Thea Tolentino on possibility of crush Dennis Trillo courting her: “Hindi ko naman siya nakita na papatol sa mas bata.”

Ayon kay Thea Tolentino, inamin niya sa ka-loveteam na si Jeric Gonzales na crush niya si Dennis Trillo. Kuwento ni Thea, “Sa kanya ko nga po sinabi, kasi po siya yung kasama ko sa YES! [Most Beautiful Stars], hinahampas ko po siya! Tinatawanan niya ako, kasi para akong... iyon nga, kinikilig ako.”


Thea Tolentino turned 17 years old last August 13. Isang taon na lang ay isa na siyang ganap na babae.

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actress, naitanong namin kung may nagbago ba sa trato sa kanya ng mga magulang niya ngayong 17 na siya.

Pahayag ni Thea, “Mahigpit po sila, mahigpit sila.

“Meron po akong curfew, pero pag nagpaalam ako, tapos pumayag sila, ayun.”

Ano naman ang mga pagbabago sa kanya ngayong 17 na siya?

“May nagsabi sa akin na iyon, sa body structure, nagma-mature na rin daw.

“Tapos, ayun, parang ganoon pa rin, parang ganoon pa rin!” natatawang sabi niya.

Dagdag ni Thea, “Siguro ano... yung kasing sixteen, parang talagang high school age pa yun, e.

“Ngayong seventeen, talagang college life, mataas na yun, parang ganoon na yung mga bagay na mae-experience mo.”

Wala raw siyang manliligaw ngayon kaya hindi siya hinihigpitan ng kanyang mga magulang pagdating sa aspetong ito.

“Siguro magbabago iyon kapag eighteen na ako.”



FAMILY FRIEND. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa ka-loveteam niyang si Jeric Gonzales, naikuwento nito na naisakay na niya si Thea sa bagong sasakyan ng binata.

Pero kahit noon pa, madalas siyang ihatid ni Jeric gamit ang family car nila.

Ganoon na ba ang tiwala ng parents ni Thea kay Jeric?

Sabi ng dalaga, “Naging magkaibigan na rin naman po yung parents ko pati yung parents niya.

“Wala namang problema yung parents ko na sumama ako kay Jeric, tsaka hatid lang naman, e.

“Tsaka tingin ko, para sa side ng parents ko, parang mas okay na may mapapagkatiwalaan sila na doon ako sumasakay...

“Hindi yung kung kani-kanino ako sumasakay or kung saan-saan na puwedeng mapunta kung saang lugar, yung maligaw kami.”

Kapag inihahatid ni Jeric si Thea, may mga kasama naman daw silang iba.

“Tsaka iyon po, talagang hindi po ako pinapayagan ni Nanay na umalis ng condo na hindi siya kasama, yung P.A. [personal assistant] ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FIRE POWER. Si Thea ang bida sa aftrenoon series ng GMA-7 na Pyra: Ang Babaeng Apoy.

Kung tototong may kapangyarihan siya ng apoy, ano ang gagawin niya?

Tugon niya, “Una kong gagawin? Siyempre, hindi ko gagamitin sa masamang way yung apoy kasi siyempre, pati ako matatakot siguro din ako.

“Unang pumasok sa isip ko pagluluto, para mas mabilis makaluto kasi lagi akong gutom!” sabay-tawa niya.

Bago ini-launch si Thea sa Pyra, unang binigyan ng solo project si Kim Rodriguez via Kakambal Ni Eliana.

Hindi ba nagtaka o nagtampo si Thea since siya ang female winner ng Protégé, kung saan si Jeric naman ang male winner?

Tugon niya, “Hindi naman po, hindi po.

“Si Kim naman po, matagal na siya, nag-Tween Hearts siya, tapos sa ibang shows.

“Tsaka ano, e, years na rin siya dito, di ba? Kami, kakapasok lang namin last year.

“At parang siyempre mapapansin din noong GMA na may potensiyal na ito talaga si Kim Rodriguez.

“Tsaka mas una siyang nahasa kesa sa amin.

“And talagang magaling siya kaya binigyan na siya ng break.”



ON DENNIS TRILLO. Sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 event ay dumalo pareho si Thea at ang crush niyang si Dennis Trillo.

Naikuwento ni Thea sa PEP na narinig mismo ng bidang aktor ng My Husband’s Lover na crush niya ito.

Aniya, “Nasa likod ko po siya, nadinig niya, tapos tinap [tapik] niya ako sa likod, sabi niya, ‘Uy, thank you!’

“Napaganoon lang ako, tapos kinikilig na ako.”

Ano ang nagustuhan niya kay Dennis?

“Yung akting niya, ang galing niya sa pag-akting and siyempre, guwapo si Kuya Dennis.”

Nanonood daw siya ng My Husband’s Lover kapag wala siyang taping.

Alam din daw ni Jeric na crush niya si Dennis.

“Sa kanya ko nga po sinabi, kasi po siya yung kasama ko sa YES!, hinahampas ko po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinatawanan niya ako, kasi para akong... iyon nga, kinikilig ako.

“Iba yung dating niya, e,” pagtukoy pa rin ni Thea kay Dennis.

Given a chance, ikatutuwa raw ni Thea kung makakapareha niya si Dennis sa isang project.

“Feeling ko, talagang madadala ako sa kanya tsaka madami akong matututunan sa kanya.”

Kung ligawan siya nito?

“Parang, ‘Talaga?’

“Magugulat, kasi parang hindi ko naman siya nakita na papatol sa mas bata.

“E, kasi, parang ang nasa isip ko talaga na siyempre, ang hahanapin ng ganoong age, yung mga mature na talaga mag-isip...

“Hindi yung… ako, nene pa ako talagang mag-isip,” sabi ni Thea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN