Max Collins on why she and Benjamin Alves did not become an item: "Hindi po kami bagay."

Mas mahirap daw para kay Max Collins ang drama kumpara sa comedy. Paliwanag niya, “Mas mahirap yung sa soap, mas mabigat talaga po. I mean, hindi po ako funny, so mahirap din sa akin yung comedy. Pero mas maraming pressure pagdating sa soap o sa drama dahil kailangang pag-aralan mo talaga yung story at background ng character.”


Masaya raw ang Kapuso actress na si Max Collins sa takbo ng career niya ngayon.

Regular siyang napapanood sa weekly musical-variety show na Sunday All Stars at maging sa morning series na With A Smile. Kasama rin siya sa gag show na Bubble Gang.

“Sunud-sunod naman po ang trabaho ko kaya nagpapasalamat ako sa GMA,” sabi ni Max nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, September 8.

Una siyang nalinya sa pagganap ng serious roles. Hindi ba naging mahirap para sa kanya na napapasabak din siya sa comedy ngayon sa Bubble Gang?

Sagot ni Max, “E, refreshing din naman kasi siya, para maiba naman.”

Alin ba ang mas mahirap para sa kanya—drama o comedy?

“Mas mahirap yung sa soap, mas mabigat talaga po.

“I mean, hindi po ako funny, so mahirap din sa akin yung comedy.

“Pero mas maraming pressure pagdating sa soap o sa drama dahil kailangang pag-aralan mo talaga yung story at background ng character.”



SEXY PICTORIAL. Sinasabing isa si Max sa pinakamagandang aktres sa Pilipinas ngayon, and a lot find her sexy and irresistibly charming.

Posible kaya siyang ma-convince din na maging cover girl ng isang men’s magazine, like FHM?

“Hindi ko naiisip ang tungkol dun,” nangiting sabi niya.

“Kasi po ang career path na gusto ko ay yung maging isang dramatic actress.

“So, sa ngayon po, ayokong baguhin yung path na ‘yon.

“Kasi baka kung mag-pose ako, baka umiba ang image ko.”

Pero may mga drama actresses naman na may pagka-sexy rin ang image, gaya nina Marian Rivera, Angel Locsin, at iba pang naging cover girl din ng FHM.

Sabi ni Max tungkol dito, “A… siguro sa future po. Kapag na-establish na po ako bilang isang dramatic actress.

“Or kapag feeling ko handa na po ako. And then it’s the next step.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro iyon po ang sunod na step.”

It’s been seven years since the time na nag-artista siya. Pero last year lang siya nabigyan ng big break bilang anak ni Lorna Tolentino at girlfriend ni Dingdong Dantes sa primetime series na Pahiram Ng Sandali.

Paliwanag ni Max dito, “Pabalik-balik kasi po ako sa U.S. at sa Pilipinas kaya siguro iyon ang naging hindrance.

“At saka… kasi nung lumipat po ako from Star Magic to GMA at sa PPL ni Kuya Perry [Lansigan, her manager], talagang inalagaan po nila ako.”



LOVELESS. Nangiti lang naman ang dalaga nang mausisa tungkol sa current status ng kanyang lovelife.

Aniya, “Sa ngayon, wala po. Tahimik.

“Medyo matagal nang wala. Yung last boyfriend ko, naghiwalay po kami last year.”

Si Benjamin Alves ba ang tinutukoy niya? Last year kasi ay napabalitang nagkakamabutihan sila, pero hindi nagtagal ay bigla ring nawala ang sinasabing magandang pagtitinginan nila.

Tanggi ni Max, “Ay, hindi po!

“Ka-date-date ko lang si Benjamin, pero never pong naging kami.

“Non-showbiz po yung sinasabi kong last boyfriend ko.”

Pero bakit naging usap-usapan noon nagkaroon daw sila ng relasyon ni Benjamin? May intriga pang may nadiskubre raw si Max na ikina-turn off niya raw sa aktor na pamangkin ni Piolo Pascual?

“Hindi... Kasi noon po, mag-loveteam kami,” sabi ni Max.

Ang tinutukoy niya ay ang remake ng Korean romance-comedy na Coffee Prince, kung saan pangunahing tampok sina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

“Parang dun nagsimula yung friendship namin. Naging close kami nung time na ‘yon.”

Na-realize ba niya na hindi sila magka-match ni Benjamin? Na hindi ang aktor ang tipo ng guy na pupuwedeng maging boyfriend niya?

“Parang gano’n. Hindi po kami bagay,” pag-amin ni Max.

Bakit sa tingin niya ay hindi sila bagay maging magkarelasyon?

“Hindi ko po… basta I think na ano… pang-friend lang po siya. Opo, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang mga katangiang hanap niya sa isang lalaki para masabing boyfriend-material ito para sa kanya?

“Perfect! Hindi… etchos lang!” sabay tawa ni Max.

“Kailangan maalaga, mapagkumbaba, mabait.

“At saka guwapo, charming, at saka funny. Iyon ang gusto ko.”

Hindi ba’t parang na kay Benjamin naman ang karamihan sa katangiang nabanggit niya?

“Well…” natawang sabi na lang ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN