Manny Pacquiao and Kris Aquino take the MRT to avoid traffic; Sharon Cuneta stranded due to heavy rains

Upang makaiwas sa sobrang traffic ay nagdesisyon ang Presidential sister na si Kris Aquino at si Sarangani Congressman Manny Pacquiao na sumakay ng MRT sa kasagsagan ng malakas na ulan kanina.


Libu-libong commuters ang na-stranded kaninang bandang alas-sais ng gabi, September 10, sa EDSA. Ito ay bunsod ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan na nagdulot ng baha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Dahil walang masakyang mga bus, ang ibang commuters ay naglakad mula Ayala hanggang Buendia makatiyempo lamang ng masasakyan pa-Southbound.

Ang iba naman ay nakipagsapalaran mula Buendia hanggang sa Guadalupe at Boni Avenue.

Nang mapadako ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Buendia MRT Station, naabutan namin ang maraming mga pasahero na nagsisiksikan.

Ang iba ay para makasakay sa MRT, pero ang iba ay para masilayan ang Pambansang Kamao at Sarangani representative na si Manny Pacquiao.

Sa pagtatanung-tanong ng PEP, nandun nga raw si Manny sa isang pilahan ng tren.

May nakita rin ang PEP na TV crew na may kinukuhaang tao na nakapila, pero hindi malinaw kung si Manny ito.

Sa Instagram, nakumpirma ng PEP na sumakay nga ang Pambansang Kamao sa MRT.

Sa post ni @prinsesabea, makikitang nakangiti si Manny habang nakatayo sa loob ng MRT train.

May caption ito na: “Manny pacquiao sa MRT! Believe it or not, may kasama siyang pulis and camera crew. Akala ko kalokalike pero siya talaga! Megeeed!”

May hashtag itong #MannyPacquiao #MRTExperience #Reality.

KRIS ALSO TAKES THE MRT. Hindi rin exempted ang TV host-actress na si Kris Aquino sa pagiging stranded dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Dahil sa kagustuhang makaabot sa pupuntahang event ay nagdesisyon ang bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino na bumaba ng kanyang kotse at mag-MRT na lamang.

Nag-post si Kris ng dalawang larawan sa kanyang Instagram account (@krisaquino214) na kuha mula sa kanyang pagsakay sa tren.

Una ay ang larawan niya kung saan nag-aabang siya ng tren kasama ng iba pang commuters. May caption ito na: "MRT! Habol sa Lucky Me event!"

Pangalawa ay sa loob na mismo ng tren kasama ang ilang pasahero. May caption dito si Kris na: "Me on the MRT. Made it to the awarding ceremony... People were so NICE. What a memorable experience!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE MEGASTAR. Samantala, sa kanya namang Twitter account ay sinabi ng Megastar na si Sharon Cuneta na tatlong oras siyang na-stranded dahil sa traffic.

Aniya, “Am just about to have dinner. Spent more than 3 hrs. in traffic. Thank God I was able to sleep cos now I’m sick. My driver & bodyguard are coughing too. Direk Joel lost his voice & also wasn’t feeling well. Praying for the many people I saw in the streets – they must be stranded & unable to get home. Hope u are all okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN