Alden Richards on wearing sexy underwear: "Hindi naman siguro last resort, parang siguro yung pag ready na po talaga ako."

Marami ang nakakapansin na napapadalas ang pagta-topless ni Alden Richards sa programang Sunday All Stars. Pero babawasan na raw ito ng young actor. Sabi niya, "Kasi may ibang hindi nagagandahang comments. Parang bakit parang sinasamantala daw po ako ng show. Well, ako naman po, kaya po ako pumapayag sa ganun is for the betterment of the group, para rin naman po masabing nag-all out performance kami. Pero I’m just doing it for the show and for the gr


Isa si Alden Richards sa cover boys ng Cosmo Men this year, kasama ang kapwa niya Kapuso hunk na si Tom Rodriguez.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa 17th floor ng GMA Network Center noong Martes, September 10, tinanong namin siya kung ano ang ipapakita niya sa Cosmo Bachelor Bash na gaganapin sa September 24.

“Mas exciting kesa last year po.

"Of course, siyempre cover po ngayon, so mas mataas ang expectations.

“Mas less damit,” sabi ng Kapuso actor.

Pero hindi naman siya magta-trunks?

“A, hindi po, bawal pa po.”

Kailan siya mapapapayag na magsuot ng trunks?

“Siguro po pag ano na… pag po point na talaga ng career ko na mature na, wala na sa bracket ng…

“Kasi ngayon po, parang I can see myself puwede pa pong wholesome-wholesome.

“Pag dumating na po dun sa point na yung… hindi naman siguro last resort, parang siguro yung pag ready na po talaga ako.

“Ngayon po kasi, hindi pa masyado.”



WEARING TRUNKS. Isang taon o dalawang taon ba ay handa na siya sa pagta-trunks?

“Ayoko pa kasing magsalita, mahirap po, e.

“Baka siguro… pero not this year pa po, hindi pa po ngayon yung todong seksi na underwear talaga.”

Ano ang nakakapigil sa kanya, samantalang maganda naman na ang katawan niya?

Paliwanag ni Alden, “Siguro po yung branding ng GMA. Kasi, iyon nga, wholesome image pa po yung pinu-project ko po sa viewers and audience.

“So, parang baka pag bigla po akong nag-switch sa ibang image, baka ma-turn off sila, ‘Ay, bakit ganun? Okay siya as this.’

“Pero kaya lang po, the way I see it, hindi mo rin naman alam unless you try.

“Pero sa ngayon, hindi pa po ako ready to do sexy underwear.”

Sa Folded & Hung naman, kung saan siya ang endorser, ay hindi nakalagay sa kontrata niya na pagsususutin siya ng underwear. Pero wala rin sa kontrata niya na hindi siya puwedeng magsuot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag biglang i-request sa kanya ng F&H na mag-underwear siya?

“A, management na po ang mag-usap tsaka sila!” natawang sabi ni Alden.

Paano ba siya nagpapaganda ng katawan?

“Basta kasi po ang diet po, sa advise sa akin ng trainer ko, hindi yung starvation, yung hindi ka kakain.

“Kasi the more you starve yourself, tapos kumakain ka ng marami bigla-bigla, the more you gain weight.

“Kasi pag hindi ka kumain, yung metabolism mo babagal, so hindi ka makakatunaw ng food kapag nagbiglaang intake ka.

“So eat less, na ako po, parang every three hours, fruits, nuts, tapos may mga meals, like sandwiches, pero no rice po, no carbs.”



ALDEN HATES MENUDO. Magdadalawang buwan na raw hindi kumakain ng kanin si Alden. Pero may mga pagkakataon daw na hinahanap-hanap niya ito.

“After Cosmo po, doon ko totodohin.

“Babalik ko po [ang pagkain ng kanin]. Actually, kaya ko naman po na walang kanin pag, like this, may pinaghahandaan.

“Pero pag wala naman, kahit hindi naman todo-rice, pero pag masarap yung ulam, hindi maiwasan, like adobo.”

Paborito rin daw ni Alden ang binagoongan, dinuguan, at bopis.

“Actually gulay, lahat naman po, wala naman po akong hindi kinakain.”

Pero ang pagkaing hindi kinakain ni Alden ay…

“Menudo po! Lahat po ipakain ninyo na sa akin, huwag lang menudo.

“Hindi ko po alam, e, iyon lang po ang… ewan ko, basta narinig ko ang word na menudo, whoa!”

Nakakain naman na raw siya dati ng menudo.

“Kaya lang po may bad experience po kasi ako sa menudo, e. Bata pa po ako nun, seven years old siguro…

“Basta hindi ko po alam kung bakit, pero lumabas sa ilong ko yung menudo, parang lumabas po yung giniling!

“Actually yung giniling at menudo, ayoko po.”

Paano kung halimbawa ay may babaeng nililigawan siya at ang challenge para sagutin siya nito ay kumain siya ng menudo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya naman po, kaya lang…” sabay muwestra ni Alden na nasusuka.

Kumakain naman daw siya ng balot.

“Ang sarap! Tatlo sa isang upuan.”



TOPLESS. Hindi pa raw alam ni Alden ang next project niya sa GMA-7.

“Pero ang sabi po sa akin, November pa daw po.

“So ngayon, focus po muna ako sa pagiging leader sa Sunday All Stars, album promo, tsaka ito pong Cosmo, tsaka workshops po.”

Kahit sa Sunday All Stars ay napapansin ng karamihan na madalas na siyang maghubad sa production numbers nila.

“Oo nga po e,” bulalas ni Alden.

“Pinaghububad po ako, pero siguro babawasan ko po kasi may ibang hindi nagagandahang comments.

“Parang bakit parang sinasamantala daw po ako ng show.

“Well, ako naman po, kaya po ako pumapayag sa ganun is for the betterment of the group, para rin naman po masabing nag-all out performance kami.

“Pero I’m just doing it for the show and for the group, and not for anything else.”

Biniro namin si Alden na kapag binawasan niya ang paghuhubad ay mababawasan din ang manonood ng SAS. Inaabangan pa naman ang paghuhubad nila sa show nina Aljur Abrenica, Enzo Pineda, Steven Silva, at Rocco Nacino.

Tumawa ang binata at sinabing, “Sunday All Hubad!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN