Alden Richards wants to be paired with Barbie Forteza

Mula nang pumasok sa showbiz si Alden Richards ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend. Paliwanag niyang tungkol dito, “Tsaka wala pa po ako sa point na handang pumasok sa isang serious relationship. Hindi pa po ako ready na magkaroon ng commitment other than work and family, and God.”


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden Richards, kinumusta namin sa kanya ang napabalitang show na pagsasamahan diumano nila ni Marian Rivera.

Sagot niya, “Iyon ang hindi ko po alam.

“Kasi po, parang nasabi naman din po sa akin ‘yan way, way during mga two weeks na bago matapos ang Mundo Mo’y Akin.

“Pero ngayon, wala pa pong follow-up, so hindi ko po alam kung tuloy or hindi ko rin po alam kung hindi pa tuloy.”

Soap opera daw ang gagawin sana nila ni Marian.

“Pero hindi pa po sinabi sa amin kung ano’ng story and yung concept of the show.”

Hiwalay na ba muna ang loveteam nila ni Louise delos Reyes?

Sabi ni Alden, “Hindi ko rin po alam. So, wala pa pong further instructions regarding that.

“Pero baka po, baka hiwalay po muna.”

BARBIE FORTEZA. Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang makapareha na hindi pa niya nakakapareha?

“Barbie Forteza!” mabilis na sagot ni Alden.

Pero ang crush ni Barbie ay si Dennis Trillo.

“Oo nga, e, si Madam, luka-luka yun, e!” at tumawa si Alden.

“Madam tawag ko sa kanya, e.”

Bakit niya gustong makapareha si Barbie?

“Magaling siya, nagkasama na po kami sa Maynila, isang episode iyon. So parang na-experience ko siya as an actress.

"Tapos yung relationship namin off-cam, bilang very good friends, pagsamahin dun sa isang soap, tapos ipag-pair up kami, parang feeling ko po magiging okay yung results.”

Twenty-one si Alden at 16 pa lang si Barbie.

Open ba si Alden na magkaroon ng karelasyon na mas bata sa kanya?

“I prefer po kasi older women,” sagot niya.

MYLENE AND ALESSANDRA. Sa mga aktres na mas may edad sa kanya, gusto ni Alden na makatrabaho sina Mylene Dizon at Alessandra de Rossi.

Sabi niya, “Ang gagaling na artista po, e! Sila po yung gusto kong makapareha ko sa mga projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana po maibigay sa akin yung magagaling na aktres sa point of view ko po, so sana po mabigyan ng chance.”

Si Alessandra raw ay nakilala na niya pero hindi pa niya nakatrabaho.

“Makulit, makulit!” natatawang paglalarawan ni Alden kay Alex.

Si Mylene?

“Parang hi-hello lang po, pero not totally makipag-usap.

“Sobra pong magaling na aktres!

“I’ve heard na... kasi po we’re doing 10,000 Hours, meron daw pong eksena si Miss Mylene, yung scene na kukunan was heart attack scene, so patay-patayan yun, iyak-iyakan.

“Bago yung scene na yun, nakikipag-usap siya sa producer, sa direktor, tawanan sila, tawanan.

“’Actors in, action!’ Yung instant, parang on and off switch na… ang galing talaga, e!”

Wala raw silang eksena ni Mylene na magkasama sa naturang pelikula.

Payag naman daw si Alden kung magkakaroon sila ng love scene ni Mylene. Si Alessandra kasi ay kilalang ayaw ng mga love scene sa projects nito.

Sabi ni Alden, “Of course, if okay lang din kay Miss Mylene, it’s up to her.

“And ako naman po, as of this point, wala po akong right na mag-inarte sa kahit na anong hingin sa script, kasi I’m just starting lang po.”



DISTRACTION. Mula nang pumasok si Alden sa showbiz ay hindi pa siyang nagkaroon ng girlfriend. Bakit?

Sagot niya, “Masyado pong maraming priorities, na hindi po yun…

“Kasi ayoko pong malihis yung … ako po, nararamdaman ko, I’m in the right track po, e, as of this point of my career.

“And feeling ko po... is somehow distraction po, parang ganun, sa akin yung lovelife, ang relationship, so parang ganun.”

At hindi pa raw niya kasi nakikita ang babaeng mamahalin niya.

“Tsaka wala pa po ako sa point na handang pumasok sa isang serious relationship.

“Hindi pa po ako ready na magkaroon ng commitment other than work and family, and God.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-twenty-one si Alden noong January 2.

At dahil iyon ang legal na edad ng isang lalaki, masasabi ba ni Alden na mas may kalayaan na siya kumpara noong menor de edad pa lang siya?

Sagot niya, “Actually, never pong naging strict yung dad ko sa akin since I started working.

“Nung sixteen pa lang po ako, dun ako nagkaroon ng… iyon po yung first time na kumita ako ng pera, which was when I was doing commercials.

“One thing I like about my dad, hindi niya ako pinakialaman. Or any member of my family, wala pong nakialam when it comes to my finances, walang nakialam kung saan ako pupunta.

“Parang it gives me the… parang intuition na hindi ko dapat samantalahin yung freedom ko.

“Ako po kasi, hindi ako sinungaling, e.

“Hindi po ako sinungaling when it comes sa mga ginagawa ko, kung saan ako galing.

“Pag nagtanong, sasabihin ko. Pag hindi, hindi ko rin naman po sasabihin.

“So, ako na lang po, iyon, it’s up to me na how to make the most out of that freedom, pero not take advantage of it.”

May naughtiness din naman daw si Alden.

“Lahat naman po tayo may konti,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN