDENT. Ang iba naman, kapag 21 na, nagiging pasaway at matigas ang ulo. Magiging ganito rin kaya si Jeric?

Sagot niya, “Ay, hindi, kasi po talagang lagi akong guided ng parents ko po, e.

“Kaya nga kasama ko sila sa condo, yung napanalunan ko sa Protégé.

“Kaya gusto ko doon sila tumira, para talagang laging may piece of advice na natatanggap ako sa lahat ng ginagawa ko, kagaya sa work ko, para hindi ako mawala sa landas na gusto kong tahakin.”



SEXY AND DARING. At dahil nga 21 na siya, pagdating sa mga roles or projects, puwede na bang maging daring at magpa-sexy si Jeric?

Aniya, “Sa tingin ko po, hindi pa naman po ganoon kaano yung katawan ko, e.

“Kapapayat ko lang pero hindi pa ganoong ka-okay.

“Siguro po kung mabibigyan yung pakonti-konti kasi hindi ko po alam kung kaya ko na, e.

Papayag na ba siyang rumampa na naka-underwear o sumali sa Cosmo Bachelor Bash or ibang shows ng Bench?

Tugon ni Jeric, “Siguro po sa ngayon hindi pa po, siguro by next year, mga ganoon siguro, mga one year para po mas maganda.”

Ano ang wish ni Jeric noong nakaraang birthday niya?

Sabi niya, “Wish ko po talaga maging maganda yung work namin sa Pyra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, laging maganda yung samahan namin lalo na kaming magkakasama, lalo na kami ni Thea.”

Si Thea Tolentino ang lead female star at kapareha ni Jeric sa GMA-7 afternoon soap na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

“And then, siyempre good health sa family ko at sa lahat ng taong nagmamahal sa akin.

“And then, siyempre sa akin, good health and bigyan ako palagi ng guidance ni Lord.”



LIFE CHANGING. Limang taon ang kontrata ni Jeric sa Kapuso network.

Sabi niya “Kaka-sign ko lang po last August.”

Mas tumaas ba ang talent fee niya?

“Sa tingin ko po, sa tingin ko, sana, sana!” at tumawa si Jeric.

Kaya isa siyang loyal Kapuso sa susunod na limang taon.

Ano ang mga nabago sa buhay niya simula nang pumasok siya sa showbiz a year ago?

“Sobrang malaki po, kasi dati, college graduate ng Nursing, tapos ang dream ko talaga makapasa ng Board. Tapos, makapag-abroad.

"Pero since gusto ko rin yung pag-aartista, iyon, biglang nabago.

“And then, ayun, from province, nag-move kami sa city, tapos yung lifestyle namin, nabago.”

Kumusta ngayon ang pagtrato kay Jeric ng mga kababayan niya sa Calamba, Laguna?

“Ayun, sobrang naiba po, may mga nagpapapirma po [autograph], kaya nakakatuwa.

“Nakakatuwa po, kasi pinupuntahan pa ako sa bahay noong mga dating kakilala ko.”

Tungkol naman sa kanyang tinapos na kurso, sa ngayon ay hindi pa siya nakakapag-exam para makakuha ng lisensiya sa Nursing.

Nagtapos si Jeric ng naturang kurso sa Calamba Doctors’ College.

Sabi niya, “Sa ngayon, sa bahay, kapag wala po akong ginagawa, nagbabasa pa rin po ako.

“Nagre-review ako para hindi ko mapabayaan yung knowledge ko about Nursing.

“Pagka nabigyan ng chance, pag nakapag-review po ako, kailangan po kasi three months, e, bago mag-board.

“So iyon, pag nakapag-review po ako, ’tsaka ako magte-take.”



OTHER PLANS. Sa Sunday All Stars ay mainstay si Ruru Madrid na runner-up ni Jeric sa Protégé, pero si Jeric ay hindi nakasali sa SAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sumama ang loob ni Jeric?

“Noong una po, siyempre nalungkot, kasi galing po kaming Party Pilipinas, kasali kami doon, e, tapos nawala.

“Pero inisip ko na lang po na siguro may ibang plan sa amin ang GMA.

“Tsaka kami naman ni Thea ang wala, e, kaya okay lang.

“Kami yung partner, so inisip ko na lang na may ibang plans ang GMA sa aming dalawa na proyekto para hindi na kami isama doon, kaya ayun.”

Kahit sila nga ni Thea ang mga bida sa afternoon soap opera Pyra: Ang Babaeng Apoy, sa tingin ba ni Jeric ay si Ruru ang karibal niya sa popularidad?

Tugon niya, “Hindi, hindi naman po karibal, kasi parehas naman kami ng pinanggalingan, parehas Protégé.

“So kung anuman yung marating ng bawat isa, masaya kami at saka proud kami na kasama ko siya dati—sabay-sabay kami noon. So, blessed.”

Nakabili na si Jeric ng bagong kotse mula sa mga kinikita niya, isang silver na Innova.

Ano ang pakiramdam na nakabili na siya ng sarili niyang sasakyan?

“Masaya, masarap sa pakiramdam.

“Nagda-drive po ako pag wala namang schedule, pag walang trabaho, ako po yung nagda-drive.”

Madalas daw niyang naisasakay si Thea sa kanyang kotse.

“Inihahatid ko po siya sa condo niya, kasi minsan po, hindi siya nagdadala ng sasakyan kasi malapit lang naman po yung condo niya.”



SHOWBIZ CRUSH. Nabanggit na dati ni Thea na crush niya si Dennis Trillo. Ano ang masasabi ni Jeric dito?

Aniya, “Yung crush naman niya na iyon, paghanga talaga, e.

“Sa tingin ko, magaling naman talaga si Dennis kaya dapat niyang hangaan, maging crush.”

Hindi raw siya nagseselos kay Dennis. Paano kapag niligawan ni Dennis si Thea?

“Ay, iyon lang!”

Ano ang gagawin niya?

“E, di gagawa rin ako ng move para mas mauna ako!”

Ano sa tingin ni Jeric ang mayroon siya na wala kay Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kasi hindi ko siya kilala nang personal!” at tumawa si Jeric.

Ano naman ang lamang niya kay Dennis?

Pagmamalaki ni Jeric, “A, mas kilala ko na si Thea ’tsaka mas marami na kaming pinagsamahan, mas mahaba na.”

So kaya niyang makipagsabayan kay Dennis sa panliligaw kay Thea, kung sakali?

“Oo naman, oo naman.

“Alam ko rin naman na espesyal na rin ako kay Thea, kahit papaano, sa ngayon,” paniniguro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN