Jasmine Curtis Smith attends Star Magic Ball with rumored boyfriend Sam Concepcion

Nagpaalam daw si Jasmine Curtis Smith sa pamunuan ng TV5 kung maaari siyang um-attend sa Star Magic Ball at pinayagan naman daw siya. Si Jasmine ang naging date ng rumored boyfriend niyang si Sam Concepcion.


Marami ang nagulat nang dumalo ang TV5 talent na si Jasmine Curtis Smith sa Star Magic Ball noong September 7. Siya ang naging date ng rumored boyfriend niyang si Sam Concepcion noong gabing iyon.

“Masaya!” bulalas niya nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa naging karanasan niya sa taunang event ng talent arm ng ABS-CBN.

Nilinaw ni Jasmine na nagpaalam siya sa TV5 na pupunta siya sa Star Magic Ball.

“Yes, I made sure na magpaalam muna sa TV5 before I attended anything.

“And, you know, thankfully, sobrang bait ng TV5, e, so pinayagan ako. Maski po ako nagulat.

“So iyon, I’m just thankful they let me.

“It was very fun naman.”

Kumpirmasyon na bang may relasyon sila ni Sam ang pagdalo nila together sa Star Magic Ball?

Sagot niya, “Confirmation na nag-attend kami together. Ewan ko kung ano pang confirmation yun, di ba?”

Kasama si Sam sa rarampa sa Cosmo Bachelor Bash sa September 24. Papanoorin ba ni Jasmine si Sam na rumampa?

Sabi ng dalaga, “I was invited naman. Last year I was invited, pero I wasn’t here.

"So this year, I’m invited again.”

Manonood siya?

“Of course,” sagot ni Jasmine.

Excited ba siyang makita si Sam na rumarampa na nakahubad?

Sagot niya, “Hubad ba? Lahat ba ng rarampa, hubad?

“Why not? Pati si JC [de Vera] naman nandun, di ba?”

Wala naman silang relasyon ni JC.

“Hindi, pero kuya ko yun, so I’m proud of him.”



INTERNATIONAL SCREENING. Natanong din si Jasmine kung pupunta siya sa Busan, South Korea para sa filmfest na kasali ang Transit.

Ang Transit ang 9th Cinemalaya Independent Film Festival entry kung saan nanalong Best Supporting Actress si Jasmine.

Sabi niya, “Gusto ko sana kaso finals week ko. It depends on what happens with the organization for that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-aaral si Jasmine ng kursong Communication Arts sa Ateneo.

“So sayang because it’s our first international screening but, unfortunately, hindi ako makakasama because of finals week.

“Pero okay lang because, you know, parang we’re aiming to enter other film festivals also. And hopefully, when that comes, makasama na ako.”

Paano kapag muli siyang nanalo para sa Transit?

“Lilipad ako if they tell me in advance, di ba? Pag malaman namin na nanalo ako!” tawa niya.

“Their festival is from October 2 ‘til 12, I think, or 7 ‘til 12... I’m not sure, parang ganun. So around that time.

"But my finals is sa 7 ‘til 12 so hindi kakayanin.

“Kung wala akong finals on the last day, gusto ko sana.”



ANNE’S REACTION. Ano ang reaksiyon ng ate niyang si Anne Curtis sa pananalo niya sa Cinemalaya?

“Siyempre she texted me saying, ‘You know, when I was watching it pa lang, alam ko na deserving ka na, so I’m just very happy for you and I’m very proud that you won.’

“And iyon, even when she got back from work, she was looking for the award.

“But of course they still have to engrave my name on it and the award title.”

Naungusan niya si Anne dahil unang pelikula ni Jasmine ay nanalo na siya ng acting award.

Sabi niya tungkol dito, “I think I had an advantage though, compared to her, kasi nga sa sobrang pagkaangat sa akin ng TV5 in terms of the roles that I got as a newbie.

“Na-challenge ako agad-agad. I really had to level up agad-agad.

“Whereas, she slowly progressed because of how different we started.

“And I got that advantage because of her din naman.”

Matatapos na ang kontrata ni Jasmine TV5 sa November, pero sigurado raw na magre-renew siya rito.

Paano kapag sinabi ng ate niyang si Anne na sa ABS-CBN na lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jasmine, “I’m happy with TV5, I’m so, so happy!

“With the allowances that they’ve been giving me in terms of time with school and to rest and the projects, sobrang luwag.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN