Edu Manzano on son Luis’s success as TV host: "May pinagmanahan!"

Anim na taon nang hindi napapanood si Edu Manzano bilang isang aktor dahil nag-concentrate siya sa pagiging TV host. Pero mapapapayag daw siyang bumalik sa pag-arte kapag may magandang role sa isang indie film.


Matagal nang hindi napapanood sa isang teleserye o sa isang pelikula ang actor-TV host na si Edu Manzano.

Inamin ni Edu na siya na ang tumatanggi sa offers na gumawa ng teleserye o pelikula.

Huli siyang napanood bilang aktor sa ABS-CBN drama series na Walang Kapalit noong 2007. Ang mga huling pelikula naman niya ay Ang Tanging Ina at The Cory Quirino Kidnap: NBI Files na parehong ginawa niya noong 2003 pa.

Kaya for the past six years ay nag-concentrate si Edu sa paghu-host ng morning shows at game shows tulad ng Good Morning Club, Unang Hirit, Umagang Kay Ganda, 1 vs. 100, Pilipinas Game KNB?, Asar Talo... Lahat Panalo!, Family Feud: The Showdown Edition, Kapamilya Deal Or No Deal, at Game N Go.

Katuwiran ni Edu, mas gusto niya ng mabilisang trabaho. Ayaw na raw niyang napupuyat at abutin ng madaling-araw sa taping at shooting.

Saad ng 57-year-old TV host-actor, “Kapag gumawa ka kasi ng teleserye, parang iyon na lang ang buhay mo for the next three months.

“Three times a week ang taping tapos aabutin pa kayo ng umaga sa set.

“Para sa akin, nagiging unproductive ako the next day kasi pagod na pagod ka, and then you have to prepare again for the next taping.

“Nagiging cycle na iyon and for me—napaka-unhealthy for someone sa edad ko.

“But don’t get wrong. Hanga ako sa mga actors na kaedad ko or mas may edad sa akin na kaya ang ganyang work schedule.

“Siguro may mga taong built for that kind of work. Mas kaya ng katawan nila kumpara sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng “Weekend Do It Better” shows ng TV5 sa Megatrade Hall ng SM Megamall noong Linggo, September 8.

QUALITY TIME WITH HIS CHILDREN. Ipinagpapasalamat naman ni Edu na sa anim na taong hindi siya tumanggap ng teleserye o pelikula, mas natutukan niya ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral at sa araw-araw nilang gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon naman ang thankful ako dahil mas marami akong na-spend na quality time with my kids.

“Nagawa kong ihatid pa sila sa school, mag-out of town at mag-out of the country trips kami.

“All those things na before ay hindi ko magawa when I was doing TV dramas and movies.

“At least nakita ko ang paglaki nila and that makes me a very proud parent.”

Sobrang proud din si Doods sa pagiging sought-after TV host ng kanyang panganay na si Luis Manzano, anak niya sa dating asawa na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

“Luis is doing very well sa kanyang career and ano pa ba ang masasabi ko? May pinagmanahan!” sabay tawa ni Edu.

“I always tell Luis to always stay sharp, never lose that confidence but always be grounded—feet always on the ground.

“Actually pareho naming pangaral ‘yan ng mommy niya. Despite of his success, parating maging humble and learn to share your blessings.”



INDIE FILMS. Open naman daw si Edu na gumawa ng indie films dahil sa dami ng magagandang indie films na pinu-produce ngayon.

Sabi niya, “I want to give it a try.

“I’ve read so many things about these indie films na dinadala sa iba’t ibang film festivals abroad at hinahangan sila.

“Tulad na lang nitong OTJ ni Direk Erik Matti. I saw it at nagandahan ako. Nakakagawa na pala tayo ng ganyang mga pelikula ngayon.

“Then there’s this one titled Above The Clouds na bida sina Pepe Smith and Ruru Madrid. It’s directed by Jose ‘Pepe’ Diokno and financed by a French producer.

“Ang galing kasi ibig sabihin ay nagtitiwala ang ga foreign producers sa mga local directors and artists natin.

“Kung may magandang role sa isang indie, I am ready to try it out and get back to acting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW TALK SHOW. Sa ngayon ay sisimulan na ni Edu ang kanyang bagong talk show sa TV5 titled What’s Up Doods?, na bahagi ng bagong weekend programs ng Kapatid network.

Sa September 14 na magsisimulaa ang What’s Up Doods?.

Kasabay nito ang pagsimula rin ng mga programang Who Wants To Be A Millionaire ni Vic Sotto; Tropa Mo Ko Unli with Ogie Alcasid, Gelli de Belen, and Wendell Ramos; Wow Mali Pa Rin with Joey de Leon and Mr. Fu; Killer Karaoke with Michael V.; Pinoy Explorer with Aga Muhlach; Showbiz Police with Cristy Fermin, Lucy Torres-Gomez, Raymond Gutierrez, and Jose Javier Reyes; at The Mega and the Songwriter with Ogie and Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN