Ken Chan will not stay away from Bea Binene because of bashers: "Masaya ako kay Bea kaya hindi ako magpapapigil."

Tanggap daw ni Ken Chan na may nag-iisip ng hindi maganda tungkol sa pagiging malapit niya kay Bea Binene, na kesyo ginagamit lang daw niya ang teen actress para sumikat. Ngunit pahayag ni Ken, “Wala akong magagawa dahil hindi ko naman sila maisa-isang kausapin at masabi sa kanila kung ano ang totoo. Naiintindihan ko sila, lalo na sa fans, hindi mawawala yun."


"Ang totoo ay masyadong malapit kaming magkaibigan ni Bea. We’re just having fun."

Ito ang sagot ni Ken Chan nang alamin sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang totoong estado ng relasyon nila ngayon ni Bea Binene.

Marami kasi ang nag-aakalang silang dalawa na dahil sa nakikitang closeness nila, maging ang kapwa pamilya nila. Huwag nang banggitin pa ang palitan nila ng sweet nothings sa kani-kanilang Twitter posts.

Pero ayon kay Ken, "Masaya kami sa mga ginagawa namin and, yes, honestly, lumalabas kami ni Bea.

"Yung hobbies kasi naman ay halos pareho, e—like bowling, swimming, magpa-spa—and we’re jsut having fun, I think.

"Pero si Bea, kahit noong sila pa ni Jake [Vargas], ganun na siya makitungo sa tao—hindi lang sa akin kundi maging sa iba.

"Nagkataon lang po na nag-break sila at napadalas kaming lumabas kaya nami-misinterpet ng mga tao."

Ibig ba nitong sabihin ay may basehan ang pagseselos sa kanya noon ni Jake? Naiulat kasi na isa siya sa pinagselosan ni Jake noon kay Bea.

Pahayag ng Walang Tulugan mainstay, "Opo, aware naman po ako dun.

"Kaya sabi ko kay Bea, ‘Ituloy lang natin kung saan tayo masaya. Kung alam naman natin sa isa’t isa na wala tayong tinatapakang ibang tao o wala tayong nasasaktan, just go on.’"

Nagpapansinan naman daw sila ni Jake sa set ng Walang Tulugan With The Master Showman during taping days.

"Oo naman," sabi ni Ken.

“We’re professional people naman kaya walang dahilan na hindi kami magpansinan.

"Tsaka, nanggaling naman sa kanya na nakapag-move na siya. So, walang problema sa aking dalawa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa mall show nila ni Bea sa sa SM Clark, Pampanga kahapon, September 8.

IS HE COURTING BEA? Diretsuhang tanong: Pinupormahan ba niya si Bea?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng 20-year-old actor-singer, "Hindi po. Kung in-invite ko siya o kung tinatanong ko siya kung free ba siya sa ganitong araw, lumalabas kami.

"Hindi ko pa alam [kung manliligaw ako]... hinayaan ko lang muna ang mga sitwasyon.

"Basta alam kong masaya at walang dapat pigilin.

"Pero, I really like her. She’s very beautiful, mabait siya, talented, at napakaresponsableng anak.

"At saka yung mga ginagawa niya sa GMA Foundation, sinasamahan ko siya kasi nakaka-inspire talaga siya.

"So, hinahangaan ko siya."

Aminado naman si Ken na attracted talaga siya sa 15-year-old actress, pero aware din siya sa reaksiyon ng ibang mga tagahanga.

May nangba-bash na nga raw sa kanya at sinasabihang ginagamit lang daw niya si Bea para sumikat.

Saad ni Ken, "May bashers nga po ako. Kung anu-ano ang mga nababasa ko.

"Sa akin naman, kung yun ang nasa isip o yun ang tingin nila, rerespetuhin ko yun.

“Wala akong magagawa dahil hindi ko naman sila maisa-isang kausapin at masabi sa kanila kung ano ang totoo.

"Naiintindihan ko sila, lalo na sa fans, hindi mawawala yun."

Naaapektuhan ba siya o pinanghihinaan ng loob dahilan upang tapusin niya ang pagiging magkaibigan nila ni Bea?

Mariing sagot ni Ken, "Hindi po... hindi po.

“To be honest, hindi talaga ako naapektuhan.

"Siguro, kung bagung-bago pa lang ako sa showbiz, sobrang maaapektuhan ako.

“Kaya, nasanay na rin ako sa mga komento at sinasabi ng ibang tao.

"Noong una, nakakapanghina talaga ng loob, pero nasanay na rin ako sa galaw dito sa showbiz.

“In time, maiintindihan at mai-immune ka na lang tungkol sa negative issues.

"Kaya ngayon, kaya ko nang harapin ang negative issues na ibinabato sa akin."

Dugtong pa niya,"Si Bea, siyempre, isa siya sa priorities ko ngayon bukod sa work and my family.

"Sa showbiz , siya talaga ang pinaka-close ko.

"Hindi ako gaanong nagkaroon ng friends mula nang pumasok ako sa showbiz, pero now, masasabi ko na siya talaga ang pinakamalapit sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta raw masaya siya sa isang tao ay mahirap siyang mapigilan.

"Tototo ’yan. Basta masaya ako, hindi ako magpapapigil.

"Masaya ako kay Bea kaya hindi ako magpapapigil.

"Pero kung iniisip n’yo na papasukin na namin ang isang mas malalim na relationship, sa palagay ko, mas marami ang mababago.

"Baka pag halimbawa naging kami, doon na magkakaroon ng misunderstandings, miscommunication, mag-aaway na...

"Kaya mas okay ngayon na ini-enjoy muna namin ang aming company.

“We’re having good fun and clean fun."

GIRLFRIEND-MATERIAL. Sa palagay ba niya ay girlfriend-material si Bea?

"Sobra... sobra!" bulalas niya.

"Nasabi ko na nga kanina na kahit sino mang lalaki ay magkakagusto sa kanya.

"No doubt na kahit sino ay gusto siyang maging girlfriend kasi nga sa qualities na meron siya."

Nasaan ang puso niya ngayon?

Sagot ni Ken, “Nasaan ang puso ko ngayon, except sa family ko at sa God? Ano... na kay Bea."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN