The PEP List 2013: Kim Chiu fears losing her fame

Si Kim Chiu ay nominado sa Female TV Star of the Year category ng PEPsters’ Choice 2ndquarter. Maaaring bumoto via www.pep.ph/pep-list

Click here to see Kim Chiu’s latest video


“Strike while the iron is hot.”

Ito ang tinuran ni Kim Chiu nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa recent achievements niya.

Naniniwala ba siya sa kasabihang kapag hindi raw suwerte sa pag-ibig ay suwerte sa career?

“Hindi naman siguro,” sagot ng 23-year-old actress.

Aniya, hindi lang niya sinasayang ang mga pagkakataong ibinibigay sa kanya.

“Sige, tanggap lang nang tanggap; go lang nang go!”

Recently ay ipinagkaloob kay Kim ang kanyang first acting award, ang Best Television Drama Actress mula 3rdEdukCircle Awards para sa kanyang pagganap sa Ina Kapatid Anak.

Big winner din ang aktres sa PEPsters’ Choice 2013 1stquarter.

Napanalunan niya ang Female Newsmaker of the Year, Female TV Star of the Year, Celebrity Couple of the Year (with Xian Lim), at ang Teleserye of the Year para sa Ina Kapatid Anak.

Para naman sa 2ndquarter ng PEPsters’ Choice 2013 ay nominado muli si Kim para sa Female TV Star of the Year category.

(Para makaboto ay bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list )

Ano naman ang pakiramdam ng former Pinoy Big Brother Teen Edition big winner sa mga parangal na natanggap niya?

Sabi ni Kim, “Siyempre pag nakatanggap ka ng award, masaya.

"Parang nakakaiyak na nakakatuwa, kasi parang sobrang effort ka [sa pag-arte]… iyak ka nang iyak.

"Parang ang daming nangyari sa Ina Kapatid Anak and, yun, sobrang masaya ka kasi nakatanggap ka ng award and masarap sa pakiramdam."

Lubos din ang pasasalamat niya sa pagsuporta ng kanyang fans dahil ang basehan sa PEPsters’ Choice ay ang boto ng mga tagasuporta ng mga artista.

“Wow, parang yun na lang masasabi ko,” ngiti ni Kim.

“Siyempre sa mga fans, sobrang nagpapasalamat ako kasi when I started [in] showbiz, nandiyan na sila para suportahan ako.

“Kahit ano’ng ginagawa ko, mapa-mall show man o taping, dadalaw sila.

"Basta kahit saan ako pumunta, meron talagang may hawak ng ’Kim’ banners and sobrang naa-appreciate ko ang ginagawa nila para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasama sila sa journey ko dito sa showbiz industry. Kung wala sila, wala rin ako dito.”

Tanggap ni Kim na mabilis ang ikot ng mundo ng showbiz, kagaya ng pagdating ng mga bagong artista na nais sumikat.

Isa si Kim sa mga pinakasikat na artista ngayon. May takot ba siyang malaos?

“Kahit naman sino natatakot,” pag-amin niya.

“Kaya sa lahat ng ginagawa namin, ibinibigay namin yung best namin and keep ourselves clean para hindi kami ma-judge ng mga tao, ‘Ay, ganito pala siya, ganyan.’

“Basta ibinibigay lang namin yung best sa lahat ng trabaho na ibinibigay sa amin.”

May threat ba sa kanya sa tuwing may bagong pasok na artista?

Sagot ni Kim, “Sa showbiz naman, people come and go, parang bigyan naman sila ng chance to shine on their own, since kami nabigyan na rin kami ng limelight.

“Pana-panahon lang ‘yan. Siya muna ngayon, kami naman bukas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN