Ryan Agoncillo on next career plan: "Things are looking good for me and GMA right now..."

Wala pang katiyakan kung saang network pipirma ng kontrata si Ryan Agoncillo ngayong tapos na ang kontrata niya sa TV5. Kagagaling lang kasi sa karamdaman ng TV host-actor kung kaya’t hindi pa siya nakakapag-meeting sa mga TV station na may offer sa kanya.


Thankful si Ryan Agoncillo na nalagpasan niya ang mahirap na stage ng pagkakasakit ng dengue na sinundan pa ng pneumonia.

Mabuti na lang daw at nagkasakit siya pagkatapos na ng grand finals at farewell episode ng Talentadong Pinoy.

Dahil nga sa kanyang pagkakasakit ay ilang linggo na rin siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga!.

Kuwento ni Ryan, “Nung nagka-dengue ako, nagkaroon ng complications, nagkaroon ako ng pneumonia.

“Kaya hindi pa rin ako makabalik sa Eat Bulaga! kasi medyo hinihingal pa.

“So far, so good, getting there. Bumawi ng pahinga.

“Mabuti na nga lang walang nasagasaang trabaho. Nakabalik na akong magbisikleta ng konti.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan kagabi, Setyembre 9, sa Goldilock’s Megamall, bago kami tumuloy sa premiere night sa SM Cinema 7 ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?.

Ang naturang pelikula ang film entry ni Direk Jose Javier Reyes sa Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition.



VACATION. Dahil sa pagkakasakit ni Ryan ay naudlot ang planong bakasyon nila ng asawang si Judy Ann Santos. Pero balak pa rin daw nila itong ituloy.

Sabi ni Ryan, “Mukhang matutuloy naman, napag-usapan namin kanina.

“Hopefully we get bookings by the end of September. Kasi yung gusto naming puntahan, medyo mahirap i-book.”

Saan ba ito?

“Beach lang, dito lang sa Pilipinas. Just for the weekend, balikan lang din.”



CAREER PLANS. Inusisa rin ng PEP kay Ryan ang plano niya at ng kanyang manager na si Noel Ferrer para sa kanyang career ngayong natapos na ang commitment niya sa Talentadong Pinoy.

Bago pa kasi nag-grand finals ang naturang talent show ay natapos na ang kontrata ni Ryan sa TV5.

Matatandaang sinabi ni Ryan na pagkatapos ng grand finals ng Talentadong Pinoy ay saka siya magsasalita tungkol sa kanyang mga plano. Ano na ang development?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 34-year-old TV host-actor, “Yun nga sana ang pagmi-mitingan but I haven’t been attending meetings [dahil sa pagkakasakit ko].

“I think this week we’re meeting up with our bosses either from GMA or TV5 or ABS.

“Hindi ko pa alam, e, pero meron kaming meetings na naka-lineup.

“Ngayon lang talaga ako lumabas ng bahay, e. So we will find out within the next few days.”

So, yung tatlong malalaking stations, siguradong may offer sa kanya?

“I know for sure GMA has an offer. TV5 express interest also. ABS…” biglang bumaling si Ryan sa kanyang manager at nagtanong, “ABS, meron ba?”

Ayon naman kay Noel, “It’s a floating thing which is dependent on Juday. So, let’s wait for Juday’s decision.”

Bawi ni Ryan, “We want to make our own decisions first before… pero si Juday, hindi pa rin malinaw yung sa kanya, e.

“So, hopefully this week, malinaw na. Although the talks with GMA are firming up.

“I’m really excited to make a comeback. Whether it’s gonna be exclusive or not, it remains to be decided.”

Hindi naman ibig sabihin na kung nasaan si Juday ay doon din siya?

“No, no,” tanggi ni Ryan.

“Actually, yun yung medyo nakakaano… nakaka-excite because we’re making decisions right now independent of each other.

“But also, we have to be careful because there’s also a lot of opportunities for us to work together and ayaw naming i-risk yung opportunity na hindi maganda yung chance.

“Kasi the last time we worked together was two years ago.

“Pero maganda rin kasi yung takbo ng individual careers namin, so gusto naming magtulungan."

Totoo bang may offer ang isang network na isang show na magkasama sila?

“Yun nga, e, depende kay Juday. Kung ano yung desisyon niya, hihintayin muna namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Napag-alaman ng PEP na mananatili sa ABS-CBN si Judy Ann at nakatakda siyang pumirma ng panibagong kontrata rito bukas, September 11.)



WHERE RYAN’S HEART IS. Pero kung siya ang tatanungin, nasaan ang puso niya?

“Na kay Juday!” sabay tawa ni Ryan.

“Yung puso ko… ang loyalty ko siyempre nandun sa trabaho ko whereever I may go.

“I think it’s been a long time that I have nurtured good relationships with the stations where I’m comfortable na sabihin na kung saan maganda yung trabaho, doon ako.

“Kasi maganda yung track record ko sa tatlong stations, so really, who comes up with an offer that’s beneficial for me now and something na maganda yung ipapakita ko…

"Siyempre ayaw naman natin na after five years ng successful run ng Talentadong Pinoy, e, malasado yung next project.

“That’s why things are looking good for me and GMA right now because maraming opportunities, pipiliin lang talaga kung alin yung mas beneficial.”

Sinasabing baka ibalik ang Talentadong Pinoy. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Well, hopefully, they do. You know, I think that show deserves to take a break for now, pahinga muna.

“And we’ll see, sana pagbalik mas maganda, di ba, whether it’s with me or not.”

Malaking consideration ba sa kanya kung io-offer ulit sa kanya ang Talentadong Pinoy?

Saad ni Ryan, “Malaking consideration siyempre yung working conditions kasi ano, e… at saka yung mga kasama.

“Kasi yung Talentadong… pamilya ng five years, hindi naman yun five years lang iyan, e.

“Even before that, magkakasama na kami sa Philippine Idol.

“So, if I would make a decision to bring the show back, I would like to work with the same people.

“Pero siyempre wala naman sa akin yun, e. We’ll see in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN