Lauren Young says someone special keeps her happy and inspired these days; refuses to reveal his identity

Nanatiling mailap si Lauren Young nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife. Pero inamin niya na mayroon siyang source of inspiration ngayon. “Siya yung reason why I feel very happy and why I feel very successful in my life,” sabi ng Dormitoryo lead star sa presscon kagabi, September 11.


Sa kabila ng mga balitang patuloy na nag-uugnay sa kanya kay Elmo Magalona, tumanggi si Lauren Young na tukuyin kung sino ang nagpapatibok ng puso niya ngayon.

Ngunit inamin niya na may isang lalaking itinuturing niyang inspirasyon para mas pahalagahan niya ang sarili at pagbutihan ang kanyang trabaho.

“Basta masasabi ko lang, I have someone who inspires me and it’s been paying off because this person has taught me to be a better person,” ani Lauren nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng press conference ng GMA-7 weekly series na Dormitoryo kagabi, September 11.

Patuloy niya, “He taught me to become more independent and care more about myself and to love myself more.

"Siya yung reason why I feel very happy and why I feel very successful in my life.”

Nang tanungin namin kung kumusta siya bilang isang girlfriend, mabilis siyang sumagot ng: “Girlfriend agad? Inspiration lang, ’te!”

So, hindi pa sila opisyal na magkarelasyon?

“Basta inspired [ako ngayon]. Hindi na kailangan malaman ng tao [kung sino],” nangingiting sabi ni Lauren.



LESSON ON LOVE. Kuwento pa ng Dormitoryo lead star, matagal na rin mula nang maghiwalay sila ng dati niyang non-showbiz boyfriend.

Madalas kasing mag-post si Lauren noon ng sweet photos nila sa kanyang Facebook account.

“It’s not a secret. Hindi naman ako yung tipong tao na magkunwari ako na hindi ako nagka-boyfriend.

"I was very public about my non-showbiz boyfriend.”

Pero masyado pa raw siyang bata noon kaya marahil nauwi ito sa hiwalayan.

“So, as a girlfriend, bata ako nun, mga 16 or 17 years old. I was very immature. I was very selosa.

“But you know, now, as I’m getting older, I’m turning 20, I learned that it’s not just about you and that one person.

“You have to work together as a team, na kahit may boyfriend ka, you also have to be happy with yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because if you can’t love yourself, you cannot share your love with anyone else.”

Aminado si Lauren na mahirap talagang makipagrelasyon sa kapwa niya artista dahil mas lapitin ng intriga.

Kaya kung sakaling magka-boyfriend daw siya, hangga’t maaari ay ayaw niyang maka-loveteam ito para na rin hindi sila magsawa sa isa’t isa.

“I’m not the type of person na I like mixing my work and my personal life. It gets really messy.

“If I would date someone from showbiz, I would rather na hindi ko katrabaho. Kasi, parang nakakasawa.

“Nagkikita na nga kayo sa set tapos pag day-off mo, magkikita pa rin kayo,” naiiling niyang pahayag.



INDEPENDENT AT 19. Bukod sa kanyang blossoming lovelife, masaya si Lauren dahil nakatulong ang sunud-sunod niyang proyekto para makapag-ipon siya ng pambili ng sarili niyang sasakyan.

“I’m finally buying a car. Kasi usually nakikisabay ako sa ate ko [Megan Young] or I will use my dad’s car. So, minsan nagka-cab ako.

"Now, I can finally say na I have my own car,” bulalas niya.

Dagdag niya, “Ang dream car ko actually is a Range Rover. But now, I’m buying an SUV, a Montero.”

Sobrang excited na raw siya na bilhin ito para magamit niya kapag pumapasok siya school o kaya ay gumigimik kasama ang kanyang mga kaibigan.

“I drive kasi. For tapings and work purposes, I have a driver kasi long hours yun. Sila, they get to sleep, I don’t.

“Pero if I go to school or if I like to go back to my hometown in Subic or go to the mall, I drive myself,” ani Lauren, na sa kasalukuyan ay second year Culinary Arts student sa College of St. Benilde sa Taft, Manila.

Very proud si Lauren dahil sa mura niyang edad ay nakapagpundar na siya ng ilang investments. Isa na rito ang pagkakaroon ng sarili niyang condo unit na binili niya noong siya ay 18 years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, sana raw ay ma-inspire niya ang iba niyang kaedadan na matutong maging independent habang maaga.

“I live on my own. I want to set an example for kids my age to branch out and try something new.

“Kasi it’s our culture na as long as you can, didikit ka sa parents mo.

"But the reality is hindi rin puwede gano’n. Sometimes you have to stand on your own feet and help yourself.”

Kung sakali ay willing daw siyang magbigay ng tips sa ibang kabataan.

“If there are some people out there who want to know about it, then they can just tweet me and I will gladly help them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN