Sam Milby keeps lips sealed on his "panliligaw" to Jessy Mendiola

“Everyone was looking great. Of course, Jessy also was looking gorgeous. Kahit ano’ng damit niya, kahit simple, kahit glammed up, she’s beautiful. Kahit may makeup, kahit wala, maganda siya,” Sam Milby says about Jessy Mendiola at the Star Magic Ball.


Bagamat hindi sabay na naglakad sa red carpet, nakita namang magkasama sina Sam Milby at Jessy Mendiola sa fashion show na bahagi ng Star Magic Ball.

Dahil sa pag-amin ni Sam na nililigawan niya si Jessy, inabangan ang kanilang pagdating sa taunang Star Magic Ball na ginanap noong Sabado, September 7, sa Fairmont Hotel, sa Makati City.

Subalit, di tulad ng inaasahan ng karamihan, magkahiwalay na dumating ang dalawang Star Magic talents.

“That night, we decided to just walk alone,” ani Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang story conference ng pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel kaninang hapon, September 10.

Hindi man sabay na dumating sa okasyon, sabi ni Sam, “Nagkasama naman kami sa [party].

“We’re all Star Magic family, we’re all together naman inside.

“Actually, magkatabi kami sa part ng fashion show.”

Itinanggi naman ng 29-year-old actor na todo-bantay siya sa 20-year-old na aktres noong gabing iyon.

Depensa ni Sam, “Lahat kami umiikot-ikot. Hindi ko naman gagawin ‘yon.

“But everyone knows na I announced I’m making ligaw sa kanya.

“I wanted to stay around her after the party, I wanna be around her. Hindi naman sa binakuran ko siya.”

Ayon pa sa binansagang "Rockoustic Heartthrob," wala siyang karapatan para pigilan ang ibang lalaki na makalapit o manligaw sa lead star ng Maria Mercedes.

Aniya, “You know, Jessy and I are not together.

“Of course, I could not stop any guy from courting her or getting near or anything.

“Ako, as a guy courting her, I just show my interest.

“Me being around her, it’s not just pinupuri ko siya, it’s just to show na ‘yon nga, ‘I’m making ligaw to you.’

“I just wanna be around her.”

Samantala, tikom na ngayon ang bibig ni Sam tungkol sa panliligaw niya kay Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng singer-actor, “You know I already admitted na nililigawan ko siya.

“But in terms of other details, it’s something I can’t really tell.

“Okay na. I’ve said na what I needed to say and people know na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN