Dennis Trillo returns to Cosmo Bachelor Bash after eight years

Walong taon na ang nakalilipas mula nang unang mapasama sa listahan ng Cosmo Men ang Kapuso hunk na si Dennis Trillo, at ngayong taon nga ay napabilang muli siya sa talaan. Sabi ni Dennis tungkol dito, "Parang first time pa rin kasi sobrang tagal na rin yun. Sobrang tagal na kaya yun. At tulad ng sinabi ko, suwerte. Ilan lang ang pinipili, tapos napasali pa kami.”


Kasama si Dennis Trillo sa Top 10 Centerfolds ng Cosmo Men 2013.

Kabilang din sa listahan sina Aljur Abrenica, JC de Vera, Matteo Guidicelli, Rayver Cruz, Sam Concepcion, Sam Adjani, Vince Ferraren, at ang cover boys na sina Alden Richards at Tom Rodriguez.

Kinumpirma na ni Dennis ang kanyang pagdalo sa Cosmo Bachelor Bash 2013 na gaganapin sa September 24, Martes, sa World Trade Center.

Pag nagkataon, ito na ang ikalawang pagrampa ni Dennis sa tanunang event na ito ng Cosmopolitan magazine. Ang una ay noong 2005 pa.

Ayon sa Kapuso actor, “Masaya ako na nandito ako ulit.

“Although, parang first time pa rin kasi sobrang tagal na rin yun. Sobrang tagal na kaya yun.

“At tulad ng sinabi ko, suwerte. Ilan lang ang pinipili, tapos napasali pa kami.”

Wala raw isyu kay Dennis kung sina Tom at Alden man ang nasa cover ng Cosmo Men this year.

Sabi niya, “Never namang naging isyu sa akin ang mga ganyang bagay.

“Ako yung artistang walang pakialam sa mga ganyan.

“Basta yung napasali ako dito, kuntento na ako. Masaya na ako. Okay na yun.”



DENNIS’S LOVELIFE. Kasabay ng tagumpay ng pinagbibidahang teleserye ni Dennis sa GMA-7, ang My Husband’s Lover, ay ang pagsikat din ng “loveteam” nila ni Tom Rodriguez—ang TomDen.

Pero kumusta naman kaya ang estado ng totoong lovelife niya?

“Wala,” mabilis na sagot ng 32-year-old actor.

“Tahimik at mas masaya ako ng ganun.

“Sa tingin ko, ito lang ang kaya kong i-handle sa ngayon kaya medyo maayos ang takbo ng career ko.”

Hindi ba niya nami-miss na may girlfriend?

Sagot ni Dennis, “Nakaka-miss siyempre, pero nakaka-miss din ang ganitong pakiramdam na minahal ako ng mga tao.

“Importante sa akin ngayon yun kesa magmahal ako ng isa lang.”

Biro naman namin sa Kapuso actor, parang nakakapanibago na wala siyang lovelife.

Nakangiting sabi niya, “Ganoon talaga, e. Minsan meron, minsan wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong pilitin. Mag-iisang taon na rin siguro na wala.”

Ang huling nakarelasyon ni Dennis ay ang Kapuso actress na si Bianca King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN